Ally's POV"Bessy bessy"napabangon agad ako .Nasa harap ko na agad si Brittany at nakangiti pa ang bruha sakin.
"Bakit ?"
"Bumangon ka na dyan.Pupunta na tayo sa salon .Aish ang bagal"mukhang nagmamadali na talaga sya .Pumunta na agad ako sa banyo at gumayak na.
Tutulungan daw ako ni Brittany na mag move on pero hindi yung tipo na magiging masama na ako .Hindi ako ganong tao.I don't want a revenge .
"Why you're so tagal bessy.Let's go na bessy"pagrereklamo ni Brittany.Kahit kailan talaga tong kaibigan ko hindi marunong maghintay.
"Saan kayo pupunta ?"napalingon naman kami .Sus si Kuya Allen lang pala at bihis na bihis pa sya huh ?Ano meron ?
"Sa mall lang kami pupunta Allen"hinila na ako ng Brittany.
"Bye kuya!"sigaw ko dahil baka pagalitan ako ni Kuya.Simula ng malaman nya na naghiwalay na kami ni Cavill hindi na nya pinansin pa si Cavill .Nawala na yung dating pagkakaibigan nila.Sobrang nakokonsensya ako dahil ako pa yung dahilan ng pag-aaway nila.
"Sigurado ka ba talaga bessy na effective itong gagawin natin ?"tanong ko at tumango naman sya "Bakit ginawa mo na ba to dati ?"ngumiti sya ng malapad at tumango.
Kung ano man yung mangyayari ngayong araw sana lang handa ako.
Nasa mall na kami ng biglang sumakit yung tyan ko.Napahawak na ako sa tyan ko.
"Bessy okay ka lang ?"
"Wait bessy rest room lang ako "tumakbo na agad ako at pumunta sa rest room na pinaka malapit.
Nasusuka ko .Napahawak na ako sa bibig ko .Papasok pa lang ako sa daanan papuntang rest room nanlaki agad ang mata ko.
Bakit ?Bakit ngayon ko pa sila nakita .Ang daming araw at pagkakataon pero bakit ngayon ?At ang sweet pa nila .Napatingin sila sakin at halatang nagulat din sila.Feeling ko maiiyak na ako kapag nakikita ko sila .
"Hi sister"nakangising sambit ni Alexandra .Lalo akong naiinis sa inuugali nya.Nakuha lang nya ulit si Cavill ganyan na sya.Akala mo kung sino sya.
"Don't you dare call me sister.A sister like you ?Kahit kailan hindi ko pinangarap na magkaroon ng kapatid na katulad mo"
"Think twice before you speak sister.Sabihin mo lang hindi mo makalimutan si Cavill o sabihin nalang nating dating Lance na minahal mo"sumosobra na sya.Kapag ako napuno papatulan ko na talaga sya.
"How dare you"sasampalin ko na sana sya pero nagulat ako ng may biglang humarang at hinawakan ang braso ko.
"Don't you dare touch my Girlfriend"sobrang seryoso ng boses nya.Nakatingin sya sa mga mata ko at parang sobrang naiinis na sya sakin.
Biglang kumirot ang puso ko.Bakit nararamdaman ko na parang hindi ko na sya kilala at hindi nya ako minahal.Sobrang nakakapanghina talaga .
"Bitawan mo ko"ngayon tumutulo na ang luha sa mata ko.Bakit ?Bakit parang wala lang akong kwenta para sa kanya ?
"Ito lang ang tatandaan mo.Subukan mong saktan ang girlfriend ko kakalimutan kong babae ka"binitawan nya agad ang braso ko .Hindi na tama itong nangyayari e.
"Ganyan ka na ba talaga Cavill ?Ikaw na nga yung nang-iwan ikaw pa yung gumaganyan ?Akala mo kung sino kang inosente !HINDI MO KASI ALAM YUNG NARARAMDAMAN KO.TANDAAN MO MAKAKALIMUTAN DIN KITA AT SISIGURADUHIN KONG BALEWALA KA NALANG SAKIN"humahagulgol na ako habang dinuduro ko sya.Sobrang sakit sakin na iniwan nya ako tapos ngayon ipapadama pa nya sakin na sobrang walang kwenta kong tao.Para saan pa ang two years na pinagsamahan namin ?
"Let's go babe ayokong sayangin yung oras ko para sa WALANG KWENTANG TAO"umalis na sila kasabay ng lalo kong pag-iyak.Nakita ko sa malayo na tinapik ni Alexandra ang balikat ni Cavill.
Tumakbo na agad ako papunta sa rest room at pumasok sa isang cubicle at tsaka ako umiiyak.Parang umulit lang yung mga nangyaru dati.Umiyak din ako sa rest room ng dahil sa kanya.Pero iba yung ngayon kaysa noon.Dati iniyakan ko lang sya dahil binully nya ako pero ngayon sinaktan nya ako at yung puso ko.
Biglang tumunog yung phone ko at teka tumatawag si Brittany.Kanina pa siguro naghihintay yung babaeng yon.Pinunasan ko yung luha sa mata ko tsaka ko iniayos ang sarili ko.Sinagot ko na agad yung tawag .
'Hello ?'
[Bessy where are you ?Hihintayin kita dito sa may Salon namin]
'Huh ?Bakit dyan pa ?'
[Basta bilisan mo nalang huh ?Bye bessy]
Toot..Toot..Toot..
Hindi ako pinagsalita ?Hay kahit kailan talaga tong best friend ko.
Pumunta agad ako sa salon nila Brittany pero habang papalapit na ako nakasalubong ko si Zeus at nakita nya agad ako.
"Ally ?"ginulo gulo pa nya ang buhok ko.
"Kamusta si Sapphire? "Tanong ko.
"Okay lang.Ikaw dapat ang tinatanong ko.Kamusta ?Sobrang nasasaktan ka pa rin ba ?"bigla na naman akong naiyak.Ano ba yan napaka drama ko talaga.Para na nanaman akong Tanga na umiiyak ngayon.
"Shhh.Stop crying magiging okay din ang lahat"niyakap nya ako at pinatigil sa pag-iyak.
"Hindi mo dapat gawin ito eh pero salamat pa rin.Sobrang nasasaktan ako Zeus"
"Pareho ko kayong kaibigan ni Cavill kaya pareho ko kayong kailangang kampihan"sambit nya.
Paano ba ako makakamove on sa kanya ?Dapat hindi ko muna sya makita pero bakit pinagtatagpo kami ng tadhana ?Naging masama ba ako para maging ganito ang lahat?Paano mag-momove on ang taong laging naalala yung mga bagay sa nakaraan ?
Dadating din ang araw na kakalimutan kita at hindi na muling aalalahanin pa.
------
A/N:Any vote and comment will be appreciate: )
BINABASA MO ANG
When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)
RomanceWhen A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman nya kapag ang taong importante sa kanya ay mawala muli ?Kakayanin nya kaya ang pagsubok ng mapaglarong...