Tutor #18

163 10 0
                                    

2 months past

"Umayos ka nga, Babae."

"Bakit nga kasi ang hilig hilig mong kaladkarin ako? Sino kaba sa inaakala mo?"

"Manahimik ka. Hindi kita kinaladkad papunta dito para lang dumakdak ka at singhalan ako ng ganyan."

"Ah ganun? Gusto mo bang masapak."

"Araay! Ano ba!"

Hindi ko mapigilang wag mapangiti sa eksena ng dalawang estudyante mula sa park kung saan naka tambay ako. Sa tuwing uwian didiretso ako dito at tatambay ng hangang sa mag sawa ako, pero sa totoo lang hindi naman ako nag sasawa sa lugar na to. Hindi ko alam kong bakit.

Tiningala ko ang kalangitan kong saan nag babadya na naman itong umulan. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilabas din ang payong ko para panangga sa patak nito.

Its been 2 months and I feel so empty. Hindi ko alam kong bakit nakakaramdam ako ng ganitong kakulangan, kalungkutan at higit sa lahat nasasaktan ako ng walang dahilan.

This is not me. I'm not the same anymore. Hindi na ako si Reyly Castillo na manhid, walang pakealam at walang inuurungang sakit. I used to fake myself too.

Nababaliw na ba ako? Kinukulam ata ako ng lalaking iyon pero impossible. I need to wake up in this wildest dream.

"Bakit kasi hangang ngayon di ka pa maka move on?" I sighed. "Hindi ka naman miss ng unggoy na yon." Naka simangot pa na sabi ko.

Naalala ko pa yung huling pag-uusap namin, sabi nya "Paano kong mamimiss kita?" Pero ang hayop na yun ni wala rin namang paramdam saakin. Malapit na ang closing ng mga estudyante. 1 week to go na lang at mas mabuti ng hindi kami mag kita pa ulit ni Eos.

He needs to study well for his final exam. Pero sa totoo lang wala akong tiwala sa lalaking yun tssh. Siguraduhin nya lang na makakapasa sya dahil paniguradong maraming pasa sa mukha makukuha nya mula sa Daddy nya.

"Ate Reyly.." Napa tigil ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko. "Ate Reyly!!" Napalingon ako at doon nakita ko si Eros na papalapit saakin may hawak na dalawang ice cream.

"Eros?" Ngumiti sya at inabot nya ang ube flavor. "Ano to?"

"For you. Paborito mo yan diba?" Mabilis na napa tingala ako sakanya.

"P-paano mo nalaman?" Medyo dinumog ng kung anong pakiramdam ang puso ko. Iisang tao lang ang may alam nito.

"Well, last week kasi kumakain si Kuya Eos ng ice cream at tangina puros ube flavor. Ewan ko kung anong kabaliwan na naman ang ginagawa nya sa buhay." Napatitig ako sakanya. "Pwede ba akong maupo sa tabi mo? Nangangalay na kasi ako atsaka i-kukwento ko si Kuya Eos sayo I know for sure you miss him." Umusog ako para mabigyan sya ng space.

"Maupo ka. Atsaka ayoko."

"Anong ayaw mo?" I cleared my throat.

"Ayokong marinig ang ano mang tungkol sa Kuya mo." He eyed on me na Parang sina sabi na 'weeeh? Pag sure uyy.' Pero disidido akong ayokong marinig ang ano mang tungkol Kay Eos. I feel so guilty kasi.

"But you miss him." Seryosong sabi ni Eros na ikina gulat ko.

"A-ano?"

"You miss him right?" Mabilis na umiling ako.

"Hindi noh. Bakit ko naman mamimiss ang lalaking yun? I know for sure sa sakit lang ang ulo ko. Pangalan pa nga lang nya ang naririnig ko parang panawan na ako ng ulira't--"

The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon