Ally's Point of view
Ngayon nasa sala kami nila Mommy at Kuya .Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang offer sakin ni Janine e.Feeling ko umatras yung dila ko.
"Bakit Anak ?"tanong ni Mommy.
"Ano kasi e.Ahm ano"hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi yung totoo.
Wala naman akong kasalanan pero bakit ako kinakabahan ?
"Ano yon Ally ?"tanong ni Kuya Allen.
"Ano kasi e.Noong nasa mall ako may lumapit sakin si J---"
"Teka bakit ganyan na yung buhok mo anak ?"tanong ni Mommy.
"Mommy naman e nagkukwento pa ako"pagmamaktol ko at tsaka ako nag-pout.
"Ipagpatuloy mo na"sambit ni Kuya Allen.
"Noong nasa mall ako may lumapit sakin tapos nagtanong sya"
"Ano sabi ?"tanong ni Mommy.
"Kukunin daw nila akong model nila.Yung sa ABC advertising ba yon o ABC company ?Mommy tatanggapin ko ba yung offer ?"tanong ko.
"Sino daw sya ?Ano yung pangalan nung nag-offer sayo ?"tanong ni Kuya.
Wow parang interesado yata si kuya kung sino huh .
"Janine"
"Janine ano ?"tanong ulit ni Kuya.
Kinuha ko yung card na ibinigay sakin kanina ni Janine.
Name:Janine Garcia
Number:09********7
Email Address: JanineGarcia@yahoo.com
Yun yung nakasulat sa harap nung card.Pero yung sa likod yung mga address.Address ng company nila at kung ano ano pa.
"Janine Garcia po"
"J-janine Garcia ?"takang tanong ni Kuya.
"Bakit kuya ?Kilala mo ?"tanong ko.
"Ex-girlfriend ko si Janine.Kilala mo sya ?"nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya.
Ex-girlfriend nya si Janine ?Si Janine Garcia.Gumagawa yata ng paraan ang tadhana.
"Hindi ko pa sya kilala pero mukha namang mabait e"sambit ko.
"Ikaw bahala anak.Gusto mo bang maging model ?"tanong ni Mommy.
Gusto ko nga bang maging model ?
Gusto kong maging model.Oo gusto ko :) Duon ko itutuon ang pansin ko para makalimutan ko si Cavill.
Si Cavill :(
Bigla ko na namang naalala si Cavill .Lagi ko syang naalala pero ang tanong.Naiisip din ba nya ako kahit sandali ?Naiisip ba nya na nasasaktan ako ?
Siguro nga hindi.Hindi kasi wala na syang nararamdaman para sakin.
"Ally ?Gusto mo ba ?"tanong ni Mommy.
Tumango nalang ako sa tanong ni Mommy.
"Ikaw kuya ?Payag ka ba ?"tanong ko.
"Pumayag ka na.Mabait naman si Janine"tumayo na si Kuya "Aalis lang ako ,may meeting pa kami"tuluyan ng umalis si Kuya.
Aba aba .Mahal pa ba ni Kuya ?
Oo nga pala Graduate na si Kuya at nagmamanage na sya ng company namin .Sya kasi yung tagapagmana e.
At ako naman isang taon nalang graduate na ako.
"Sige anak pag-isipan mo"umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.
Tatanggapin ko ba ?Pero sana kaya ko.
Tatawagan ko na ba si Ate Janine ?
Nasaan na yung phone ko ?
Nasa table lang pala !
Lumapit ako sa table ko at kinuha ang phone ko pero biglang may nahulog na album
Pagtingin ko pa lang sa album biglang bumigat yung pakiramdam ko.
Yung album namin.
Yung photo album naming dalawa kung saan nakalagay lahat ng pictures and memories namin.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko biglang tumulo yung luha sa mga mata ko.
"Kakalimutan ko na nga sya e tapos makikita ko pa yung photo album namin !"umiiyak na naman ako ngayon habang hawak yung album namin.
Hindi ko alam kung anong pwersa ang dahilan kung bakit ko niyakap yung photo album.
Siguro dahil namimiss ko na sya.
Oo mahal ko pa rin sya hanggang ngayon.Mahal na mahal </3
Binuklat ko ang unang pahina ng album kung saan nakalagay yung First picture namin noong nagpunta kaming lahat sa tagaytay .
Eto yung panahon na masaya pa kami at wala kaming iniintinding problema.
Yung mga panahong mahal pa namin ang isa't isa.Hindi katulad ngayon na ako nalang yung nagmamahal saming dalawa.
Bigla kong isinara yung album at tsaka ako umiyak.Nakahawak lang yung dalawang kamay ko sa mukha ko habang umiiyak ako.
"Bakit ba kasi hindi kita makalimutan ?"umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.
Para akong tangang umiiyak ngayong gabi.
Sa totoo lang tanga ako.Tanga ako dahil hindi sya mawala sa puso ko.
Nawawala man sya sa isip ko pero sa puso ko hindi ko sya makalimutan.
"Nagbabago ako ng dahil sayo Cavill .Minahal kita ng buong buo pero bakit ?Bakit kailangan mo akong ganituhin ?Hindi naman kita niloko huh ?Mahal na mahal kita hanggang ngayon.Pwede bang magka-amnesia nalang ako para makalimutan na kita ?Ang tanga ko talaga.Ang tanga ko kasi ganito pa rin ako.Ang hina ko !Ang hinahina ko kasi iniiyakan pa rin kita.Akala ko kakalimutan na kita pero bakit lagi nalang pumapasok sa isip ko lahat ng ala-ala natin.Simula pa lang sa umpisa hindi kita niloko.Pinagkatiwalaan kita pero bakit ginago moko ?!.Ginawa mo akong tanga !?Dahil sayo nagkaganito ako.Napakawala mong kwenta !"nakalagay pa rin ang dalawa kong kamay sa mukha ko habang humahagulgol ako .
Ewan ko pero ito lang yung alam kong paraan para hindi ako masyadong masaktan.Ito lang ang alam ko.Ilabas yung galit at nararamdaman ko.
"Umiiyak ka na naman ?"nilingon ko yung nagsalita at tama ako kung sino sya .
"Ano ginagawa mo dito ?"pinunasan ko yung luha sa mukha ko.
Ano ginagawa nya dito ?
- - - - - ×
Author's Note:
Votes and comments will be appreciated :) Hahaha.Sapilitan tho !Joklang ^_^
Kamsah !
BINABASA MO ANG
When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)
RomanceWhen A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman nya kapag ang taong importante sa kanya ay mawala muli ?Kakayanin nya kaya ang pagsubok ng mapaglarong...