"Magandang umaga Ninang!"
Masayang bungad ka kay Ninang Anabel mula sa magarang pintuan nila, madaling na tapos yung klase ko kaya minabuti ko na lang na dito na dumiretso total hindi pa naman din hassle yung byahe ko lalo pa't nasa 9:00 exact pa hindi pa traffic. Tumikhim si Ninang at hinagkan nya ako sa noo.
"O, ang aga naman ata ng inaanak ko?" Napangiwi ako ng may kong anong titig ang ipinukol nito saakin. "Miss mo ata si Eos ey."
"Po?" Nanlalaki yung mata ko sa sinabi nito pero minabuting tawanan nya ako. "Hindi po.." Ngumuso ako sakanya. "Maaga po kasi na tapos yung klase ko kaya diretso na po ako rito para maagang matapos yung tutoring class namin ng anak nyo."
"Oh sya kong ikaw lang naman ang matitipuhan ng anak ko ay botong boto ako." Humalakhak ito na ikina buga ko ng hangin.
"Ninang naman ey." May tono ng pag tatampong anas ko.
"Hindi ko nga lubos akalain na ikaw pa ang makapag papatino sa Eos na yun ey." Napaawang na lang yung labi ko. "Mukhang sa tingin ko unti-unti na syang nag babago." Masayang sabi nito. PSH! Kong alam lang sana ni Ninang ang totoong ginagawa ng Gago na yun! "Salamat iha."
"Naku walang anuman po iyon." Pilit na pilit yung pag ngiti ko sa kanya kasi naman mukhang wala naman masyadong improvement ang Eos na yun noh sakit nga sya sa batok ko psh!.
"Masaya ako at the same time nalulungkot akong isipin na limang araw na lang ay matatapos na yung pag tuturo mo sakanya." Napatigil ako sa narinig kong sinabi nya. Parang biglang tumigil yung oras ko at hindi makapaniwala.
Limang araw na lang ang nalalabing araw nang pag tuturo ko kay Eos?
"Naniniwala naman ako na makakapasa nya yung final exam nya at nakaka tungtong din sa kolehiyo ka tulad mo iha."
Bakit hindi ko lubos maisip na limang araw na lang ang natitira?
"Alam kong ginawa mo yung best mo para turuan sya kaya salamat talaga Reyly."
Ganoon ko na ba talaga itinuon yung pansin ko sa Eos na yun para makalimutan ko ang araw? Teka bakit ko ba to iniisip?
"Reyly ayos ka lang ba?" Napa kurap-kurap ako at ngumiti kay Ninang.
"O-oo naman po.." Bakit parang may pang hihinayang akong nararamdaman? Dapat maging masaya ako diba?
"Oh sya sa kwarto mo na lang hintayin si Eos." Ngumiti akong muli at tumalima sa sinabi nya.
"Salamat po."
"Sabihin mo lang kong may kailangan ka ah." Tumango ako sakanya.
"Opo." At nag patuloy na akong umakyat sa pangalawang palapag kong saan nandun yung kwarto ni Eos.
Pinag landas ko yung kamay ko mula sa pintuan ng kwarto nya at kimeng ngumiti. Hindi ko mapigilan na wag maalala yung unang araw ko dito, ang sungit sungit ng lalaking yun at talagang napaka gago nya mula ulo hangang paa.
"Teka bakit ko pa naiisip ang mga bagay bagay na to?" Napairap na lang ako at ng may biglang tumikhim sa likod ko.
"Hi." Napa lingon ako at naka ngiting mukha ni Eros ang nabungaran ko. Suot nya pa yung uniform nya at naka sukbit pa sa isang balikat nito ang backpack nya.

BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]
Novela JuvenilBook cover credit to my precious reader : @Theworldheknows