EXTENDED HEARTACHE: Labing Isa

34 1 0
                                    

11 na oras.

11 beses na pintig ng pulso.

11 beses nagmahal.

11 beses nasaktan.

11 beses pinaasa.

...tila ang lahat ay hindi tumutugma.

Isa.
Isa lang ang puso mo, at isa lang ang pwede mong bigyan ng puwang sa loob nito.

Dalawa.
Dalawang minuto mong pinipigil ang hininga mong pilit mong ilabas sa tuwing nakikita mo ang ngiti ng taong minamahal mo.

Tatlo.
Tatlong bulaklak na rosas ang binibigay mo, at pilit nitong sinasabi sayong "mahalin mo ako"

Apat.
Apat na beses kong pinigil ang bawat patak ng ihi ko tuwing kasama kita, kasi ayokong masayang ang oras nating magkasama.

Lima.
Limang piso na lang ang natitira sa wallet ko, pero kapag kasama kita, parang mas maswerte pa ako sa isang milyonaryo.

Anim.
Anim na taon na sana tayo, kaso di mo pa nga pala ako sinasagot.

Pito.
Pitong araw kitang chinachat, at halos isang Linggo bago mo ko reply-an.

Walo.
Walong hakbang patungo sa ating tagpuan, ngunit parang pinipigilan tayo ng tadhana.

Siyam.
Siyam na araw kong iniisip sa loob ng isang buwan ang kalagayan mo, kung nalulungkot ka ba o nagagalit.

Sampu.
Sampu hanggang isa, binilang ko ng pabaliktad, ngunit bakit pagdating ng...

Labing-isa.
Labing-isa ay sumobra, hindi tumugma sa tamang bilang ng pintig sa bawat pulso ng pusong tunay na magmamahal. Tila nagbago ang lahat at pagdating ng dulo ay naiwan din akong nag-iisa.

x- - - - - - - -
Salamat sa mga patuloy na sumusuporta ng Libro ng Umaasa!
(/^v^)/ huggggs!

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon