Chapter 20

320 9 0
                                    

JUNICE DE CASTRO

Friendship and maturity. Two things I didn't know back then. Two things I neglected for my own benefit. Noon, kung anong makapagpapasaya sa'kin ay okay na. Regardless of hurting someone's feelings. And that someone was my best friend. Was. Siyempre, past tense eh.

After the incident, hindi na kami naging magkaibigan ni Ella. She became an outcast. People in Prime Academy hated her. Everyone thought she's a whore. At dahil iyon sa kagagawan namin ni Bianca. We framed her up. Why? Because we're insecure about her and we are immature the old days.

Ni hindi ko naisip ang mararamdaman niya. Nagpadala ako sa inggit ko. Nagpadala ako sa galit ni Bianca na ngayo'y hindi ko makita-kita ang rason kung bakit at saan nagmumula ang galit na iyon. All I can conclude is because we are immature at naiinggit kami. Iyon lang.

After high school's graduation, nagkawatak-watak kami. Bianca went to FEU. I was in La Salle. And Kate studied in U.S. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makita siyang muli after a year in La Salle. I was in my sophomore year and she was in her freshman year.

Bawat galaw niya ay binabantayan ko. She's still the same Daniella Villarante na iniwan namin noong high school kami. The outcast. Hindi ko siya madalas makitang may kasama. Lagi siyang kumakain sa canteen mag-isa at umuuwing mag-isa. She did not socialize. Nalaman kong in-touch pa rin siya kay Luke and Terrence.

Nang minsang nakausap ko si Luke tungkol kay Ella, nalaman kong may sakit siya. She's suffering from mental-shock stress. Kaya pala siya pumapayat sa pagdaan ng mga araw.

Iyon ang huli kong balita sa kanya. During my internship, she was in her junior year in college. Dahil busy ako sa OJT at thesis ko, hindi ko nasusubaybayan ang buhay niya sa loob ng school. Not until I learned from one of her classmates that her father died and she was casted out by her stepmother.

Lagi siyang absent. Hanggang sa natapos ang school year ay hindi ko na siya nakita pa. Ikinuwento ko kay Bianca ang nangyari pero gaya ng dati, wala siyang pakialam. She stopped attending school at hindi ko na alam kung anong ginagawa niya sa buhay niya.

Pero hindi ako tumigil. Nakokonsensya ako kaya hinanap ko siya but to no avail. Sa akin ipinamahala ni daddy ang isang restaurant niya sa Taguig.

I was on my way there nang makita ko si Ella na naglalakad suot ang isang khaki pants, puting t-shirt at sling bag. May dala siyang plastic bag na may logo ng Jollibee. I knew then that she was working in a fast food chain nearby.

After a week of my business in Taguig, bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita si Ella. Hinanap ko ang pinakamalapit na Jollibee at nagtanong. Pero wala na siya roon. Ayon sa napagtanungan ko, tinanggal siya sa trabaho dahil umabsent siya ng apat na araw. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya sa loob ng apat na araw na iyon.

Nalaman ko rin sa manager ng fast food chain na iyon ang kanyang address. I followed her secretly. She's working in a burger junction malapit lang sa apartment na inuupahan niya.

She's all alone. Terrence was in U.S. back then and Luke is no longer in touch with her when he married Bianca. I don't know the story of the two of how they end up with each other.

Walang araw na hindi ko alam kung anong nangyayari kay Ella. Hanggang sa ibinalita sa'kin ng taong inatasan kong bantayan siya araw-araw na nag-apply siya sa isang modeling agency. Focus. I was not sure if she's just playing dumb o talagang naka-move on na siya kay Vincent para mag-apply sa kompanyang pag-aari ng kanyang ex.

Nevertheless, ngayong nandito na ang oportunidad na 'to ay hindi ko na 'to pakakawalan. It's time to set things straight, ask for forgiveness and all. I wanted to reconcile with her. Since college pa nga pero lagi akong pinangungunahan ng takot. Takot na i-reject niya ako at takot na baka sa akin magalit si Bianca.

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon