Chapter 6:Ayskrim

2.2K 126 10
                                    

Ally's Point of view

"Pupuntahan ko sana si Allen kaso narinig kong umiiyak ka"

"Sorry Kurt.Nakita mo na naman akong umiiyak"tumawa ako ng bahagya pero bumalik pa rin yung malungkot kong mukha.

"Wag kang mahiya.Ibuhos mo lang lahat ng nararamdaman mo.Yun yung mabisang paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman mo"tinabihan nya ako sa may upuan.At tinapik ang balikat ko.

Kahit kailan talaga hindi sya nagsasawang palakasin ang loob ko.At hindi sya nagkakamali ng gagawin kung ano ang tama at nararapat kong gawin.

Ang swerte ng babaeng makakasama nya hanggang sa dulo.

"Ayoko.Ayokong umiyak .Ayokong maging mahina kurt"umiiyak na naman ako ngayon.Kakasabi ko lang nang ayokong umiyak at maging mahina tapos ngayon eto na naman.

"Wag ka ng umiyak .Nasasaktan ako"biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi nya.

Pinunasan nya ang luha sa mata ko.Pero sobrang iyakin ako kaya may mga luha na namang tumulo mula sa mga mata ko.

"Ano bang sinasabi mo Kurt ?"

"Ayokong umiiyak ka dahil nasasaktan ako.Nasasaktan ako dahil sinasaktan ka ng mismong kapatid ko"

Biglang napanatag ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Sobrang abnormal na ng puso ko.

"Ice cream tayo ?"nginitian nya ako kaya ngumiti din ako pero bumalik ulit yung walang emosyon kong mukha.

Hinila nya ako kahit suot ko yung pang-ibaba kong pajama at suot ko yung tsinelas kong pang-kwarto na Bunny.

"Teka tignan mo naman yung suot ko"pinipilit ko syang pigilan pero ayaw nyang magpapigil.

Ang kulit !

Sumakay kami sa kotse nya at tsaka kami pumunta doon sa ayskrim shop.

"Ano gusto mo ?"

"Ayskrim"tinawanan naman nya ako sa biro ko pero umorder agad sya ng...

"Unli Ayskrim nga po .Mango graham flavor"

"Oy teka kurt joklang naman yun e"pagrereklamo ko.

"Pero hindi ko nag-jojoke"hinawakan nya yung kamay ko tsaka kami umupo sa may table.

Ibinigay na samin nung waiter yung order namin na mango graham ayksrim.

"Unli yan.Sabihin mo lang kung gusto mo pa"he winked at me.

"Ano gusto mo babe ?"napalingon kami sa babae at lalaking nagsalita mula sa counter.

Pero parang pamilyar e.

Sobrang pamilyar...

Hindi ba sila si...

Kuya Allen at Janine ?

Wahh !Wait hindi ako pwedeng magkamali e.

Si Kuya Allen talaga yon pero bakit kasama nya si Ate Janine ?Wahh ano meron ?

"Si Allen yun diba ?Sino yung kasama nyang babae ?Kilala mo ?"tanong ni Kurt.Halatang nagtataka din sya.

Hindi rin nya kilala si Ate Janine ?Diba magkakaibigan sila nila Kuya.Pati ako hindi ko rin alam na ex-girlfriend ni Kuya si Ate Janine.

Ano yon secret relationship na walang nakakaalam ?Aba .

"Ah si Ate Janine"

"Sino yon ?"

"Sabi ni Kuya Ex-girlfriend daw nya .Tapos si Ate Janine din nga pala yung nag-offer sakin para maging model"sagot ko naman.

"Seriously ?Ex-girlfriend sya ng kuya mo ?Masyadong maganda yung Janine kumpara sa Kuya mo huh"sambit ni Kurt at tsaka kumain ng ice cream.

Tinawanan ko naman sya.Yung tawang tawa talaga.Hanla ?Pasalamat sya kakampi ko sya ,kung hindi lang talaga isusumbong ko sya kay Kuya sa mga kalokohan nya.

"Yan yung tawang namimiss ko sayo"sa sinabi nyang yon biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Miss mo na talaga yung tawa ko ?"tumawa ulit ako.Miss na daw nya yung tawa ko e.

"Oo"binigyan nya ako ng alien smile.

