15

317 12 5
                                    

15 Kabanata: Palaso

Velvet Victoire, the point of view.

Alas tres na ng madaling araw at heto ako, nagtitip-toe palabas ng mansion. Pigil na pigil ang hininga ko na binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay. I tiptoed straight from the room up here to the exit door for half an hour para lang hindi marinig ng iba ang pagtakas ko.

Sa totoo lang ay wala akong alam kung saan ang papunta sa mansion ni Athena dahil unang una ay hindi ako taga rito. Pangalawa ay hindi ako pamilyar sa mga nadaanan namin noong pumupunta kami sa mansion ng La Croix para makiparty. At pangatlo... Nakakatakot maglakad sa gitna ng lugar ng mga bampira.

"Finally!" I whispered. Tatalon-talon pa akong nakangiti at sinarado ang pinto.

Napagsabihan na ako na hindi ako pupwedeng lumabas nang ako lang mag-isa. Kailangan raw ay may kasama ako na isa sa mga miyembro nila lalo na si Lily.

Pero kailangan kong makausap siya. Kailangan kong maliwanagan tungkol do'n sa nakita ko.

What bothers me is that everything I saw feels so real. Ni-hindi ako pinatulog dahil do'n.

"Velvet?"

Napaigtad ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon-lingon ako sa paligid ko. Pero pagharap ko, mas lalo akong napasigaw dahil sa mukha ni Therese ang bumungad sa akin na sobrang puti ng mukha.

She must've put something on her face dahil sa sobrang thick at lapot nito. A skincare, maybe?

"Therese!" suway ko sa kaniya habang habol-habol ko ang hininga ko sa gulat. Imagine the horror on my face after I tiptoed my whole life out from the room up until here and only to be surprised by this blood eating human.

Nakatingin lang siya sa akin at maya-maya ay hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit ka lumabas sa silid mo?" tanong niya. Hindi ko naman pinansin ang tanong niya at binawi ang braso ko.

"Ba't ngayon ka lang? Saan ka napadpad this past few days?" Napansin ko kasing wala siya sa mansion. Minsan kasi siya 'yung nagbabantay sa akin sa kwarto.

"Pinagsisilbihan ko muna ang mga pamangkin ni Ma'am Bella Mortimer. Nasa kabilang mansion sila," sagot niya. Tumango-tango nalang ako at tumikhim para naman makapagisip ng mga itatanong.

"Speaking of pamangkin nila tita Bella, ba't hindi na sila bumibisita dito?"

Napayuko siya saka narinig ko siyang bumuntong hininga. "Pinalayas sila ni sir Jake dahil hindi ka raw nila binantayan noong kinuha ka ng mga La Croix. Ni-hindi ka nila pinaglaban."

Nanlaki ang mata ko at hinawakan siya sa magkabila niyang braso. "Sabihin mo sa akin kung nasaan sila. Kailangan ko muna silang kausapin."

Tinitigan niya muna ako nang ilang minuto bago siya ngumiti. "Ayusin ko muna mukha ko, Velvet." She said, pertaining to the white mask she's currently wearing.

Tumango lamang ako at hinintay siya dito sa labas. Hindi naman siya nagtagal at hinatid niya ako sa kung saan sina Alice. Nahilo pa ako sa bilis ng kilos niya dahil pinasan niya lang ako kahit na di ako pumayag pero nagpumilit si Therese.

Pero maya-maya ay naka-recover na ako sa sarili ko at sinundan si Therese na papasok sa loob ng isang malaking bahay.

Nakarinig ako ng mga boses sa loob kaya agad kong sinundan 'yon at nakita si Alice, Cleo at Jax sa sala. Mukhang wala dito ang kambal.

"Velvet?" nahinto sila sa pagkukwentuhan nang makita ako at lumapit sa akin si Alice. Nakangiti siya sa akin at bigla nalang niya akong niyakap. "Pasensya, Vel, dahil 'di ka namin naipagtanggol kay Mr. Cirino."

The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon