To love is to sacrifice <3
---
Kurt."Hello tita ?"
[Kurt kailangan ka nya ngayon.Nasa hospital sya at gusto ka nyang makita]
"Ano nangyari sa kanya ?"
[Tsaka ko nalang ipapaliwanag Kurt.Gusto kong sya mismo ang magsabi sayo]
Pinatayan na nya ako ng tawag.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maisip kung bakit nasa hospital si Alexandra.May nangyari bang masama sa kanya.
"Sino yun Kurt ?"tanong ni Cavill.
"Mommy ni Alexandra.Nasa hospital daw si Alex"
"Paano ?Ano nangyari sa kanya ?"nagtatakang tanong ni Cavill.
Gaya nya ay nagtataka rin ako.Ano ang problema nya at kailangan ko syang puntahan sa hospital ?
"Puntahan mo na sya Kurt ,kailangan ka nya"taimtim na sabi ni Cavill.
Napaisip nalang ako.Siguro nga kailangan kong pumunta dun.Wala naman sigurong mawawala sakin.
"Sige"
"Sige ingat"lumabas na ako ng kwarto ni Cavill at hinanap ang kwarto ni Alexandra.Sabi ni Tita nandito lang daw sya sa hospital.
[Paki-play ang kantang SAY YOU WON'T LET GO for better reading]
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakahiga si Alexandra sa higaan ng hospital.
"May sakit ka ?"tanong ko.
Naiiyak naman syang tumango sakin kaya naman napahinto ako.Ano ang sakit nya at bakit hindi ko alam ?
"Kurt"mahina nyang sabi.Kitang -kita mo ang katawan nya pati na rin ang labi nyang namumutla.
"Sabihin mo sakin .Ano ang sakit mo ?"inis kong sabi.Nayukom ko ang kamao ko sa galit.
"Kurt mahal na mahal kita"nagsimula na syang umiyak.Nilapitan ko naman sya at pinunasan iyon.Pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako.
"Bakit mo ba sinasabi ito ?"umupo ako sa tabi nya at hinawi ang buhok nya.
"Kurt gusto ko lang malaman mo na mahal talaga kita.Sa simula pa lang.Sana maging masaya ka kapag nawala ako huh ?"nagsimula na syang humagulgol.
Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang paghawak nya sa mga kamay ko.Nanlalamig na ang mga kamay nya at pakiramdam ko ay nanginginig pa ito.
"Ano ba Alexa ,hindi ka naman mamamatay diba ?"mabagal kong sabi ng maramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"K-urt nagkakamali ka eh.Hindi na ako magtatagal pa ,iiwan ko na kayo.Mahal na mahal kita huh ?Tandaan mo yan.S-sorry kung may nagawa man akong kasalanan.Nagmamahal lang ako Kurt.Kaya kong i-sacrifice ang buhay ko para sayo.Kaya kong mamatay para sayo"naramdaman ko na rin ang nag-uunahang luha mula sa nata ko.
"Alexandra hindi kita maintindihan !I-explain mo !"napayuko nalang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.
"K-kurt im sorry .I want to say sorry for everything. Alam kong hanggang magkaibigan nalang tayo ngayon.Mahal kita kurt ,sobra"lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
This is so gay.I don't wanna be like that.
"K-kurt, sabihin mo sa kanila na im so sorry.Alam kong hindi ko na masasabi sa kanila"
"Ano ba Alexa ?MABUBUHAY KA DIBA ?HINDI MO KAMI IIWAN !"naramdaman ko nalang na niyakap nya ako at rinig ko ang pag-iyak nya.
Ilang minuto na rin nya akong yakap nang naramdaman ko na hindi na sya umiiyak at iniharap ko na sya sa akin.
Humiga na sya sa kama nya at ngumiti.Sana ay hindi ito ang huli nyang pag-ngiti dahil alam kong mabubuhay pa sya.
"Bye kurt.I love you ,i love you forever.Tandaan mo yan"unti-unti na syang pumikit at hindi na sya huminga pang muli.
Napapikit nalang ako habang nakayuko.Hindi ko kaya ,alam kong wala na akong nararamdaman pa sa kanya dahil iniwan na nya ako at iba na ang mahal ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at niyakap agad ni Tita si Alexandra. Lalo na naman akong naiyak ng harapin ako ng mommy nya.
"S-alamat kurt.Salamat dahil pinuntahan mo sya.Bago sya mawala may ipinapabigay sya sa iyo"may inabot sya sakin na isang sobre.
"A-ano po ito ?"
"S-sulat galing kay Alex"
Lumabas muna ako ng hospital at pumunta sa labas.May isang bench dun kaya doon na lamang ako naupo.
Binuksan ko ang sobre at may mga papel na laman ito.Binuklat ko at sinimulan ng basahin iyon.
Dear ,Kurt.
Wag ka ng umiyak dahil wala na ako.Wag kang umiyak dahil nasasaktan ako.Wag ka ng malungkot ,mahal na mahal kita.Noong naging kami ni Lance hindi ko talaga sya minahal ,alam mo kung bakit ?Dahil ikaw talaga yung gusto ko.Naging kami lang dahil gusto kitang makita at makasama.Masaya ako sa pagpapanggap na ginawa natin .Alam kong naguguluhan ka kung ano ang sakit ko.Sa totoo lang ikaw ang may sakit at hindi talaga ako.Bakit ako sumama sa operation mo ?Hindi lang yun dahil friends tayo kung hindi dahil ako ang donor ng kidney mo.Nakakalungkot mang isipin pero kaya kong mag-sakripisyo para sa taong mahal ko.Hindi ko naman alam na aabot sa ganito na hindi ko pala kaya ,kaya naman mamamatay na yata ako.Ngumiti ka dyan dahil magagalit ako sayo.Say sorry to them ,sabihin mo sorry sa lahat ng nagawa ko.What is love kung hindi ka mag-sasacrifice.Mas gusto kong makitang mamatay ako kaysa naman mamatay ka.Mas gusto ko pang maghirap kaysa makita kong naghihirap ka ,ganun kita kamahal.Akala ko you and i are destined to each other yun pala hindi .Kung sino man abg makakasama mo sa future masaya ako dahil masaya ka.May rason pa para maging masaya ka kurt ,wag mong hayaan na mabaon ka sa lungkot dahil hindi ko kakayanin.Masaya na ako dahil nakasama kita sa huling sandali.I love you forever.I will use my last breath just to say i love you. I love you Kurt always smile.
~Alexandra Dela Merced
Napayuko nalang ako at umiyak.Para akong babagsak na .Sya ang donor ng kidney ko ,ako ang dahilan kung bakit sya nawala.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
×--×
Author:Maraming naiinis kay Alexandra pero hindi natin alam ang totoo.Akala natin sakim sya pero hindi ,dahil iniligtas nya si Kurt.Kung walang Alexandra ay patay na si Kurt.Itanim nalang natin sa puso natin ang ala-ala ni Alexandra .Sana kung paano kayo nagalit sa kanya noon ay ganun kayo nasaktan ngayon .Maraming nagalit kay Alexandra kaya pinatay na nila ito sa isipan nila kaya ngayon hahayaan ko syang mamatay sa puso nyo.I hope Alexandra Dela merced won't be forgotten.
Bow *insert pout*
BINABASA MO ANG
When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)
RomanceWhen A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman nya kapag ang taong importante sa kanya ay mawala muli ?Kakayanin nya kaya ang pagsubok ng mapaglarong...