9

399 18 4
                                    

9 Kabanata: Book

Velvet Victoire, the point of view.

Maaga akong nagising at ginawa ang morning routine ko. I chose to wear the black skirt na hanggang tuhod and white shirt. Simple lang, hindi naman ako pupunta sa mall o sa party. Ime-meet ko lang yung ibang pamilya ng Mortimer.

I also kept my hair up into bun para mailigpit naman paminsan minsan ang buhok kong hanggang bewang na ang haba. May mga split ends pa pero okay lang yan. Papakalbo ako sa susunod. Lol, joke.

"Jake!" Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla-bigla nalang susulpot sa kung saan sa loob ng kwarto. "When will you ever knock?"

"Pasensya at ginulat kita. Shall we?" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

Nagdadalawa pa ako kung tatanggapin ko ba. But my hand forced me to grab his, kaya wala akong magawa kundi ang hawakan ang malamig niyang kamay. Maingat niya akong inalalayan sa bawat hagdan na inaapakan ko. Para akong prinsesa sa totoo lang--

"Pfft." Sinamaan ko agad siya ng tingin. Anak ng tokwa! Nakakabasa pala siya ng isip! "Have a seat, princess."

At talagang in-emphasize pa niya ang salitang princess. Bukulan ko kaya 'to?

Umupo nalang ako at nag-antay. Nakatayo lang siya sa gilid ko na parang bodyguard ko. 

Ngumisi ako sa kanya at tinaasan ng kilay nang mapalingon siya sa 'kin. Nakikichismis ka pala sa  utak ko, ha. Ayan. Magbantay kang bodyguard ka.

"Hi Ate Vel!" Pumasok si Lily at kasunod niya ang kaniyang mga kapatid. Ang masamang titig at tingin ni Drew at Sasha. Si Jace, nakangiti lang sa akin.

Of all the siblings here, si Lily at Jace lang yun parang rainbow kumbaga sa kanila kasi parang pinagsakluban ng langit at lupa palagi sina Sasha at Drew. Si Jake, well, nasa gitna. Depende sa mood nya.

"Our cousins will be here in half an hour," anunsyo ni Sasha. Umupo siya sa tapat ko. Kahit naka-shades siya, kitang kita ko ang mga titig niya na parang laser beam.

And nga pala, galing sila sa labas nila Drew at Jace kaya yung suot nila ay balot na balot na animo'y nagtatago mula sa araw. Hindi sila natulog ngayong araw dahil pinaghahandaan nila ang pag dating ng kanilang mga pinsan. 

Trenta minutos ang lumipas ay tanging katahimikan lang ang bumabalot sa amin. Para libangin ang sarili ko ay nilalaro ko ang daliri ko. Hindi ko makausap si Lily dahil kausap niya kasalukuyan si Sasha samantalang si Jace ay may ginagawa.

"Sorry we're late."

Isa-isang nagsulputan ang mga mukha na ngayon ko lang nakita. They are all wearing a long leather jacket to cover themselves from the sun. Mga magaganda't gwapo. Mga mapuputla ang balat.

"Oh, hello, Velvet!" bati ng isang babae na may makapal na salamin. Hanggang balikat ang buhok niya may pagka-petite. "Remember me?"

Umiling ako. "No. Sorry," sagot ko lamang.

"Oh... no worries," she extended her hand sa harapan ko. "I'm Alice Mortimer. Their cousin."

We shook hands. Nakangiti siya sa akin kaya ginantihan ko din siya ng ngiti. Sunod naman na nagpakilala ang iba.

Si Jax, ang lalakeng unang sumulpot kanina na siyang nanghingi ng paumanhin dahil natagalan sila. Si Cleo naman na kamukha ni Alice. Si Farrah at Marra na kambal din. They are a one big family, pero wala ang mama at papa nila.

"Mom and dad died years ago, Vel. Hindi mo ba talaga natandaan?" tanong ni Alice sa akin. Umiling lang ako. She pouted. "Ikaw nga 'yung nagpatahan sa akin noon, e. Pero it doesn't matter dahil sawakas ay nagkita ulit tayo."

The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon