Tutor #7

224 12 0
                                        

"Anak, Bumangon kana dyan dali."

Napatakip ako ng unan mula sa aking mukha ng sumilay si Haring Araw mula sa bintana ko, nalimutan ko pa lang mag lagay ng kurtina kagabi sa sobrang antok ko na pag dating sa bahay, naramdaman ko ang mahihinang yugyog ni Mama sa balikat ko pero nag papatalo talaga ako sa dala ng antok ko.


"Hoy Reyly mag dilat kana dyan may nag hahanap sayo sa baba."


"Ma, inaantok pa po ako, Sa pag kakaalam ko wala naman akong manliligaw na dadalaw saakin at isa pa wala po akong pasok ngayon." Ungol ko mula sa pag kakatakip ng unan sa mukha ko na pilit na hinihila ni Mama. "Maaaaa!" Naiiyak na sabi ko dahil talagang inaantok pa ako.

"Reyly wag kang ano dyan! Mag dilat kana at kanina pa nag aantay sayo yung lalaki sa labas." Naiinis na sabi ni Mama. Shit sino bang Lalaki ang sinasabi ni Mama? Pag kakaalam ko wala naman akong boyfriend Hindu dahil ayoko pa kundi dahil sa hindi talaga ako ligawin kasi yong utak ko naman talaga ang palaging naliligaw.



"Sino ba kasi yun Ma," Naupo na ako sa ibabaw ng kama ko habang nag pupungas-pungas pa.


"Abay Malay ko kong sino yun." Napangiwi ako sabay kamot sa ulo.


"Ma naman kasi ey." Hihiga pa sana ako ng inambanan ako ni Mama ng tsinelas kaya napatayo na lang ako bigla sa takot na baka mahampas nga nya ako.



"Silipin mo kaya sa bintana mo ng malaman mo." At padabog na sinirado ni Mama yung pintuan ko.



"Naku naman kasi.." Nag patumba ako mula sa kama at pilit na natulog muli peri wa-epek na rin dahil na rinig ko na nanaman yung maka bombang sigaw ni Mama. "Sino ba kasi yun." Naiinis na hinanap ko yung tsinelas ko at sumilip na sa bintana habang nag hihikab--na patigil ako at halos lumuwa yung eye ball ko sa kong sinong tao ang nakikita ko na naka prenteng nakaupo sa motor mula sa baba. "What the fuck?" Mahinang mura ko ng marealize ko yung itsura na iniharap ko sakanya.


Kumaway ito saakin pag ka tapos ay itinuro nya ang labi nya na parang sign nito saakin na tulo laway ako, pasimpleng pinahid ko yung labi ko pero wala naman akong naramdaman na tumulo laway ko, Sinamaan ko sya ng tingin habang hawak nya ang tyan nya at namimilipit sa kakatawa mula sa Baba, pinag titinginan pa sya ng mga taong napapadaan doon.



"Anong ginagawa ng taong ito dito?" Hindi makapaniwalang sabi ko at isinirado ko na ang bintana ko, ayokong malaman ng mga kapit bahay namin na kilala ko ang abnormal na lalaking yun. "Haiist! Pati ba naman umaga ko susulpot ka parin?" Napairap na lang ako sa hangin.

Madaling kinuha ko yung towel ko at pumasok na sa banyo, habang nag to-toothbrush ako ay hindi lo lubos maisip kong paano na padpad ang nilalang na yun mula sa labas ng aming bahay. Paano nya ba nalaman to? Gago pa naman sya kung tutuosin baka mapag trip an pa sya sa kanto nyan.


"Hayyy! Makakatikim na talaga ang Eos na yun." Mabilis na naligo ako at pag ka tapos ay nag bihis na hindi ko kayang mag tagal ang Eos na yun mula sa inosenteng lugar naming ito baka mahaluan pa ng kamunduhang meron sya ang mga kapit bahay ko.



"Sino yun ate? Manliligaw mo?" Bungad ni Marcos saakin ng pag labas ko ng kwarto ko. Mukhang bagong gising din ito base sa suot nyang pajama tops nyang black.



"Mukha ba syang manliligaw?" Naiinis na sabi ko habang hinahanap ko yung sapatos ko.




"So boyfriend mo Ate?" Nilingon ko si Marco na ngiting ulol na naka sandig mula sa railings ng hagdanan.



"Hindi. Kaya wag kang pa epal ng kong anu-ano hindi bagay." Sarkastikong sabi ko habang sinusuot ko yung sapatos ko.



"Sus. Wag ka nga dyan ate, sana sinabi mo ng maaga na mag kakabayaw na ako ng mag ka bonding naman kami minsan." Namimikon na sabi nya kaya sinamaan ko talaga sya ng tingin.


The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon