NAKAKABINGING katahimikan ang pumaibabaw sa loob ng kotse ni Benj. Naiilang ako kahit pa hindi lang kaming dalawa ang nandito sa loob. Hindi rin naman nagsasalita si Eunice at busy siya sa pakikipagtext niya sa boyfriend niya. Isa pa, nasa backseat siya at nasa front seat naman ako—sa tabi ni Benj na siyang nagmamaneho.
Kung bakit ba kasi siya sumulpot pa kanina. Buong akala ko'y mapagtataguan ko siya ngayon. Hindi pala.
Kasalukuyan kaming nasa biyahe papuntang Taytay kung nasaan ang branch ng Focus Agency. Doon gaganapin ang unang business meeting na dadaluhan ko in behalf of Vincent Lim.
Bukod sa ilang na nararamdaman ko dahil kasama ko na naman si Benj ngayon, kinakabahan din ako sa kung anong mangyayari mamaya. First time ko ang dumalo ng isang big time na meeting. Oo sanay ako sa reporting noon pero iba naman 'to ngayon dahil hindi mga kaklase ang kakaharapin ko kundi malalaking tao sa industriya ng negosyo.
At kapag pumalpak ako, hindi lang ako ang mapapahiya kundi pati na rin ang pangalan ng kompanya. Lalung-lalo na si Vincent.
"You nervous?" Napalingon ako nang di oras nang magsalita si Benj pero tutok naman ang tingin niya sa daan.
"M-medyo." Nauutal talaga? Aish!
"Don't be. Nando'n naman ako eh, isipin mo nalang na ako lang ang taong nando'n at nakikinig sa proposal na pinagawa ni Vince sa'yo." Mahihimigan sa boses niya ang pagpapagaan ng loob.
At nadala ako doon. Medyo gumaan nga ang loob ko kahit pa sobrang bigat nito kanina.
Tumahimik na naman sa loob ng kotse nang maalala kong nandito rin pala si Eunice na buong akala ko'y nag-resign na. Nilingon ko siya't tinanong.
"Ano nga palang ginagawa mo rito? Akala ko ba nag-resign ka na?"
Mula sa kanyang cellphone ay nag-angat siya ng tingin. "Ah, iyon ba? Hindi talaga ako nag-resign. Inilipat lang ako sa branch sa Taytay. Pero hindi na ako sekretarya, isa na ako sa team leader ng sales department."
Napatangu-tango nalang ako sa tinuran niya. Sinabi kasi ni Vincent na nag-resign daw si Eunice kaya wala na ito sa main building. Mabuti naman at hindi pa siya nawalan ng trabaho. Ang hirap kayang maghanap ng matinong trabaho ngayon.
Ilang saglit lang ay narating na namin ang building ng Focus sa Taytay. Bagaman nanginginig, inayos ko pa rin ang sarili ko at pinilit na pakalmahin ito.
Dala-dala ang folder na naglalaman ng mga handouts na ipinrint ko kahapon ay pumasok na kami sa loob ng building. Napatingin ako sa wrist watch na suot ko. Quarter to 9:00AM na. May ilang minuto pa ako para makapag-set up sa presentation.
Dumiretso kami sa elevator at ramdam ko ang pag-iiba ng ritmo ng hininga ko. Halos marinig na yata ng mga kasama ko rito sa loob.
Pero mas lalo akong nagulat nang biglang may humawak sa nanginginig kong kamay. Napatingin ako doon at saka nag-angat ng tingin, only to find Benj grasping my hand tightly na para bang sinasabi niyang "We'll go on this together". Leche! Ano ba 'tong iniisip ko? Lalo tuloy akong nailang kaya pasimple kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Hindi naman siya pumalag do'n.
Nang marating namin ang 8th floor ay agad nagsilabasan ang mga taong sakay ng elevator. Gano'n din kami.
Nakasunod lang ako kay Benj na ngayo'y nangunguna sa paglalakad patungo sa conference room. Nang makapasok kami ay sinalubong kaagad ako ng lamig ng malaking silid.
Wala pa ang board. Pero kahit mga swivel chairs lang ang nakikita ko'y pakiramdam ko, gigisahin ako mamaya.
"Tulungan na kitang mag-set up." Napalingon ako kay Eunice nang magsalita siya.
BINABASA MO ANG
The Famous and The Outcast
RomanceBook 2 of Ms. Famous and Mr. Outcast Daniella Villarante-known as Ms. Famous of Prime High. Tinitingala ng lahat. Vincent Lim-known as Mr. Outcast of Prime High. Loner at itinuturing na non-existing student ng Prime High. They are Ms. Famous a...
