2 Kabanata: Intruder
Velvet Victoire, the point of view.
Nagising ako mula sa napakalalim na pag tulog dahil sa boses na nagsasalita sa gilid ko. Dahan dahan kong ibinuka ang paningin ko at nakita si Tita Aivy na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Gising ka na pala Velvet, hija. Nakahanda na sa baba yung pagkain mo. And nga pala, magpahinga ka muna d'yan dahil aasikasuhin na natin bukas ang enrollment mo," nakangiting bungad sa akin ni tita Aivy habang nagbabasa ng mystery book ko.
"Ano po nangyari sa 'kin, tita?" tanong ko.
"Nawalan ka ng malay kagabi, hija." Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Inilapag niya ang libro ko sa kama at nagpaalam.
"Baba ka na, ha?" pahabol na sigaw ni tita Aivy.
"Opo!" sigaw ko pabalik at bumangon mula sa kama.
Nakakunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari kagabi.
I volunteered to wash the plates, 'yon lang ang naalala ko. Hindi ko na matandaan pa ang nangyari. Even if I had to recall every scene last night, hindi ko magawa.
I shrugged the thoughts away and checked myself on the mirror if I have something around my face before going downstairs for breakfast.
༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊
Napagpasyahan kong lumabas muna ng bahay dala-dala ang basket ko para kung sakaling may makita akong punong kahoy na may mga bunga ng prutas ay may maiuwi ako. Nalaman ko nalang kasi na itong buong hectare ng kagubatan ay pag-aari ng pamilya Constantine. Pagmamay-ari nila tita Aivy at tito Miguel.
So, I asked them if I can find some fruit, I'd harvest some of it.
Tumigil ako sa tapat ng napakalaking punong kahoy at tiningala 'yon. Mukhang hindi naman ako mahihirapang akyatin 'to dahil may mga makakapal na branches iyon na pwede kong akyatin. It actually looked like I can easily climb up there.
Though wala siyang sanga ng prutas. Trip ko lang talagang akyatin 'to dahil mukhang relaxing ito sa tuktok. I can see a wide branch up high where I can sit for a moment and feel the fresh air. Hindi nga lang sana ako mahulog.
Inilapag ko muna ang basket na dala-dala ko at umakyat sa puno. Nang makarating na ako sa pinakaunang sangay ay umupo muna ako doon at pinagmasdan ang nasa harapan ko.
Medyo malayo na pala ako sa bahay. Kitang-kita ko dito kung gaano ka dami ang mga puno na nakapalibot sa bahay.
Wala akong nakikitang kahit anong bahay, just ours. Walang ni isang kapitbahay ang nakatira.
I wonder, ilang oras kaya ang tatahakin ko bago makarating sa bago kong paaralan?
"Staying out here is dangerous, miss."
In which I thought that there's no one living here aside from us, bigla akong napahawak sa sanga ng kahoy na pinaguupuan ko dahil sa gulat. Hinigpitan ko ang hawak ko dito at hinanap ang boses na 'yon. Pagtingin ko sa ibaba, may lalakeng nakasandal sa puno. He has a fresh apple on his hand, too, in which he bites and chew on it bago niya itinaas ang kaniyang paningin sa akin.
"Ginulat mo 'ko," sabi ko sa kaniya at dahan-dahang bumaba. Kinuha ko ang basket at humarap sa lalake. Medyo nagulat pa siya nang makita niya ako pero agad din niyang binawi 'yon at kumagat ulit ng mansanas.
"Pasensya," patuloy pa rin siya sa pagkagat ng mansanas niya. "Ako nga pala si Jace Mortimer, kung hindi mo pa natandaan."
Kumunot ang noo ko dahil sa last name niya. Mortimer?
BINABASA MO ANG
The Last Enchantress
Fantasy✓ | (previous title: Trinity) What if a vampire and a witch crossed paths? Velvet was just trying to live a normal life with her foster parents. Tanggap na niya na lumaki siyang wala siyang tunay na pamilya. But her foster parents made her feel like...