"Umupo na sila kuya sa kabilang table tignan mo"itinuro ko yung table kung saan nakaupo sila Kuya.

"Aba aba nagsubuan pa ng Ice cream.Kuya mo talaga oh"natatawang sabi ni Kurt.

Para kaming mga tanga na tinitignan sila Kuya Allen at ate Janine.Kung alam lang ni Kuya na nakatingin kami sa kanya baka umalis na yon sa sobrang hiya.

"Aba nagtawanan pa huh ?"nakangiti lang kami ni Kurt na nakatingin kila Kuya habang kumakain kami ng Ice cream.

Biglang lumingon si Kuya sa pwesto namin kaya kami naman bumalik sa dati naming posisyon na parang walang nagyari.

"Wag kang lilingon ally"narinig kong bulong ni Kurt.

"Alam ko shh"pinipilit kong wag lumingon pero hindi ko kaya.

Kaya ko.Pero natatawa kasi ako e.Paano kung nakita kami ni Kuya ?Lagot na !?

Lumingon ako ng konti at naramdaman ko ang daliring dumampi sa pisngi ko.

Si Kuya.Wah si Kuya.

Lumingon na ako at tama nga si Kuya nga nasa likod ko na sya.

"K-kuya ?"

"Ano ginagawa nyo dito ?Gabi na huh ?Tsaka anong Klaseng suot ba yan ?"tinignan ni Kuya yung pajama na suot ko at yung Bed slipper kong bunny.

"Nagmamadali lang hehe"tumawa ako ng fake.

"Nako Allen ikaw nga dapat yung tinatanong nyan e.Bakit nakikipagdate ka lang huh ?"tumatawa pa rin si Kurt hanggang ngayon.Ang lakas talaga ng trip nya e.

"G*go ka bro"binatukan nya si Kurt.

"Langya ka bro ang sakit non huh ?"hawak hawak pa rin nya yung ulo nyang binatukan ni Kuya.

"Kuya akala ko ba may meeting kayo ?"tanong ko habang nakatingala kay kuya.Nakaupo kasi kami tapos si Kuya nakatayo kaya nakatingala ako.

"May meeting nga"

"Weh ?Meeting o date ?"

"Bahala ka sa buhay mo .Umuwi na nga kayo.Ikaw kurt ihatid mo sa bahay yang kapatid ko .Kapag may nangyaring masama dyan bubugbugin kitang ugok ka"

"Yes sir.Hahahahahaha"tatawa tawa pa rin si Kurt habang tumatayo sya.Hanla ?Ganoon ba talaga sya natatawa sa mga  nangyayari.

"Tara na Ally baka nakaabala tayo sa date ng Kuya mo.Hahaha"tumayo na din ako pero binatukan ni Kuya si Kurt kaya ngayon nawala yung tawa sa mukha nya.

"Langya ka bro ang sakit non huh ?Nabawasan ka-kyutan ko"nag-pout pa si kurt .hanla ?Ang kyut !

"Anong ka-kyutan.Nawawala ka na ba katinuan ?Huh Kurt?"binatukan nya ulit si Kurt.Grabe ka kuya huh.Strike three na yan.

"Kuya hinihintay ka na ni Ate Janine.Bye Kuya"hinila ko na si Kurt palabas dahil mukhang nahihiya na si Kuya.At baka mastrike 4 na .Mabatukan sya ulit e baka mawalan ng laman yung ulo nya.Joklang.

Isa na yata to sa nakakatawang araw sa buhay ko.

Ang Ayskrim shop ^_^

- - - - - × - - - - - × - - - - -

Author's Note:

Namiss ko ang #Kurtly Grabe.Hahaha.Ka-inlove ka kurt.Charinggg.Ang kulit mo talaga kurt e nuh ?

Dedicated ang chapter na to sa mga #TeamKurtly .May pag-asa ba ?

Important note :

Use your hashtag #TeamKurtly or #TeamCavilly sa Facebook .Para malaman ko kung sino ang mas marami .At malaman ko na rin kung sino ang nakatadhana !Hahaha.Sa hashtag nakasalalay ang tadhana ni Ally.Mas maraming hashtag mas maraming pag-asa.Salamat :)

Kamsahamnida :)

When A Nobody Turns To Somebody (When Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon