HALOS mapanga-nga ako sa ganda ng bahay ni Ninang Annabel, grabe ang yaman-yaman pala ng Ninang ko bakit kaya ngayon ko lang din nalaman na may Ninang ako at mayaman pa! Tsk si Mama talaga napaka nya minsan. At oo hindi na rin talaga pinalampas ni Mama yung chance na maging Tutor ako hayyy! Ilang taon ba yung itu-tutor ko at mukhang desperado na sila Ninang na maka hanap ng Tutor? O diba paulit-ulit na lang yung word na "Tutor" para cool.
"Iha, kayo po ba ang anak ni Mrs. Castillo?" Tanong saakin nung ka tulong nila at pinag buksan nya pa ako ng malaking gate. GRABE!
"Ah, ako nga po iyon." Naka ngiting sabi ko sa hindi katandaan na ka tulong base sa suot nito.
"Pasok ka iha, hinihintay kana ni Madam sa loob." Napa lunok ako. Hindi kinaya ng energy ko yung MADAM baka mataray ang Ninang ko.
"S-sige po." Lokarets naman ako habang pumasok at napa nga-nga ulit sa ganda ng garden hangang sa matungo na namin yung main door.
Ibang klase. Ang yaman naman nila nakaka panliit naman ito, siguro pag dinala ko si Marco dito masisiyahan sya at ma eengganyo din tulad ko, at si Mama paniguradong magugustuhan nya ito. Nakaka hiya man pero pinangarap ko rin na makaahon kami sa buhay, pinapangarap ko rin minsan na maiparanas ko kay Mama at Marco ang ganitong buhay but I guess malayo pang mang yari yun at mag sisikap talaga ako sa pag aaral para maabot ko rin to.
"Aherm." Napa balik ako sa realidad ng biglang may tumikhim at nanliit ako bigla ng mapansin kong kaharap ko na pala ang napaka gandang babae na hindi naman katandaan dahil din siguro sa karangyaan sa buhay ay hindi sya napapagod hindi tulad ni Mama.
"Naku pasensya na po ah, nakaka hiya naman po." Yumuko pa ako sa sobrang kahihiyan pero tumawa lang ng pang mayamang tawa ito, grabe may pang mayamang tawa rin pala? So ano yung saakin? Pang mahirap? Saklap naman nito.
"Ano ka ba, ang ganda pala ng inaanak ko." Namilog ang mata ko sa sinabi nya.
"K-kayo po ba ang Ninang Annabel ko?" Hindi maka paniwalang sabi ko.
"Ako nga." Iginaya nya ako sa malaki at malambot nilang upuan. "That's why I hate your Mom."
"Bakit naman po?"
"Hindi nya ako pinakilala sayo. I hate her." Matampuhing sabi nito. "By the way ako nga ang Ninang Annabel mo, introduce yourself iha." Napalunok lunok pa ako.
"Ako po si Reyly Castillo. 2nd year college po."
"Nakakaingit naman si Risa." Tukoy nya kay Mama.
"Bakit po?"
"May college na sya samantalang ako wala pa." Napakunot ang noo ko. "Kaya nga iha, pasensyahan mo na kong naabala pa kita."
"P-po?"
"Kailangan ko lang talaga ang tulong mo.." She even sighed. "Nahihirapan na rin ako ey."
"Ano po bang nang yayari?"
"Yung anak kong hindi na nag titino." Napangiwi ako sa sinabi nya, bakit kasi ganun? Pag mayaman kailangan pang mag bulakbol? Nasa kanila na ang lahat pero gagawa pa ng hindi kaaya-aya. "That's why lumapit ako kay Risa kasi alam kong matutulungan nya ako, sorry iha but i really need your help."
![](https://img.wattpad.com/cover/88544982-288-k418084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]
Teen FictionBook cover credit to my precious reader : @Theworldheknows