Chapter 19

314 9 1
                                    

DANIELLA VILLARANTE

HANDA na akong talikuran ang lahat at magsimula ng bagong buhay. Iyong buhay na walang alaala ng masasakit na nakaraan. Pero bakit kay lupit ng tadhana at isa-isang bumabalik ang mga alaalang gusto ko nang ibaon sa limot?

"Ang kapal ng mukha mong magpakita sa'kin, Junice." Matigas na usal ko matapos kong bigyan ng isang sampal ang dati kong kaibigan.

Galit ako. Galit na galit. Alam kong hindi tama ang sisihin ang ibang tao, pero kasalanan nila kung bakit naging ganito ang buhay ko ngayon. Sila ang nagtulak sa'kin para iwan at saktan si Vincent noon. Sila ang dahilan kung bakit galit sa'kin ang lalaking mahal ko. Sila na itinuring kong 'tunay' na kaibigan.

And now, she's right before my eyes. Ano na namang panggulo ang hatid niya ngayon? Mababaliw na siguro ako pag nagkataon.

"G-gusto lang sana kitang makausap." Aniya habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi.

"Makausap? Pagkatapos ng napakaraming taon, ngayon mo lang ako gustong makausap? Bakit? Hihingi ka ng tawad sa ginawa niyo sa'kin dati? Huwag na. Matagal ko na kayong pinatawad kahit hindi niyo pa hingiin sa'kin iyon. Pero ayoko na ng gulo. Kaya utang na loob, Jun. Huwag mong ipapakita sa'kin iyang mga mukha niyo dahil nagngingitngit ako." Tuluy-tuloy ang agos ng luha ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.

I love my best friends. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sa kanila dahil sa ginawa nila sa'kin noon.

"A-alam ko, Ella. P-pero gusto kitang makausap tungkol doon at... at k-kay Bianca. G-gusto ka niyang makita, Ella. Gusto niyang humingi ng tawad sa'yo bago siya... b-bago siya u-umalis."

Marahas kong pinahiran ang luha ko at ngumisi ng sarkastiko. "Eh di umalis siya. Matagal niyo naman na akong iniwan nang hindi nagpapaalam diba? Bakit niyo pa─"

"May leukemia si Bianca, Ella. Gusto ka niyang makausap bago siya umalis sa mundong 'to. Huwag ka namang ganyan oh."

Akala ko tapos na. Akala ko lang pala. Bumabalik na naman ang lahat ng sakit. Ang lahat ng alaala ng nakaraan naming apat na magkakaibigan. Ang mga ginawa nila sa'kin noon. Lahat ay parang isang pelikula na nagfa-flashback.

"Please, Ella." Umiiyak na untag niya sa'kin.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha kong patuloy lang sa pag-agos. Ni hindi ko rin namalayan ang presensya ni Benj sa tabi ko kung hindi lang niya hinagod ang likod ko.

Gusto ko rin siyang makita. Gusto ko ring makausap si Bianca pero masyado pang masakit sa'kin ang mga alaalang iniwan nila sa'kin. Pero kailan ako magiging handa? Kapag wala na siya?

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla na naman itong sumikip.

"Daniella, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Benj.

Huminga lang ako ng malalim at tumango sa kanya. Kinondisyon ko muna ang sarili ko bago ko hinarap ang luhaang si Junice na ngayo'y parang natataranta na rin.

"Pupuntahan ko siya, Junice. Pero hindi muna ngayon, baka bukas na. Saang hospital ba?"

"Chong Hua Hospital. Sa Cebu," napaangat ang tingin ko sa sinabi niyang lugar. "D-don't worry, ibo-book kita ng flight papuntang Cebu. Ako nang bahala sa mga gastusin."

Tumango nalang ako sa tinuran niya at hindi na nakipagtalo. Sa Cebu. Doon ang probinsya nila Bianca. Bukas ang dating nila kuya at bukas din ako aalis patungong Cebu. Maiintindihan naman ako ng kapatid ko dahil hindi lang naman pagbisita ang gagawin ko roon. I need closure.

Nang makaalis na si Junice matapos niyang hingiin ang cellphone number ko ay nag-alangan pa ako sa pag-iimpake dahil hindi pa umuuwi si Benj.

"Kung hindi ka aalis sa apartment na 'to, saan ka nga titira?" tanong niyang kanina pa inulit-ulit.

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon