Chapter 14

345 8 0
                                        

VINCENT LIM

NAPANGITI ako sa balitang natanggap ko galing kay Eunice. I texted her and asked her to help out Daniella with the meeting. Alam ko naman kasing hindi pa niya kabisado ang pasiku-sikot when it comes to business meetings or conferences with the conglomerates.

Sir, ayos na ayos ang presentation ni Daniella. Nagustuhan yata siya ng board members, pinupuri rin po siya sa apelyido niyang pang mayaman. Hehe

Hindi ko namalayan ang huling parte ng text ni Eunice. Naalala ko noong interview niya. She denied her stepmother. She denied her family name. Ano bang nangyari sa kanya at gano'n nalang ang mga sinabi niya? Hay! Either way, masaya ako dahil napagtagumpayan niya ang pinapagawa ko sa kanya.

It's already seven in the evening. Kasalukuyan kaming nandito sa Success party ng Parkinson Agency. Ngayon ko lang nabasa ang text ni Eunice dahil naging busy ako kanina.

"Vincent, it's good to see you here." Nakangiting bati sa'kin ni Mrs. Snow. Isang model na nakapag-asawa ng businessman na foreigner. She's also a product of Parkinson.

"Same here, Tanya. Where's your husband?" Tanong ko sa kanya matapos niyang makipag-beso sa'kin.

"He's in France. Ako lang ang nandito ngayon. Anyhow, I heard you're engaged already. Who's the lucky girl?" Nakangiting tanong niya pa habang naka-abrisiyete sa braso ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay may nagsalita na sa gilid namin. "It's me. I'm the lucky girl."

"Oh, ikaw pala. I'm Tanya Snow. Nice meeting you..."

"Brenda. Soon to be... Brenda Lim."

Girls. Kahit hindi nila sabihin ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. At si Brenda ang pasimuno no'n.

"Congratulations! Vince, I'll go ahead." Baling sa'kin ni Tanya na ngiti lang ang naisagot ko.

Nang makaalis na siya'y ako naman ang binalingan ni Brenda. "Nalingat lang ako saglit may lumalandi na sa'yo?"

Napahinga ako ng malalim dahil sa tinuran niya. "She's just a friend, Brenda. And she's married for Chrissake! Ano ba?"

"I'm sorry, 'kay? Akala ko naman katulad siya ni Daniella na manunulot."

Kaagad nagpanting ang tainga ko sa narinig. No one dares to call her like that. And if anyone will, hindi talaga ako makakapagpigil. But I'll try to dahil si Brenda itong kausap ko.

"She's out of the topic, Brenda. Pwede ba, she's nothing like that kaya tumigil ka na."

"Wow! So ipinagtatanggol mo na rin siya ngayon? Eh 'di sana siya nalang isinama mo rito. Why do I always feel na mas lamang sa'kin ang babaeng 'yon?"

Napabuntong-hininga ako sa reklamo niya. Ipinatong ko nalang ang hawak na champagne glass sa katabing table at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat to calm her down.

"Your paranoia is driving me insane, Brenda. Let's not talk about something else while we're here. Can we do that?" Pakiusap ko sa kanya.

Ganito ang ugali ni Brenda. She's a jealous freak. Lahat nalang ng babaeng lumalapit sa'kin na hindi pamilyar sa kanya ay pinagseselosan niya. Lalung-lalo na si Daniella na alam niyang kinabaliwan ko noon.

Sinusubukan ko siyang intindihin dahil ayaw niya lang masaktan. Pero lingid sa kaalaman niya'y nasasaktan ko na siya sa tuwing naiisip ko ang nakaraan ko. Sa tuwing naiisip ko siya.

"I don't get you. Sira na ang mood ko." Hinawi niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya at naglakad na siya palayo.

Hindi ko na siya nagawang sundan pa. What for? Mag-aaway lang ulit kami. At alam kong ayaw niyang ginugulo siya kapag mainit ang ulo niya.

The Famous and The OutcastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon