Magkaiba ang nang-iwan sa iniwan.Nang-iwan– /nang-ih-wan/ may dalawang choices kung bakit nang-iiwan. Nang-iwan kasi hindi ka na niya mahal o di ka naman niya talaga minahal at nang-iwan dahil takot na may masaktan.
Iniwan– /inih-wan/ ang taong nasaktan at umasang babalik pa, kahit alam niyang malabo na.
Hindi naman kasi mawawala yan. Kung may nang-iwan, may iniwan. Kung may masaya, may nasasaktan. Masakit maiwan lalo na kung biglaan. Hindi mo alam kung bakit siya nang-iwan, at kung anong dahilan. Di man lang nagpaalam. Dibale wala naman palang kayo. Bakit kailangan masaktan?
Hihintayin mo siya kahit alam mong malabo na. Masakit umasang babalik pa siya kasi naguguluhan ka kung bakit siya nang-iwan ng walang dahilan. Ikaw naman tong nang-iwan, masaya ba? Tama ba? Kamusta naman? Okay ka lang ba? Nasaktan o masaya? Napakasakit lumimot ng mga dating usapan at napagsamahan, pero mas masakit kung ikaw ang kinalimutan.
Kinalimutan at binaon na sa limot. Old conversation niyo na lang ang magpapakilig sayo, hanggang sa maalala mong past na nga pala yun. Kailangan mo na ring mag move on; nasa kaniya na lang kung babalikan ka pa niya sa future.
Ayaw mo ng habulin kasi alam mong wala ka namang magagawa. Matagal rin bago niya napag-isipang iwanan ka. Pero siguro may sarili siyang dahilan, na hindi ka na niya kailangan, kaya ka na lang kinalimutan. Panandalian nga kuno. Iniwan. Umasa. Nasaktan.
Tandaan: Hindi lahat ng iniiwan, binabalikan. Minsan wag mo ng balikan, lalo na ang nakaraan, lalo ka lang masasaktan.
Ganiyan din ang iba, wag kang magalit na ikaw lang ang iniwan, marami kayo, wag mo solohin. Wag gahaman, kaya ka nasasaktan eh. Idaan mo na lang sa isang pasadang iyak, sabay ngiti. Wag lang sobrahan baka iba ang kalabasan. Mag-ingat.
![](https://img.wattpad.com/cover/88491560-288-k732226.jpg)
BINABASA MO ANG
Libro ng Umaasa [COMPLETED]
ChickLitIsang libro para sayo, sa katulad mong umasa. Buong akala mong sayo na, pero hindi pala talaga. Gumising ka na. Panaginip lang ang lahat -for short guni guni mo lang. Nasa mundo ka ng hindi kapani-paniwala at siguradong naranasan mo na ang umasa. Na...