Prologue

9K 225 13
                                    

Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya .Mukhang wala na talaga syang nararamdaman sakin .Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang lahat.Iiwan nya lang ako sa ere na parang walang nangyari .

"Im sorry Ally"sambit nya at hinawakan ang kamay ko.Pilit ko mang iniiwas ang kamay ko pero hindi ko magawa.Hindi ko magawa dahil mahal ko sya at mahihirapan akong mawala sya.

"Bakit mo ba ito ginagawa sakin ?"sambit ko at pinaghahapas sya sa dibdib nya.Wala akong pakialam kung may Abs sya .Nasasaktan na ako at hindi ko gustong makipaglokohan.

"Hindi na kita mahal at ayokong maging unfair sayo.May mahal na akong iba kaya ngayon ay pinapakawalan na kita"seryoso nyang sabi.Habang tinitignan ko ang mata nya parang wala na talaga syang pakialam sakin.Hindi ko makita sa mga mata nya ang pagmamahal .Ang pagmamahal na lagi nyang ipinapadama sakin noong kami pa.

"Alam mo namang mahihirapan ako diba ?Kaya please don't leave me"hagulgol ko.Hindi ko na maiwasang maiyak.Lagi nalang ba akong iiwan ng mga taong mahal ko ?

"Im sorry but buo na ang desisyon ko"blanko lang ang mukha nya at para syang walang pakialam sa nararamdaman ko.Wala naman talaga syang pakialam sa nararamdaman ko.Dahil kung mayroon syang pakialam sa nararamdaman ko ay hindi nya gagawin ito.Mahal ko sya pero bakit kailangang umabot sa punto na iiwan na nya ako ?

Bibitawan na sana nya ang kamay ko pero hindi ko tinanggal ang kamay ko.Nanatili ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.

"Kung buo na ang desisyon mo ,pumapayag na ako.Pero sana naman siguraduhin mong hindi ka masasaktan sa desisyong ginawa mo"hagulgol ko at ako na ang kusang bumitaw sa mga kamay nya.I loved him but we can never be together.

Unti unti na syang lumalayo sakin.Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.Ang hirap pala talagang pakawalan ng katulad nya.Para akong nawalan ng pinakamahalagang gamit sa buhay ko.Sana talaga kayanin ko ang wala sya.Makakalimutan ko din sya .

Kung hindi mo na ako mahal pipilitin kong hindi ka na rin mahalin dahil nasasaktan na ako.Nasasaktan ako sa ginagawa mo Cavill Cloud Gonzales

----------

A/N:Before you proceed sana po nabasa nyo na yung Book 1 nito para mas malinaw sa inyo ang lahat .Salamat .

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon