Chapter 21

344 7 1
                                    

DANIELLA VILLARANTE

KANINA pa ako nakatingin sa harap ng salamin. Ngayon kami pupunta ni Junice sa hospital kung saan naka-confine si Bianca. Kinakabahan ako.

"Tapos ka na ba? Let's go?" tanong niya nang pumasok siya sa kwarto.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya palabas.

Sa biyahe pa lamang papunta sa hospital ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam anong sasabihin ko at anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ulit siya.

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan ito ni Junice. "It will be fine."

Nang makarating kami sa nasabing ospital ay papalakas naman ng papalakas ang kabog ng dibdib ko. Ano na kayang hitsura niya? Galit pa rin kaya siya sa'kin? Ano kayang sasabihin niya? Siyempre, it's been 15 years.

Naging balisa ako nang huminto na ang elevator na sinasakyan namin.

"Nasa dulo ang kwarto ni Bianca. Don't worry about it, she loves you."

Nilakad pa namin ang hallway patungo sa private room ni Bianca. Nang makarating kami ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. This is really going to be surreal.

Binuksan ni Junice ang pintuan ng kwarto. Hindi ko kaagad nakita ang sadya namin dahil may babaeng nakatayo sa gilid ng kama at nakatalikod mula sa amin.

Nang lumingon ang babaeng iyon ay nakilala ko kaagad siya. Si Kate. Mas lalo siyang gumanda. Nandoon pa rin ang mabait niyang aura at maamong mukha.

Nginitian ko siya at ngumiti rin naman siya pabalik sa'kin. Kalaunan ay umalis siya sa gilid ng kama upang tabihan ang lalaking nasa may paanan na ngayon ko lang napansin. Si Luke.

And there she is, lying in agony. Natutop ko ang bibig ko nang makita ang hitsura niya. She's pale, thin and sad. Hindi nalagas ang buhok niya pero halatang manipis na ito. She had such a beautiful hair back then, a natural red lips and a face of a happy person.

Titig na titig ako sa kanya habang papalapit ako sa kinahihigaan niya. Anong nangyari at bakit nagkaganito siya. Paano niya nakuha ang sakit na leukemia? Bakit sa lahat ng tao, siya pa ang pinarusahan ng ganito? God, this is unbelievable.

"Ella," sambit niya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. "Salamat at dumating ka."

"Iwan muna natin sila." Narinig kong sinabi ni Luke at kasunod niyon ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Wala akong masabi dahil naaawa ako sa kalagayan niya. Medyo chubby si Bianca pero ang laki ng ibinawas ng timbang niya. Sobrang payat na niya ngayon at hindi ko lubos siya nakilala kanina.

"Alam kong masyado nang huli ang lahat. Pero nais ko pa ring humingi ng kapatawaran sa'yo, Ella. Sa lahat ng ginawa ko sa'yo dati. Sa pang-iiwan ko, namin. Sa pagtatraydor namin sa'yo noon," umiiyak na turan niya pero hindi ako sumagot. "I swear to God, Ella mahal kita. Ikaw na tinuring kong parang kapatid. But I became selfish and ungrateful. Hindi ako nakuntento at naghangad pa ako ng iba. Nang katumbas sa kung anong meron ka noon. I was blinded by my greed. Nainggit ako sa'yo at hindi ko tinanggap ang katotohanang mas magaling ka sa'kin. Naging isip bata ako. H-hindi ko inisip kung anong mangyayari kapag pinatulan ko pa ang pagiging inggitera ko. I-I'm so... sorry, Ella."

Hindi ko na rin napigilan ang mapaiyak nang balikan ko ang mga alaala ng ginawa nila sa'kin noon. That was the most heartbreaking event of my life. When my father died, they're supposed to be there dahil best friends ko sila. But they weren't.

"Huli na, Bianca. I'm already miserable, miserable enough that I became numb. Kaibigan ko kayo eh. Itinuring ko kayong sarili kong kadugo. Kayo na dapat sana ay kakampi ko. Dapat sana tayong magdamayan eh. Alam mo ba kung anong nangyari sa'kin? Alam mo ba ang hirap na pinagdaanan ko matapos niyo akong tangayin sa ere at bigla-bigla nalang binitiwan? Masakit. Sobra," pinahiran ko ang luha ko at hinayaang lumabas lahat ng hinanakit kong nakakulong sa puso ko sa loob ng napakaraming taon. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga panahong iyon, Bianca. Nangangapa ako ng sagot. Ng sagot kung bakit niyo ginawa sa'kin 'yon. I even blamed myself for not doing my obligations as your best friend. Dahil kung nagawa ko pa ang tungkulin ko bilang isang mabuting kaibigan ay hindi niyo gagawin sa akin iyon. Ang daming nawala sa akin, Bianca alam mo ba 'yon? Alam mo ba kung gaano akong nasaktan? Alam mo ba kung gaano ako kagalit?!"

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon