26

208 9 2
                                    

26 Kabanata: Hostage

Velvet Victoire, the point of view.

Dahan-dahan kong inidinalat ang mga mata ko. Nang tuluyang ibinuka ay tsaka ko lang narealize na nasa kagubatan parin ako, nakahilata sa isang pinagtagpi tagping dahon ng saging. I tried to sit on it pero bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo.

"You've been sleeping for two hours."

Muntik na akong napasigaw sa gulat dahil sa nagsalita. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Jake na parang kanina lang nakatingin sa gawi ko.

"Paano ka napunta dito?" takang tanong ko.

"I saved you from those vampires who tried to kill you. But don't worry, pinapaimbestiga ko na ang nangyari kung sino ang mga 'yon," tugon niya habang humihikab.

Oh, I remember. I was chased down by a bunch of vampires and they let me wear a certain cursed necklace to make me feel weak. Tapos nakita ko si Jake na bigla na lamang sumulpot at pinugutan ng mga ulo ang mga 'yon

"Where's the heads?" I asked out of nowhere. Wala kasi sa paligid yung mga naputol.

"Nandoon sa kabilang banda. Hindi naman ako nasisiraan ng bait para hayaan kang doon nakahandusay."

Umismid ako at tumayo na rin para 'di na tumingala sa kaniya. Pinapagan ko ang damit kong may bahid ng lupa at maliliit na dried leaves.

"Sasha's missing." Biglang sinabi niya. So my hand was left midair to look at him. "Wala siya kahapon at hindi namin siya mahagilap. She's literally missing and we don't know where she is."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Sasha's missing. Ano naman ang nangyari sa kaniya? Naalala ko nga na kapag nagtatampo siya, hindi siya maglalayas. Kinukulong niya lang ang sarili niya sa kwarto o 'di kaya ay magpapalipas ng oras sa main garden.

"We need to find her," I immediately said. Ayokong may masamang mangyari sa kaniya. She's still a woman that can't fight alone. Baka mamaya, may mangyayari sa kaniya. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang may balak na saktan siya.

"Hindi namin maamoy ang scent niya," bigla akong nawalan ng pag-asa. Hindi basta-basta mahahanap ang hinahanap namin kung 'di nila malaman o mahanap through their ability! 

"Ano gagawin natin?" nagsimula na akong kabahan. Actually, dumoble pa.

"Isa lang ang nasa isip ko kung sino ang kumuha sa kaniya," sumeryoso siya saka tinitigan ako ng maigi. "Ang enchanters."

What?! Akala ko ba nagkakasundso na kami? Walang'yang Douglas 'yon.

"Hindi ko alam kung saan," mahina kong sabi na para bang nawawalan ng pag-asa. Hindi ako pamilyar sa lugar ng mga enkantador lalo na sa lugar na sekreto para sa kanila. Hindi ko alam kung saan posibleng dinala si Sasha. Imposibleng nando'n si Sasha sa bahay na pinuntahan namin. They would never do such thing to the place where I've been.

"Alam kong may magagawa ka para sa kapatid ko, Velvet," ngumiti siya na para bang sinasabi na makakaya ko ang lahat. I nodded. For the sake of Sasha, hahanapin ko sya.

-

Nagpaalam na si Jake para bumalik sa mansion dahil tyak na hinahanap na siya sa pagpupulong nila. Ako naman, nandito pa rin sa lumang bahay at kaharap ko ang mga libro na pinabigay ni Leona sa akin.

I don't know what to do with these kaya malamang na babasahin ko lang 'to at imemorize ang bawat importanteng text. Pero 'di ako makapagconcentrate dahil kay Sasha. Saan ko kaya siya pwedeng makita?

The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon