Tutor #8

215 11 0
                                    

"Good morning po Ninang.."

Bungad ko kay Ninang ng makita ko itong nasa sofa naka upon at nag babasa ng kong anu-anong magazine. Ibang klase kapag mayaman ka ayahay sa buhay diba? Kapag si Mama lang to panay 'Aray' o kaya naman 'Nakakapagod' ang maririnig mo sa twing nag tatrabaho sya ng ganito kaaga.

"Oh iha andito kana pala," Hinagkan nya ang pisngi ko saka ngumiti ng matamis. "Akala ko mamaya ka pa susunduin ng Driver?" Napaangat ang sulok ng labi ko sa sinabi nito.

"D-Driver po?" Tumango ito at inayos ang salamin sa mata.

"Binilinan ko kasi kaninang madaling araw yung driver na sunduin kana para hindi masyado Hassle sa daan at baka mapagod ka." Hindi nawala yung ngiti nya sa labi nito.

"G-ganoon po ba?" Ey bakit si Eos ang sumundo saakin? So sya na ba ang bagong driver?

"Oh sya gusto mo ba ipag hahain kita ng makakain?" Ngumiti ako sakanya dahil kumakalam na rin sikmura ko.

"Nakakahiya po."


"Ano kaba inaanak, sige na akyatin mo na si Eos para mabilis matapos yung tutor class nyo." Tumango ako at nag lakad na paakyat.

Hindi parin mawala sa isipan ko yung tanong na 'Bakit si Eos Cipriano ang sumundo saakin?' Niloloko ba ako ng unggoy na yun? Nakakabaliw na talaga ang takbo ng utak ng lalaking yun.

"Good morning Aga mo ah." Naka ngiting sabi ni Eros ng lumabas ito mula sa katabing kwarto ni Eos.

"Good morning.." Naka ngiting ganti ko sakanya. "...Si Eos kasi hindi ko alam tinatakbo ng utak." Ngumisi ito.


"Di kaya..." Tinitigan ko sya at hinintay ang susunod na sasabihin nya ng bumukas yung kwarto ni Eos. "May gusto.."

"EROS!" Napaigtad ako sa gulat sa sinabi ni Eos at todo lawak ng ngiti ni Eros.

"Yes kuya?" Napaka dilim ng aura ni Eos habang naka tingin sa kapatid nito.

"Mag hanap ka ng Tutor mo wag sya." Napa nga-nga ako sa sinabi nito lalo na ng bigla nya ako hilain palapit sakanya. "Akin sya.. Ayoko ng sharing." Inirapan nya si Eros at hinila na nya ako papasok tapos ay ibinalibag nya pasara yung pinto nya.

"Eos---"


"Dapat akin ka lang diba? Akin ka lang." Nataop ko yung bibig ko sa sinabi nya. What the fuck bakit iba yung epekto nito sa puso ko? Grabe yung kalabog ng dibdib ko parang gusto ng lumabas ng puso ko. I shouldn't feel this.

"Ano bang pinag sasabi mo?" Pilit na pinaka tatag ko yung boses kong naapektuhan ng nararamdaman ko ngayon.

"Akin ka mahirap bang intindihin yun?" Inirapan nya pa ako saka naupo sa sofa nito at nag sindi ng sigarilyo.

"Tutor mo lang ako GAGO!"

"Yun na nga." Napaawang ang labi ko sa kanya. "Tutor KITA at SAAKIN ka lang mag tuturo hindi kasama ang Eros na pangit na yun kay nga akin ka lang diba PSH!" Yun lang pala ibig nyang sabihin. Why do I need to feel this. Nababaliw na ba ako.



"Teka maiba tayo.." Pinamewangan ko sya sa harap nya. "..Bakit ikaw ang sumundo saakin?"


"Seryoso? As if naman gusto ko.. Diba sabi ko sayo napag utusan lang ako ni Ganda?" Sinamaan ko sya ng tingin.

The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon