PAKIRAMDAM ko ay huminto ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa tapat ng inuupahan ko. Nakatayo at nakatingin sa'kin.
Napapalunok akong lumapit sa kanya. Bakit kaya siya nandito? Anong ginagawa niya? Diba nga, galit siya sa'kin? Why is a busy person like her doing here?
"T-tita Margaret." Naiusal ko nalang nang makalapit na ako sa kanya. "A-ano pong ginagawa niyo r-rito?"
"Get in. May pag-uusapan tayo." Walang emosyong tugon niya at saka sumakay sa kotse niya.
Nagdadalawang-isip ako kung sasakay ba talaga ako. Kinakabahan kasi ako. Pero natinag lang ako nang bigla siyang bumusina kaya dali-dali rin akong nagpunta sa passenger's seat at sumakay.
Pumunta kami sa isang malapit na coffee shop.
Hindi ko pa rin maialis ang kaba sa dibdib ko. Binabayo talaga eh. Nakakagulat naman kasi ang biglaang pagbisita niya. Ni wala man lang pasabi na pupuntahan niya ako. Eh di sana nakapaghanda man lang ako kahit na kaunting speech man lang.
"Uuwi ang kuya mo. Nabalitaan ko lang," panimula niya nang nakatingin sa labas bago lumingon sa'kin. "Do'n ka muna sa bahay pansamantala."
Nagulat ako. Pero at the same time, disappointed. 'Pansamantala'. Ibig sabihin, hindi na ako titira doon ulit. Umasa na naman ako.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya at hindi umimik. Napapaisip ako kung bakit ganito nalang kabigat ang galit niya sa'kin.
Oo kasalanan ko kung bakit namatay si daddy. Oo ako na ang mali. Pero bakit kailangang humantong sa ganito? Daig ko pa ang isang ulila sa mga magulang.
"Hindi ko na hihintayin ang sagot mo dahil may importante pa akong aasikasuhin. Ipapahanda ko nalang ang kwarto mo sa bahay." Tugon niya at saka tumayo at umalis.
Naiwan na naman akong nakatanga. Gusto kong mamangha. Ilang taon na ba akong ganito? Ilang taon na ba akong nakatira na malayo sa kanya? Malayo sa bahay namin? Malayo sa totoong buhay na kinagisnan ko? Pero hanggang ngayon, ako pa rin ang dapat na mag-adjust? Hanggang ngayon ba'y kailangan ko pa ring magpakumbaba?
Nakakapagod.
Pero alam ko rin namang kaya ko. At kakayanin ko talaga. Dahil walang ibang makakatulong sa'kin kundi ang aking sarili.
Tumayo na rin ako at umuwi. Hindi na ako nag-abalang maghapunan dahil wala naman akong gana. Naligo lang ako at natulog na.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Pinipilit kong huwag maapektuhan sa pagkikita namin ni tita Margaret kahapon. Hindi ko kailangang dalhin ang problema ko sa opisina.
Hinanda ko na lahat pati ang sarili ko para sa trabaho. Napapaisip na naman ako kung ano na naman kayang mangyayari sa'kin ngayon. Sana lang naman 'wag na akong malasin.
Lumabas na ako ng apartment at sumakay ng jeep papunta sa Focus.
"Good morning, ma'am." Bati sa'kin ni manong guard nang makarating ako sa building.
"Morning." Tipid at pilit na ngiti kong sagot.
Dumiretso ako sa CR para mag-retouch at para na rin ayusin ang GGB kong mood ngayon.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napabuntong hininga.
Kailan kaya ako magiging masaya? Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang lahat? Gano'n ba talaga kalaki ang naging kasalanan ko para umabot sa ganito ang lahat? Hay! Puro ako tanong pero ni isa wala namang nasagot.
Lumabas na ako ng CR at tinungo ang 7th floor kung saan ako naka-assign.
Pumasok ako sa loob ng elevator at naabutan si Benj. Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang interview ko.
BINABASA MO ANG
The Famous and The Outcast
RomanceBook 2 of Ms. Famous and Mr. Outcast Daniella Villarante-known as Ms. Famous of Prime High. Tinitingala ng lahat. Vincent Lim-known as Mr. Outcast of Prime High. Loner at itinuturing na non-existing student ng Prime High. They are Ms. Famous a...