"TELL us about yourself... Daniella."
Halos matakasan ako ng hininga nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Paano ako makakapagsalita ng maayos nito ngayong nasa harapan ko ang taong sinaktan ko ng sobra noon?
"Well? You don't have anything to say? Okay. I'll ask random questions," isinara niya ang folder kung saan ang resume ko at biodata, "Why didn't you finish your studies?"
Ang galing. Hindi na siya uutal-utal magsalita. And he's so confident now. Ang laki na ng pinagbago niya. He's handsome, yes. Pero bakit gano'n ang mga tingin niya? Galit ba siya sa'kin? Good question, Daniella. Bakit naman hindi siya magagalit sa'yo? Pinahiya at hiniwalayan mo lang naman siya sa harap ng maraming tao, you expect him to smile at you and be thankful for the moment that you see each other again? Stupid!
"I... Uhm, financial problem." Kinakabahan kong sagot.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya naikuyom ko nalang ito. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya. It's been ten years ng huli ko siyang makita, and he's right before my eyes now. Ibang Vincent Lim ang nakikita ko ngayon.
Nae-excite ako na natatakot. Bakit nga ba hindi ko namalayan ang pangalan ng agency na ito? Nakalimutan kong ang mga Lim pala ang may-ari nito.
"You've been to different jobs." My attention was diverted to the woman beside Benj.
"Yes, ma'am. It's my source of income."
Tiningnan pa nila ang resume at biodata ko pero kay Benj ako nakatingin dahil alam kong nakatingin sa'kin si Vincent, nakikita ko iyon sa peripheral vision ko. Para akong tinutusok ng mga tingin niya. Oh God, please sana matapos na ang interview na ito.
"Okay. What can you do for us? I mean, for our agency." Tanong ni Benj.
Ano nga ba? Aish! Nawawala ako sa concentration ko eh. Nakakainis! Nag-practice na ako nito pero bakit ngayon pa ako na-mental block? Please, maki-cooperate ka naman brain cells. Ayokong mapahiya sa harap ng lalaking ito. Hiyang-hiya na nga ako eh.
"Uhm... I... I'm competitive enough to do my work beyond your expectations and—"
"How competitive?" Putol niya sa sinasabi ko.
Ugh! Akala ko hindi na siya magsasalita. Ginigisa niya ako at naaapektuhan ako sa presensya niyang nagdo-dominate sa buong sistema ko.
"Competitive? Uhm... Maybe I can work multitask and in a clean pace."
"Maybe? Look here, Ms. Villarante. You came here in my company empty-handed. Why? Because we're hiring professionals and not a mere nobody who doesn't even have a degree. And you're giving me a vague answer. And you're not even sure about it. You're insulting the standards of my agency. You may leave now and wait for our deliberation."
Mere nobody? Yeah I am. Bakit ako masasaktan? Totoo naman. Pero bakit kailangan niya pang sabihin ng harap-harapan? Bakit kailangan ko pang mainsulto ng gano'n sa harap ng mga taong nandito?
I guess I'm too dense to feel his anger. Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagpasalamat sa kanila. I turned my heel to leave pero natigil ako nang magtanong ang HR.
"How are you related to Margaret Villarante of Horizon Shots?" She asked.
Paano ko ba ito sasagutin? Eh mas mahirap pa 'to sa mga tanong nila kanina eh. Alam ni Vincent ang agency namin at kilala niya si tita Margaret. Pero bahala na, hindi naman siguro niya ako ilalaglag diba? Isa pa, sigurado naman akong hindi niya ako tatanggapin dahil nga propesyonal ang tinatanggap niya at hindi mere nobody lang kaya hindi ko na sila makikita pa.
BINABASA MO ANG
The Famous and The Outcast
RomanceBook 2 of Ms. Famous and Mr. Outcast Daniella Villarante-known as Ms. Famous of Prime High. Tinitingala ng lahat. Vincent Lim-known as Mr. Outcast of Prime High. Loner at itinuturing na non-existing student ng Prime High. They are Ms. Famous a...