24

228 11 11
                                    

24 Kabanata: Where's Sasha?

Velvet Victoire, the point of view.

Hindi ko aakalaing sasama ako sa mga taong sinabi ng mga Mortimer na layuan ko.

Not because I want to be with them, kundi dahil gusto kong mas maalala ang lahat. Gusto kong malaman kung ano ang rason ng mga shadow wraith kung bakit gustong gusto nila akong kunin at kung bakit pinoprotektahan ako nang husto ng Mortimer.

Bigla kasing bumalik ang ala-ala ko kung kailan sila nagpakita sa akin and begged for me to come back with them.

Come back. Far from what the Mortimer would always say that I came back.

Gusto kong malaman kung ano ang intensyon nila. Gusto kong malaman kung bakit gusto nila akong bumalik gayong wala naman akong maalala tungkol sa kanila.

"Let's go." Ani Douglas.

Gusto kong maawa sa kanila lalo na kay Jake. He's looking at me na para bang nagmamakaawa na babalik ako. He's studying my gaze yet I did not let him read me. 

Alam kong bigla-bigla ang decision ko. But this is the way to remember them all and everything.

Nagpaalam ako kay Lily na susunod lang ako sa kanila. I took of the pendant out from my chest tsaka iyon itinapon.

Dumaan ako sa likod ng mansyon para hindi nila ako makita tsaka ako nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan huli kong naalala.

It's a tree house near the forest. Hindi ko alam kung ba't ako pumunta dito but something urged me to go here. Tila ba isang senaryo ang pumasok sa isip ko at parte ito ng nawala kong alaala.

But the scene that I can only remember is that I was barely moving, and I'm lying on some soft cushion and someone carried me at nilayo ako sa lugar na 'to.

I don't know pero parang... parang sanggol pa lang ako base na rin sa eksena. Someone carried me kaya posibleng sanggol lang ako noon at walang kamuwang-muwang sa nangyari.

Nang makatapak na ako sa loob ng tree house ay natigilan ako dahil may lalakeng nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. He slowly turned at me at mas lalo akong natigilan at nagsimula ng lumambot ang tuhod ko sa takot.

"Douglas." It's him. That's the name that I can only remember.

Huminga ako nang malalim at sinubukang lumayo sa kaniya ngunit natigil ako dahil nakita ko siyang nakangit. Ngiting hindi umabot sa mata.

"Tama nga ang hinala kong pupunta ka rito, Velvet." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"What?"

Lumapit siya sa akin tsaka ako niyakap.

"Kay tagal naming naghintay upang bumalik ka... Alam kong babalik at babalik din ang alaala mo..." bulong niya habang mahigpit ang pagkakayakap sa 'kin na tila ba ay nangungulila ito sa 'kin.

Hindi ko nakuha ang sinasabi niya. Ang gulo.

What is he talking about? May gusto ba siyang iparating?

Lumayo na siya sa pagkakayakap tsaka matamlay na ngumiti.

"Ilang siglo kaming naghintay sa 'yo. Ngayong nandito ka na, sa tapat ko, kayakap ko, wala na akong ibang hinihiling kundi ang magpasalamat sa bathala," nakangiting sambit niya.

And a plan pops up inside my head. That's where I found myself smiling even though it wasn't because of him.

"Tara na." Kumapit sa braso ko si Leona na syang biglang pumukaw ng atensyon ko.

The Last EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon