31

55 2 0
                                    

31 Kabanata: 1899

The year 1899...

Third Person, the point of view.

"Binibining Velvet. Nais kong ipakita sa 'yo ang mga kwintas na pupwede mong gamitin sa kasal sa susunod na kabilugan ng buwan." 

Tumayo si Velvet mula sa kaniyang higaan at lumapit sa kaniyang tagapaglingkod. Nakalatag sa isang lamesa ang mga gintong kwintas mula sa pinakadilaw na ginto hanggang sa puting ginto, mula rin sa pinakamakapal hanggang sa pinakamanipis.

Ngumiti si Velvet nang kunin niya ang katamtamang kapal ng gintong kwintas na may diyamante sa dulo. Plain at simple, iyon ang kaniyang nasa isip na paksa para sa kanilang kasal ni Jake.

"Gusto ko ito, Therese."

Yumuko si Therese at maingat na kinuha mula sa kamay ni Velvet ang napili niyang kwintas upang ilagay ito sa kahon na naglalamang mga kagamitan ni Velvet para sa kasal. Pagkatapos ay niligpit niya ang naiwang mga kwintas at lumabas.

Muling nagiisa si Velvet sa silid habang nakatanaw sa balkonahe ng mansion.

The mansion is yet close to be called a castle. Dahil ito ay gawa sa makapal na semento na kahit mga elepante ay hindi kayang gibain ang tahanan, mayroon itong limang tore, tatsulok na bubong, napakahabang pasilyo palabas ng mansyon bago ang napakalaking gate nito.

The view was exquisite. Velvet can see the people from above the balcony, on the fifth floor of the Mortimer's home.

"Mahal..." 

Hindi pa man nakalapit ang binata ay ngumiting umikot si Velvet upang harapin si Jake. Kapwa sila napangiti nang masilayan ang mukha ng isa't isa.

"Ang ganda ng mapapangasawa ko..."

"Jakob Eduardo Mortimer. Ilang dekada na tayo pero ganyan ka parin makapuri sa akin?"

Humagikgik si Jake nang banggitin ang buong pangalan niya mula sa bibig ng dalagang minimithi niya lamang noon. 

"Kailangan mo bang banggitin ang pangalan ko nang buo?"

Hinawakan ni Velvet ang batok ni Jake at marahan itong hinila palapit sa kaniya.

"Nais ko lamang maalala ang napakagandang pangalan mo, mahal. Nang sa gano'n ay paulit ulit ko itong bigkasin kahit na mawalan ako ng memorya."

Kumunot ang noo ni Jake. "Hindi ka mawawalan ng memorya, mahal ko."

Kapwa sila napangiti at binigyan ang isa't isa ng napakatamis na halik na animo'y ito ang una nilang pagkakataong naglapat ng labi. Their kiss was passionate and full of love. Yet so poisonous.

-

"Nakahanda na ba ang lahat?"

"Opo, Binibining Velvet."

"Ang mga serbiliyeta, maayos bang pagkakatupi? Malinis at mabango? Nais ko lamang bigyan ang ating mga bisita ng napakamemorableng kasal."

"Opo, Binibining Velvet. Sa katunayan ay wala na kayong dapat na ipag-alala. Si Binibining Athena na ang nagasikaso at tinitiyak na maayos ang lahat sa kasal ninyo, binibini."

The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon