Chapter 8

321 9 3
                                        

BIYERNES santo na talaga dahil kanina pa nagpang-abot ang mga kilay ng boss ko habang pabaling-baling ang tingin niya sa kanyang laptop at sa mga dokumentong ibinigay ko sa kanya ngayon lang.

Nakatayo lang ako sa harap niya at naghihintay na pirmahan niya ang kung anumang nakasulat sa mga dokumentong pinakuha niya pa sa'kin sa branch ng Focus Agency sa Taytay.

Nababagot ako dahil gustung-gusto ko nang magsalita. Ang tahimik kasi at tanging ingay lang ng papel ang gumagawa ng ingay sa tuwing ililipat niya ang pahina.

"S-sir, pwede na po ba akong lumabas?" Tanong ko maya-maya nang hindi ko na kinaya ang pagkabagot at pangangalay ko.

"No." Mabilis at walang-lingon niyang sagot.

Aba! So anong gusto niyang gawin ko rito? Tumunganga at panoorin siyang nagbabasa? Pwede na rin. Hehe. Pero ang hirap kayang tumayo lang dito sa harap ng desk niya 'no!

Magsasalita na sana ako pero hindi ko nalang itinuloy nang matitigan ko ng maayos ang mukha niya. Ibang-iba na talaga siya. Marunong na siyang mag-ayos ngayon at ang lakas pa ng appeal niya kahit na nagbabasa lang siya. Sinuri ko ang buong mukha niya. Mula sa fresh-looking hair niya, sa makapal na kilay na bumagay din sa mukha niya, ang matangos niyang ilong, ang... Ang mga l-labi niya.

Napako ang tingin ko sa banda ro'n. Paano kaya humalik ang isang bagong Vincent Lim?

'Aish! Ano na naman ba 'tong iniisip ko?'

Marahan kong tinampal-tampal ang sariling mukha para alisin ang maruming bagay na tumatakbo sa utak ko. Gusto ko ang iniisip ko pero hindi ko gustong sa ganitong paraan pa ako mag-iisip ng gano'n. Nakakahiya.

Itiniklop niya ang folder at nag-angat ng tingin sa'kin. "Tapos ka na bang titigan akong mabuti?" Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko pero alam ko sa sarili kong namumula ako ngayon dahil umiinit ang pisngi ko. Bakit ba kasi tinanong pa niya ako ng gano'n?

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan at bumukas ito sabay iniluwa doon si Barney, este si Brenda pala.

Nakatingin siya kay Vincent pero kaagad din lumipad ang tingin niya papunta sa'kin nang maramdamang may ibang tao maliban sa boss namin.

"Hindi ko alam na may bago ka na palang sekretarya." Nakataas ang kilay na tugon niya na nakatingin sa'kin kahit na si Vincent ang sinabihan niya no'n. "At sa lahat ng empleyado mo, ito talaga?" Baling niya kay Vinvent na ngayon ay nakakunot ang noo.

"I ought to tell you every decision I make? And why not her? She's doing great in her job..." Sumandal siya sa swivel chair niya at bumaling sa'kin. "...and I trust her."

Bakit? Bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko? Nakakabingi. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi niya dahil tungkol lang naman iyon sa trabaho. Pero iba pa rin talaga sa pakiramdam.

Pakiramdam ko, may iba pa rin talaga.

"Oh yes?" Nabaling ang atensyon ko kay Brenda nang magsalita siya. "Yes you ought to tell me every decision you make. Why? Because I'm your fiancée, Vincent!"

Fiancée. Am I really hearing this? Right now? Si Brenda. Fiancée ng lalaking minsan kong minahal at sinaktan.

Minsan. Ibig sabihin ba no'n, nakalimutan ko na talaga siya? Kung oo, bakit kumikirot ang puso ko sa nalaman ko ngayon? Bakit mas lalo yatang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang lumalayo ito sa sakit?

"We're at work, Brenda," may pagbabanta sa kanyang boses bago siya bumaling sa'kin. "We'll talk later, lumabas ka muna."

Walang pagdadalawang isip kong tinungo ang pintuan at lumabas. Halos liparin ko ang rooftop para makahinga dahil pakiramdam ko, nawawalan ako ng hangin.

