Ikalimang Chapteryo

404 8 1
                                    


Alam mo bang may iba't ibang klase at uri ang mga umasa at umaasa?

Tulad lang ng kape, may iba't ibang lasa. Madalas mapait, parang mukha niya. Madalas matamis, parang namuong diabetes. Madalas creamy o white, hindi ikaw yon, barako ka wag assuming.

MGA KLASE NG UMAASA:

• Umaasang crush din siya ni Crush.
—Ayon sa mga ekperto na ang mga ganitong tao ay kailangan na ng matinding pagsusuri at kailangang magpatingin na sa doktor. Sa madaling salita "Gumising ka! Wag assuming." Wag kang mag ekspek ng mas mataas pa sa height mo. Lalo kang liliit. Kung crush mo man siya at crush ka rin niya edi mag crush-an na lang kayo. Pero kung crush mo siya at hindi ka sure o di ka naman talaga niya crush, mag-aral ka na lang mabuti. Atlis mas tataas pa grades mo kesa sa mga expectations mo.

• Umaasang makakabawi kasi bumagsak.
—"Babawi talaga ko sa susunod" Oo teh unlimited ang "susunod" pero kung puro salita ka lang, ikaw lang din ang masasaktan. Kumbaga para mong sinabihan ng "I love you" ang sarili mo, pero di mo naman pinaparamdam. Ganon mo paulit-ulit na sinasaktan ang sarili mo. Aral mabuti, labyu.

• Umaasang may magsusurprise sa kanya sa birthday niya.
—Ito kadalasan ang pinagmumulan ng FO o Friendship Over. Yung kaibigan mong ita-tag ka pa sa facebook o sa kahit ano man, tapos may caption na "Kahit ganto lang sa birthday ko." Ano teh? Mukha kong may pera? Pero magrereply ka na lang ng "Sige" tapos hindi naman talaga. Umasa ka lang. Treat mo na lang sarili mo sa Tuhog tuhog.

• Umaasang may pasalubong sa kaniya galing abroad.
—Inaabangan ang balikbayan box kasi feeling niya may uwi sa kaniyang iPhone o kaya nike shoes. Pero ang totoo sa pagbukas mo ng balikbayan box, magigising ka sa katotohanan na chocolate nanaman. Pero ang masakit pa, minsan walang chocolate, puro sabon, lotion, deodorant, toothpaste ft. toothbrush at minsan shampoo lang. Ang sakit diba. Parang sinasampal ka ng katotohanan na linisin mo muna ang sarili mo. Maligo ka araw araw. Ang sweet.

• Umaasang maraming pagkain sa ref.
—Yung may pa-goals goals ka pang nalalaman pero isda lang naman laman ng ref nyo. Minsan may manok pa at baboy, kaso hindi luto. Pero ang masaklap, wag assuming teh! Wala kayong ref.

• Umaasang magkakaboyfriend or girlfriend.
—Ito ang mga taong kailangang mag-aral muna mabuti para yumaman at magsimba araw-araw, humingi ka ng tulong kay Lord hindi sa bestfriend mo para magkaroon ka naman ng magandang love life.

• Umaasang hindi siya paaasahin.
—No comment.

Marami pa sana, kaso nakakatamad. Alam mo na naman siguro kung ano ano pa. Malaki kana, kaya mo na sarili mo. Umasa ka lang ng umasa. Dahil ipapanganak ka pa lang, umaasa kana. Umaasa kang gwapo o maganda ka. Kaso wala, baby ka pa lang sanay ka ng umiyak. At buti pa noong sanggol ka pa lang kasi may tumatawag sayong "Baby"

...

----x.
This book is originally published by @vanerries

Spread love, kahit di ka niya love

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon