Ikapitong Chapteryo

258 12 0
                                    


Paano kung ikaw pala ang paasa?  Paano kung pinaasa niya ang tulad mong isang paasa?

Malay mo naman, hindi mo lang pansin na mas paasa ka pala kesa sa kanya. Karaniwan sa mga ganitong trahedya o aksidente sa pagmamahal ay nagsisimula sa MKCMK a.k.a Message Kita, Chat Mo Ko, tipong hi niya pa lang high ka na talaga. Dito kadalasan nagsisimula ang mga unang landian na pwedeng lumago kung mapapangalagaan.

Sa panahon natin ngayon, hindi natin alam ang bawat kilos ng bawat isa. Karaniwang hindi nga natin sigurado ang bawat nararamdaman natin. Sa ganitong kalagayan, sa pagigng friendly mo at niya ang magiging susi para mabuksan ang oras ng bawat isa.

Gawin nating step by step ang pwedeng mangyari:

Step 1: Magchachat siya sayo ng "hi o hello" at magrereply ka naman kasi natitipuhan mo siya.
Step 2: Magkakaroon ng tawanan, iyakan, selosan, kiligan at landian sa pagitan niyo.
Step 3: Parehas na kayong masaya kausap ang isa't isa.
Step 4: Dumating ang araw na na-fall siya sayo at umamin sa sobrang nakakakilig na paraan. Pero ang hindi niya alam na hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa kanya.
Step 5: Hindi mo alam yung gagawin mo, o yung magiging feedback mo sa sinabi niya, at nagtapat ka na hanggang kaibigan lang pala kayo.

Karamihan naman sa mga tao, pabago bago, madalas paasa, pero minsan paasa lang talaga. Minsan try mo naman mapagod magpaasa bes. Bigyan mo ng halaga ang bawat taong napapaasa mo. Pero mag-ingat sa mga taong umasa at pinaasa, baka hindi mo akalain na ang pinapaasa mo pala ay mas paasa pa sayo.

Tropang advice: Dumaan ka muna kayo sa GTKEO a.k.a Getting To Know Each Other, hindi yung biglaang mahal mo na agad. Tandaan mo lang na ang pagmamahal hindi mo dapat hinahanap, ang pagmamahal ang kusang maghahanap sayo, wag ka lang atat. Wag masyadong madaliin ang isang bagay kung ikaw mismong paasa ay pwede ding paasahin. Walang imposible, pero dapat maging responsable.

Mahalin mo kasi mahal mo, hindi para paasahin mo. Kung ayaw mong paasahin ka, wag kang magpaasa. Try mo rin paasahin yung sarili mo para malaman mo naman ang pakiramdam ng masaktan.

-- x --

OMG THANK YOU SA MGA SUMUSUPORTA NG LIBRO NG UMAASA. Di ko siya inexpect actually, biglaan ko lang tong nagawa, and I'm so thankful na maraming nakakabasa and nakakarelate. But wait there's more, marami pang chapteryos ang aabangan! Kyahhh

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon