Tutor #1

688 19 0
                                    

"Hoy kailan pa naduwag yang buntot mo?"

Napa lingon ako mula sa likod ko ng umangal pa ang isa sa mga naka suntukan ko kahapon, akala ko pa naman titigil na ito dahil sa ilang sapak na natanggap nya saakin pero matinde talaga ang amats ng isang shokoy na to at kahit naka benda na ang ulo inaangasan nya parin ako. Muli kong tinuon ang pansin ko sa dinaraanan ko papuntang school hindi naman ako pumapatol sa mga tulad nyang hindi nakaka tanggap ng pag ka talo nakakaawa sya PWE!

"Hoy duwag bakit tinatalikuran mo na lang ako ng basta basta!"

Hindi ko na lang sya pinansin, pa simpleng hinugot ko ang sigarilyo ko mula sa bulsa at ang lighter ko at sinumulan ko na itong sindihan ng hindi parin ito tumigil at talagang sinundan nya ako nararamdaman ko ito.

"Ano kaba umuwi ka na at mag pahinga, hindi naman ako pumapatol sa mahihina."

Walang pakealam na sabi ko at isa pa totoo naman yung sinabi ko, kong mag papahinga sya at mag pagaling baka ako pa ang mag hamon ng gulpihan nakakaawa sya PWE!

"LOKO KA EOS HUH! AKALA MO!  SINONG MAHINA SAATIN HUH?"

Naiiritang nilingon ko sya habang naka pamulsa pa ako sa kupas na pantalon ko, at nakaka hiya man pero naka suot pa ako ng uniporme dahil papasok nga ako sa school.

"GAGO KA BA? O GAGO KA TALAGA?" Inirapan ko sya at pinatay ang sigarilyo ko. "Dahil sa kaartehan mong yan baka malate pa ako Tang*na mo!"

"Labanan mo ako kailangan kong maka bawi sa pag papahiya mo saakin sa girlfriend at sinira mo ang mukha ko."

Napa buga na lang ako ng hangin at nilapitan sya naalarma naman ito kaya dama ko na inihanda nya ang sarili nya. Nakakatuwa, ang lakas ng loob nya pero napaka duwag naman PSH!

"Oh!"

Puno ng pag tataka ang mukha nya ng may iabot ako sakanya. Pinaningkitan ko pa sya ng mata ng hindi pa sya maka bawi sa pag tataka nya.

"Hoy wag kang tanga huh! Baka masapak kita. Kunin mo to oh."

"Anong gagawin ko sa bente pesos mong gago ka?" Naiinis na sabi nya pero wala akong pakealam  at isinuksok ko yun sa kwelyo nya. "Tang*na mo Eos huh!" Nang gagalaiti nyang sabi ng ambanan ko sya ng sapak.

"Wag kang maarte. Bente pesos na nga lang sinsilyo na pera ko umaarte ka pa."

"Ano ma papala ko sa bente pesos mo?"

"Tanga ka ba? Natural pambili mo ng tsupon para mag mukha kang bata ulit sa mata ng jowa mo! WAG MO AKONG SINISISI SA KATANGAHAN MO BAKA AGAWIN KO ANG HINDI KAGANDAHANG JOWA MO! MAMILI KA!" Nanlilisik ang mata nya sabay turo saakin.

"Babalikan kita Put*ng*na mo!" Padabog na lumayo ito at dala dala yung bente pesos ko loko yun ah!

Sisihin ba naman ako sa katangahan nya? Loko gusto atang masapak ng mga sampo, Napa dako ang tingin ko mula sa relo ko at napa kurap kurap doon.

"Gago pala ang Richard na yun. Trenta minutos ang ninakaw na oras saakin. Gago talaga."

Late na ako kaya ano pa bang aasahan ko mula sa walang kwenta kong teacher? Puro dada lang naman ginagawa nya at sermon inaatupag nya sa mga estudyante nya. Nasa ikaapat na taon na ako sa high school at naiinis na ako. Naka ilang balik na ba ako sa high school? Wala naman akong pakealam at mabuti na ito at malaya kong nagagawa ang gusto ko. mauunahan pa ata ako ng kapatid ko na mag college. Ilang taon na ba ako? 22 years old na ako at talagang naiinis na din pati si Tanda (Daddy) buti pa si Ganda (Mommy) hindi ako pinipilit sa mga bagay bagay pero si Tanda? Naku baka sya pa unang babasag sa labi ko pag sinuway ko pa sya ngayon.

The Bad Boy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon