3

685 30 3
                                    

3 Kabanata: Hapunan

Velvet Victoire, the point of view.

Nagising ako dahil sa isang haplos ng malamig na kamay sa mukha ko. Hindi ko pa minulat ang mga mata ko dahil pinakiramdaman ko muna kung sino 'yon. Hindi naman si tita Aivy 'yon dahil masyadong malaki ang kamay na 'to. Kung kay tito Mig naman--

"You're awake. Stop playing dead." Napamulat ako nang wala sa oras. "Nandito ka sa Mortimer mansion, to be exact. At kung marami kang tanong, mamaya mo na 'yan itanong at lumabas ka, pumunta ka sa kusina at nagluluto pa si Lily doon."

Hindi na ako nakasagot pa at bigla nalang siyang naglaho sa harap ko. I wasn't scared though. Parang nasanay na akong susulpot at mawawala nalang sila bigla sa harap ko.

Is that how vampires do? I never imagine that they do exist. Akala ko sa mga pelikula o di kaya ay libro ko lang sila makikita. I've read about them from the novels that I used to read. For example, Twighlight. Pero hindi ko aakalaing iikot ang buhay ko sa storyang 'yon.

Bumangon ako mula sa kama at naglakad patungo sa pinto. Same red baggy dress and black lace sandals pa rin ang suot ko. Naka-braid ang buhok kong nahati sa dalawa na sinampay sa magkabilang balikat ko.

Medyo nangilabot ako sa paligid. Wala man lang kahit isang ilaw. Puros lang mga torchlight sa magkabilang hallway lang ang meron. Masyado ring mahaba ang pasilyo kaya hindi ko masisilawan kung hanggang saan 'to paroroonan.

"Holy cheese!" Napahawak agad ako sa dibdib ko nang sumulpot bigla si Jake sa harapan ko. "Ano ba?!" inis kong bulyaw.

People in here don't know anything about personal silence. Ay teka, walang konek?

Kumunot naman ang noo ko dahil bigla siyang humagikgik. Then I remember... bampira sila. Nakakabasa ng isip.

Nakakabasa ba talaga sila ng isip? 

"You've never changed, Vel. At is pa, ako si Jace," umayos siya ng tayo pero kita ko sa mukha niya na nakangisi. "Ang kakaiba sa kambal ko, pangit siya at seryoso. Ako naman, gwapo at--"

"Pangit na makulit. Kung pangit ang kambal mong si Jake, then pangit ka. Same kayo ng mukha," nakapoker face na putol ko sa kaniya. Bigla nalang siyang sumimangot kaya napairap ako.

Although no, hindi siya pangit. Sobrang ganda ng features niya na aakalain kong isa siyang artista.

"Don't you know that vampires can hear thoughts?"

Bigla akong napaatras dahil nakangisi siyang lumapit sa akin.

"Wait, totoo nga ba ang mga bampira?" tanong ko agad para mapahinto siya.

"Yep. At isa na ako doon, ang gwapong bampira," sabay kindat pa niya. Napangiwi ako at tumawa naman siya. "Tara na doon sa kusina. Mali naman ang pinuntahan mo."

"Sorry naman."

༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚༊*·˚˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊˚·*༊

Nakarating kami sa dining hall. Nakahanda na ang mga pagkain sa napakahabang hapag-kainan. Hindi na kami tumuloy sa kusina dahil tapos na raw magluto si Lily. Nagtatampo pa nga siya dahil ayaw niyang walang manonood sa tuwing nagluluto siya.

"Have a seat."

Bigla nalang akong nagulat dahil nagsulputan ang mga hindi ko kakilala, pwera nalang kay Jake, Jace, Lily and Sasha. Tapos si Therese na nakatayo lang sa gilid ng isang magandang babae.

"Velvet, bawal paghintayin ang grasya. Come and have a seat with us."

Nagising nalang ang diwa ko dahil nagsalita ang magandang babae na katabi lang ni Theresa. Pati boses niya, napakaganda pakinggan.

"Opo."

Kahit hindi ko sila kilala at wala akong alam sa nangyayari ngayon dito, sumunod naman ako sa utos niya. Medyo maotoridad kasi ang pagkakasabi niya kaya natatakot ako. Tapos 'yung katabi pa niyang lalake, masyadong seryoso. Tapos 'yung kaharap ko, hindi ko mawari kung si Jake ba o si Jace. They're no different.

Napatingin ako sa isa pang Jake o Jace na katabi din ng Jake o Jace na kumakaway sa akin at nakangiti.

Oh. Siya si Jace, si Jake ang kaharap ko na masyadong seryoso kung makatingin. Tapos ang katabi ko ay si Lily na katabi naman si Sasha na ang sama ng timpla sa mukha. Katabi naman ni Jace ay ang isa pang lalake na hindi ko pa kilala.

"Velvet, hindi mo ba talaga kami natandaan?" tanong ng babaeng nasa dulo ng table. They started to eat those uncooked meats tapos may red wine pa silang kasama. Ako lang ata ang may orange juice, tubig sa water goblet at cooked steak sa pinggan.

"Hindi...?"

Narinig kong tumawa ang babae at uminom saglit ng red wine--or should I say, blood? Sabi nga nila, bampira sila.

"Kung hindi pa, we'll introduce one by one. Ako si Bella Mortimer, ang kanilang ina."

Halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig. Mabuti naman at nalunok ko agad at kung hindi, kay Jake 'yon mapupunta.

Seryoso ba siya? Sa ganda niyang 'yan at sa bata niyang 'yan, isa na siyang ina ng, like, limang 'to?!

"And beside me is my husband, si Edward Mortimer, their father."

Gusto kong pumalakpak sa mga jokes nila. Pero, anak ng tilapia, mukhang seryoso sila dahil hindi man lang tumawa si Jace o ngumiti.

"In front you, he's my eldest son, si Jake. Our heir. Beside him is Jace, his twin brother."

Yeah, kilala ko na sila.

"Kasunod naman ni Jace ay si Drew. He may be the spoiled brat but he have a soft heart inside." Napatingin ako sa katabi ni Jace. Medyo masama ang tingin niya sa akin pero agad din niyang binawi ang tingin niya at nagpatuloy sa paglantak ng pagkain niya.

"Ang kasunod naman ni Drew ay si Sasha. At ang pinakabunso ko, si Lily."

Okay, hindi nga siya nagbibiro. Masyado silang seryoso. At mukhang ako lang ata ang hindi pa ginagalaw ang pagkain dahil hindi ako komportable na lantakan iyon. But I appreciate Lily's cooking dahil kahit papaano ay may alam siyang lutong pagkain. Kasi kung hindi, ewan ko nalang kung ano ang ipapahanda nila para sa 'kin lalo na't mukhang sanay sila sa raw meat.

"And Velvet, Lily will accompany you later. Pwede kang magtanong sa kaniya about sa nangyari. About sa Tita at Tito mo and why you're here. My husband and I are very busy lately kaya hindi ka namin maasikaso the way I planned it."

Tumango ako at napagpasyahang kumain kasama sila. I cut the steak and took a bite. Sobrang tahimik ng buong dining hall at tanging ang pagnguya, ang tunog ng mga utensils na tumatama sa plates at ang pagbaba ng goblet at wineglass lang ang maririnig.

I cut the steak once again and ate it. Sa huling paghiwa ko ay biglang tumayo si Lily dahilan para masagi niya ang siko ko at imbes na sa karne ko 'yon hihiwain, napunta sa kaliwang daliri ko 'yon.

"Shit," I hear Drew mumble.

"Oh my fangs, I'm so sorry, Ate!" Lumapit kaagad sa 'kin si Lily at hinawakan ako sa kamay pero laking gulat ko nang biglang namula ang pares ng mga mata niya. And she's shaking. Para bang nagrereists siya sa kung anumang iniisip niya.

"Jake! Get Drew!"

Sa isang iglap, biglang inilayo mula sa 'kin si Lily at sa Jake naman ay pinipigilan si Drew. Someone grabbed me by my wrist at kinaladkad ako pabalik sa kwartong pinanggalingan ko.

"Velvet, linisin mo muna 'yang sugat mo at takpan." Jace handed me a red pouch na may tatak na first aid. I immediately open it and went to the bathroom para linisin 'yon gamit ng tubig.

Oh God. Mga bampira nga pala sila. This tiny wound can attract them. I could've died back there.

Halos mapatalon ako nang makarinig ako ng lagabog mula sa labas. I heard Jake cursing to Drew. Nagkagulo sila nang dahil sa 'kin. Nang dahil sa dugong lumalabas mula sa kamay ko.

Fuck, ano ba 'tong pinasukan ko? One moment I was at my room, decorating. Seconds later, may pumasok sa kwarto ko na hindi ko kilala. And then I'm here.


The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon