Chapter 25.1

388 12 2
                                    

Author's note: Hi, kung napapansin niyong 25.1 ang chapter na 'to, it's because this will be divided into two parts. Last chapter na 'to pero dahil mahaba-haba ang istorya dito dahil ending na, idi-divide ko sila sa dalawang parte. Kapit lang mga bes, lapit na matapos 'to. May pasabog pa sa buhay ni Daniella laters. Thank you sa support! *smile*

VINCENT LIM

NANLULUMO kaming nakaupo sa bench sa harap ng OR dahil hindi pa kami pwedeng bumisita sa ICU ngayon. Walang nagsasalita. Nakakabinging katahimikan ang namamagitan sa aming lahat. Pero binasag ni Benj ang katahimikang iyon.

"Kasalan ko 'to," halata sa boses niya ang labis na kalungkutan nang bigkasin niya iyon pero walang sumagot. "Kung hindi ko siya isinama... this is all my fault."

"Tumahimik ka, Benjamin. Alam naming kasalanan mo 'to. Magdasal ka na lang na hindi siya matulad sa asawa mo." Walang-lingon kong tugon sa kanya.

Walang nagsalita ulit nang may tatlong pulis na lumapit sa amin.

"Excuse me, sir. Kinsa si Mr. Benjamin Montes?" tanong ng isang pulis na halatang Cebuano ang pananalita.

"Ako. Tsaka, tagalog lang ho. Hindi ho ako nakakaintindi ng bisaya."

"Ah pasensya na, sir. Ano, may kasama kayo sa aksidente diba? Anong pangalan niya?" tanong na naman niya habang may isinusulat sa maliit na notebook na hawak niya.

"Daniella Villarante po."

"OK. Nasaan si Ms. Daniella Villarante ngayon? Pwede ko ba siyang makunan ng kaunting pahayag?"

Kaagad akong napatayo sa narinig at sinunggaban ang kwelyo ng gagong pulis na nasa harap namin. "Nasa ICU ang biktima paano mo kukunan ng pahayag ha?! Wala ba kayong konsiderasyon sa nangyari?!"

"Vincent, tama na 'yan. Ano ba?" Awat ni Benj pero iwinakli ko ang kamay niya at mariing hinawakan ang kwelyo ng pulis.

"Wala akong pakialam kung pulis ka. Ito ang tatandaan mong gago ka. Huwag kang magpapakita sa harap ko kung ayaw mong abogado ko ang makakaharap mo sa panghaharas ng isang comatose patient." Padarag kong binitiwan ang manggas ng kanyang polo shirt na suot at saka tiningnan ng masama.

Hindi na sila nagsalita pa at kusa na ring umalis. Kapag nakita ko pa ang tatlong 'yon, babasagin ko na ang pagmumukha nila.

"Tatawagan ko lang si Denver para ibalita ang nangyari kay Ella. Nasa Maynila na kasi sila ngayon." Pagpapaalam ni Kate saka umalis.

"Anong sasabihin natin kay Denver? Panigurado akong magagalit 'yon sa nangyari sa kapatid niya. Oh my god! Mawawalan na yata ako ng hininga rito. Luke, samahan mo 'ko. Aayusin muna natin iyong kay Bianca." Usal ni Junice saka sila umalis ni Luke.

Naiwan kaming dalawa ni Benj. Aalis din sana ako para magpahangin nang magsalita siya.

"Patawarin mo 'ko, Vince. Alam kong galit ka na sa'kin dahil sa naging pakikitungo ko sa'yo nitong mga nakaraang araw, at siguro, kinamumuhian mo na ako ngayon dahil inilagay ko sa peligro ang buhay ng babaeng mahal mo," hindi ko siya sinagot at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin. "Ikaw pa rin ang mahal ni Daniella hanggang ngayon. Talo na ako sa simula pa lang pero sinubukan ko pa rin. Hindi ko na hihilinging ibalik ang dati nating pagkakaibigan dahil sinira ko na iyon nang magdesisyon akong mahalin si Daniella sa kabila ng pinagdaanan niyong dalawa. Hayaan mo, aalis din ako kapag maayos na ang lahat dito. Hindi ko na kayo guguluhin pa."

Gusto kong magsalita pero walang namutawi mula sa bibig ko. Ramdam na ramdam ko ang galit sa puso ko. Hindi ko siya nilingon ni ang sagutin ay hindi ko ginawa.

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon