KINABUKASAN ding iyon ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ninang na late na pero wala pa si Eos sa bahay nila.. Wala naman saakin yun at wala akong pakealam sakanya pero hindi ako makapaniwala sa huling text ni Ninang saakin, parang gusto ko ng sumabog mula sa kinatatayuan kong parke palibhasa hindi nila alam kong gaano na ako nahihirapan sa gago na lalaking yun. Psh! Pasalamat talaga sya at mabait parin ako kahit na gago sya.
Ninang.
Inaanak, pwede mo bang daanan sa school si Eos please? Nag aala na ako sakanya.
Bumuntong hiningi ako, Kaya ano pa ba magagawa ko? Nag lakad na ako papunta sa school address na sinabi ni Ninang saakin baka kasi naligaw na ng tuluyan yung utak ng lalaking iyon psh. Pag ka pasok ko sa loob hindi naman masama, maganda ang paaralan nya at iisang school lang palang pinapasukan si Marco at ang Eos na yun. Muli akong nag lakad palingon-lingon nag babakasakali na masulyapan ko ang ungas na yun. Narating ko na yung canteen wala parin sya.
"Saan na ang Gago na yun?" Napakamot pa ako ng ulo ko, talaga naman oh, nag absent pa ako sa last subject ko para lang hanapin ang unggoy na yun. "Wag ka talagang mag papakitang unggoy na gago ka saakin kundi--" Napa lingon ako mula sa nag kukumpulan na mga estudyanteng nag tatawanan.
Alam kong simpleng mag kakaibigan lang sila at nag kakatuwaan pero hindi ko maintindihan yung feeling na kinukutuban ka? Oo yun yung nararamdaman ko so lumapit ako di kalayuan sa kanila para lang matanaw ko kong tama ba ang hinala ko.
"Eos if you choose me I will give everything to you."
"Tabi nga.. Oh my Eos.. Choose me I will promise that you are my everything."
"Eos no don't listen to them just simply choose me I can love you just simply as that."
"Hey. Hindi ko kayo maintindihan."
Nalaglag panga ko sa sa eksenang nadatnan ko, grabe din ang tama ng mga taong ito. At ang gagong Eos ayun walang pakealam na kumakain habang napapaligiran ng ka babaihan psh.
"Hindi kona talaga matitimpi ito." Kuyom ang kamao na lumapit na ako mula sa kumpulan ng mga estudyante ng mapunta na ako sa harapan nila ay malakas na hinampas yung lamesa na kinakainan ni Eos. Lahat sila nahigit nila ang hininga nila except kay Eos na walang pakealam na naka tingin lang saakin.
"Anong kagaguhan na naman to Eos Cipriano huh?" Mapanlokong tumingin sya saakin.
"Bakit nandito ang babaeng-awww" Napatigil sya ng pitikin ko ang noo nya.
"Nakakahiya man pero.. Pwede bang itigil nyo na ang pag aarte nyo. Ano to Iliad and Odyssey drama? May pa choose me choose me pa kayo jusmeyo." Lintaya ko sa mga naka paligid sa kanyang nga Babae na ang sasama na tingin.
"Teka sino kaba?" Sabi ni Haliparot.
"Oo nga bakit sinaktan mo ang Eos namin!" Galaiti na sabi ni Hipon.
"Wala kang karapatan-" Sasampalin na sana ako ni Bitch pero mabilis na tumayo si Eos para sanggain ang kamay nito. "E-eos." Hindi makapaniwalang sabi nya.
"Subukan mong mag lapat ang kamay mo sa anong parte ng katawan nya ni hibla ng buhok nya... Patay ka saakin." Sunod sunod lang yung pag lunok ko at hindi ko mapigilan yung sarili ko super lakas ng tibok ng puso ko baka aatakihin na ako dahil habang sinasabi nya yun saakin sya naka tingin at hindi ko maintindihan yun.

BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]
Teen FictionBook cover credit to my precious reader : @Theworldheknows