VINCENT LIM

"Why are you bringing that up?" Singhal ko sa kanya.

Napag-usapan na namin 'to noon bago kami bumalik dito na hindi namin ito ipagsasabi sa iba. Ang tungkol sa engagement.

"And why not? Malalaman din naman 'to ng mga empleyado mo eventually. O baka naman..." Humalukipkip siya at taas-noo akong tinitigan sa mga mata. "...nag-aalala ka na baka layuan ka ni Daniella?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Yes, she knows about my past. She knows about me and Daniella. Lahat alam niya dahil bukod kay Benj, naging sandigan ko rin siya noon.

But everything has changed simula nang ipagkanulo siya ng parents niya sa'kin. My parents can't reject them dahil naging business partner ni dad ang daddy ni Brenda before he died.

Lumayo ako. Umiwas dahil ayokong may ibang tao ang nagdedesisyon sa buhay ko. Pero hindi ko alam na sa likod pala ng lahat ay si Brenda.

She convinced her father to get involved with my life dahil mahal niya ako. I already told her na hindi ko pa kaya, hindi ko talaga kaya na magmahal ng iba. Sa ngayon.

But as time goes by, natutunan kong we need to move to survive. When my father died, he asked me the same favor. Ang pakasalan si Brenda and give her a happy and satisfying life.

Inisip ko kung anong mangyayari kung pumayag ako. Ayokong gumamit at manira ng tao para lang takasan ang sakit na namumuhay sa puso ko.

But I had no choice. I was cornered between my father's last dying wish and our company's future. Kaya pumayag ako. I'm Brenda's fiancé now.

At ayokong malaman iyon ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit. It's not that I'm ashamed of her. Hindi ko lang talaga magawang maging proud sa bagay na iyon. Our college friends thought we're a happy and perfect couple. And I don't want the people to get the wrong idea just like them.

"Ano, Vincent? Tama ako, hindi ba? In the first place, bakit nga ba nandito ang ex mo? She's still into you? Or you're still into her kaya ayaw mong ipaalam sa mga tao ang tungkol sa'tin?"

Hindi ako makapagasalita. I can't find the words. Nagi-guilty ako. I'm guilty as hell. Tinulungan ako ni Brenda and she's still helping me until now to get over the sickness.

"I'm sorry, Bren." Naisagot ko nalang.

"Ha! I tried to understand you, Vincent. Pero simula nang bumalik tayo dito sa Pilipinas at nagkita ulit kayo, bumabalik ka na naman sa dati." She stormed out of the office.

Napahagod nalang ako sa sariling buhok. What have I done? She's doing her best to get me out of this drowning situation. Pero hindi ko man lang masuklian ang ginagawa niya. I'm starting to push her away.

And this is all because of Daniella. My anger and yearning for her at the same time. Dahil kahit galit ako sa kanya, I damn admit that I still have that thing for her.

At iyon ang hindi ko kayang tanggapin. Matapos ang ilang taon kong paghihirap, bakit hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin ako? I tried my best to just move on pero talagang hindi ako umuusad.

It's been ten years, for Pete's sake. Sinong tanga naman ang mananatiling ikulong ang sarili sa nakaraan? Ako siguro. Siguro tanga nga talaga ako.

Napaigtad nalang ako nang mag-ring ang cellphone ko kaya kaagad ko itong hinugot mula sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Vincent, haven't you received my email? May imbitasyon ako mula sa Parkinson Agency, and I'm afraid I can't be there for some personal issues. Can you go there in behalf of me? The're holding a party para sa success ng kanilang mga models." Si tito Arnold, Brenda's father.

Napahilot ako sa sentido. Parkinson Agency. That's a big company also. Pero hindi ko alam kung pupunta ba ako roon dahil marami pa akong kailangang asikasuhin sa Taytay.

But what can I do? I'm like his dog on a leash. Kaya... "Of course, tito. I'll go there."

"Thank you, Vincent. You never failed me. You can bring Brenda with you."

I'm damn suffocated.

I need her.

I need Daniella Villarante. Damn it!

...

MariaClaraV2

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon