NAKAKAPAGTAKA na sa lahat ng pwede naming puntahan ay dito pa sa isang bar. Makikipag-inuman ba siya? Game naman ako do'n. He was my drinking buddy back in US.
"Long Island." Utos niya sa bartender matapos umupo sa high chair.
"What is it?" Tanong ko.
"Why don't you sit down first? Mahaba-habang usapan 'to, Vince." Malayong sagot niya.
Bakit pakiramdam ko'y ibang Benj ang kaharap ko ngayon? Galit ba siya sa'kin?
Bumuntong-hininga nalang ako at umupo na. Inabutan naman niya ako ng isang baso at sinalinan ng alak.
"Kumusta na kayo ni Brenda?" Tanong niya habang sinasalinan naman iyong baso niya.
"Not good. Napaaway siya kanina dahil sa selos niya." Sagot ko habang nilalaro ang baso ko.
"Kaya ka ba bumabalik kay Daniella dahil hindi kayo okay ng fiancèe mo?"
Kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Bumabalik?"
Nilagok niya ang laman ng baso bago sarkastikong ngumisi. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya. Ibang Benj itong kasama ko ngayon.
"Hindi ako tanga, Vince. Iyong babaeng tinutukoy mo noon sa States. Siya si Daniella, hindi ba?"
Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nilagok ang laman ng baso. Matagal akong hindi nakasagot. Oo at best friend ko si Benj, pero hindi ko na nasabi sa kanyang si Daniella nga ang ex ko. Ayoko lang ng komplikasyon. Ayoko na rin magkwento pa sa kanya o maungkat pa ang nakaraan.
Pero heto ako. Mukhang magki-kwento na naman ulit.
"Oo siya nga. Pero hindi ibig sabihin no'n ay babalikan ko na siya. Galit pa rin ako sa kanya—"
"Bakit taliwas sa sinasabi mo ang nakikita ko?" Putol niya sa sasabihin ko.
Nangangapa ako ng isasagot. Nakita niya nga ang ginawa ko kanina, walang duda doon. Pero bakit ba siya nagkakaganyan? Ano bang ipinupunto niya't kailangan pa namin pag-usapan 'to?
"Bakit ka ba ganyan magsalita? Teka nga, bakit ba natin pinag-uusapan si Daniella?" Medyo naiinis na ring tanong ko.
Hindi ko makuha ang point niya. Para siyang galit sa'kin sa hindi malamang dahilan. Ano, galit ba siya dahil sa nakita niya at akala niya'y tina-traydor ko si Brenda? O baka galit siyang hindi niya ako napigilan sa gusto ko noon na maghiganti sa babaeng nanakit sa'kin? Hindi ko alam.
"Because you're my best friend," seryosong sagot niya na nagpamaang sa'kin. "At hindi ko matanggap na hindi marunong magpakalalaki ang kaibigan ko. Engaged ka na, you shouldn't act that way to her. Dahil binibigyan mo lang siya ng rason na umasa sa'yo. And I don't want that."
And I don't want that.
Hindi. Hindi si Brenda ang tinutukoy niya nang sabihin niyang 'tungkol kanino' ang pag-uusapan namin.
It was about Daniella all along. Hindi kaya...
"Do you like her?" Kunot ang noo at puno ng pagdududang tanong ko.
"Like who?" Maang-maangan niya.
"You know who I'm talking about, Benj."
Hindi siya agad nakasagot at nag-iwas lang ng tingin. Tinitigan niya pa ang baso na may laman pang alak bago iyon nilagok.
BINABASA MO ANG
The Famous and The Outcast
RomantizmBook 2 of Ms. Famous and Mr. Outcast Daniella Villarante-known as Ms. Famous of Prime High. Tinitingala ng lahat. Vincent Lim-known as Mr. Outcast of Prime High. Loner at itinuturing na non-existing student ng Prime High. They are Ms. Famous a...