Nasa iyo na ang korona. Umasa, pinaasa, at patuloy na umaasa.
Panahon na, para ipasa mo naman sa iba. Ang sabi nga nila "kung may problema ka, mandamay ka para may problema din ang iba."Pero sa panahon ngayon, hindi na bago sa nararanasan ng taong tulad mo ang magkaroon ng problema, at lalo na sa pag-ibig (tsaka na yung pera) para sa taong hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asang mamahalin ka pa rin.
Eh ano kung umaasa ka pa rin sa taong di ka naman mahal?
Eh pake ba nila? Sila ba yung masasaktan?Oo, sa ngayon hindi ka mahal niyan, oo sa una walang pake sayo yan, oo hindi ka pinapansin nyan, oo di ka crush nyan, oo na lahat na. Pero hindi sa pag-aassume, may nalaman akong kwento na nanggaling pa sa lolo ng mga lolo ng mga lolo mo. Sa kwentong ito, hindi na kita aawayin, gusto kita tulungan at gusto kong may matutunan ka, maikli lang ito at sana naman bigyan mo ng konting parte diyan sa oras mo...
Prof: Mr. Gomez, nahahalata ko atang lagi kayong magkatabi ni Ms. Cortez?
Gomez: Opo nga po sir.
Prof: Hm... Gusto mo ba siya?
Gomez: Huh? Ano sir? Paano niyo naman nalaman???
Prof: Asus, halata naman sa kilos mo.
Gomez: Eh ayun na nga po sir, kaso may boyfriend na siya.
Prof: Ganon ba? Pero mahal mo ba?
Gomez: *napatungo* Ah oo naman sir, sobra.
Prof: Good. Edi ipaglaban mo, mahal mo diba?
Gomez: Huh oo nga po, pero pano?
Prof: Tulad mo din ako dati, ganyan din ako. Alam kong mahal na mahal ko siya, kaya hindi ako sumuko, ipinaglaban ko yung nararamdaman ko, kahit hindi ko alam kung mahal niya rin ba ako kasi may iba siyang gusto noon.
Gomez: Ah-eh anong nangyari sir?
Prof: Noong una, hindi niya alam ang nararamdaman niya para sa akin, pero doon ko unti unting nararamdaman at nakikita na ang pagmamahal kaya ding pag-aralan. At doon ko natutunang ipaglaban ang pagmamahal, dahil sa kanya.
Gomez: Eh sir, nasaan na siya?
Prof: Tuwing umuuwi ako, lagi ko na siyang kasama. Asawa ko na siya.
Prof: Kaya ikaw, ipaglaban mo yang nararamdaman mo basta alam mong mahal mo.
Moral lesson: Humingi ng payo kay Prof. Joke!
Moral na moral lesson: Hindi masamang UMASA at MAGMAHAL, ang importante magtitira ka ng konti para sa sarili mo at ipaglaban mo kung alam mong tama at karapat-dapat ipaglaban. Wag mawalan ng pag-asa.
ANG SAMPUNG UTOS NG LIBRO NG UMAASA:
1. WAG UMASA NA MAY FOREVER.
2. WAG UMASA SA MGA PURO SALITA LANG.
3. WAG UMASA SA PURO PANGAKONG LAGING NAPAPAKO.
4. WAG UMASA SA PANGONGOPYA, MINSAN MALI SAGOT NYAN.
5. WAG UMASA SA MABILIS NA REPLY NYA, WALANG KAYO.
6. WAG UMASA SA "PENGE" AT "LIBRE"
7. WAG UMASA SA LAGING TEXT, PURO PASALOAD ALAM NYAN.
8. WAG UMASA SA MARAMI NG PINAASA.
9. WAG UMASA, WAG TATANGA-TANGA.
10. WAG UMASA, MASAKIT DIBA. UMASA SA TAONG MERON PANG PAG-ASA."WALANG FOREVER."
---THE END---
BINABASA MO ANG
Libro ng Umaasa [COMPLETED]
ChickLitIsang libro para sayo, sa katulad mong umasa. Buong akala mong sayo na, pero hindi pala talaga. Gumising ka na. Panaginip lang ang lahat -for short guni guni mo lang. Nasa mundo ka ng hindi kapani-paniwala at siguradong naranasan mo na ang umasa. Na...