Alam mo sa sarili mo na umasa kana. Mahiya ka naman oy kung ipagkakait mo pa sarili mo, nakakahiya naman sayo.Masakit bang umasa?
Takot kang magmahal o takot masaktan?
Parehas lang ata ang magmahal sa masaktan.
Wag umasa ng sobra, dahil minsan ang mga umaasa, nawawalan ng lasa. Tipong dating may asim ka pa, ngayon wala na . . .
"Wag umasa, nakamamatay."
Unang una, wag kang umasa kasi kapag umasa ka, edi umasa ka, wala naman kaming magagawa kung umasa ka kasi buhay mo yan. At ayun ang unang punto; "Buhay mo yan, bes. Wala kaming pake". Kung gusto mong paniwalaan ang mga sinasabi niya o mga pinapangako niya bahala ka, kasi love life mo yan at walang ibang magdedesisyon niyan kundi ikaw.
"At ang iyong laging tatandaan; may mga salitang parehas bigkasin, ngunit iba ang gustong iparating." Different meanings kuno, ito ang mga kadalasang unang nagdadahilan kung bakit ka umaasa. Isa lamang itong paalala sayo para makaiwas sa kumakalat na sakit na mabasag ang puso kung tawagin.
Magkaiba ang . . .
• "Love you" sa "I love you"
—Kadalasang chat o sinasabi niya sayo, pero hindi mo lang alam na tinatamad na siyang sabihin sayong mahal ka niya o kaya ikinahihiya niya sa iba na ikaw ang taong mahal niya. At sa maikling salita, "Mahalin mo ang sarili mo"• "Bye" sa "Goodbye"
—Ang "Bye" akala mo Be right back lang. Akala mo lang. Hindi mo mamalayang unti unti na siyang lumalayo. Unti unting nawawala at di nagpaparamdam hanggang sa maghintay ka sa kanya at para kang naghihintay na pumuti ang uwak. Umaasa kang babalik siya. Kahit alam mong wala ng pag-asa.• "Kain kana" sa "Kumain kana?"
—Kumain ka na raw sabi niya. Pero ang totoo tinatamad na siyang kausapin ka at kahit magreply ka pa ng "Brb", magsi-"sige" na lang siya, at pagbalik mo wala na, umalis na siya. Ang sweet diba.Iilan lamang yan. Kaya wag kang papakasiguro. Mag ingat sa mga salitang bibitawan. "Every word can change anything." Sa isang salitang bibitawan maaaring baguhin ang lahat. Hindi lang buhay mo, dahil kadalasan ng mga namomroblema nandadamay ng iba. Kaya ikaw rin mag ingat ka. Ingatan mo yang puso mong mahulog. Iisa lang yan, di mo kayang palitan. Di tulad niya mabilis magpalit at mabilis maghanap ng bago.
Wag mainip kung wala pang lablayp. Easy ka lang. Mahaba pa oras mo. Wag mong iisiping nagkakaubusan na. Wag ganon oy. Enjoy mo lang pagiging single. Masaya, hindi nasasaktan at higit sa lahat walang break up. At lalong wag umasa sa taong alam mong wala kang pag-asa.
Oh. Gusto mo pang masampal ng katotohanan? Ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa. Dyan ka liligaya.
...
----x.
This book is originally published by @vanerriesSpread love, kahit di ka niya love
BINABASA MO ANG
Libro ng Umaasa [COMPLETED]
Genç Kız EdebiyatıIsang libro para sayo, sa katulad mong umasa. Buong akala mong sayo na, pero hindi pala talaga. Gumising ka na. Panaginip lang ang lahat -for short guni guni mo lang. Nasa mundo ka ng hindi kapani-paniwala at siguradong naranasan mo na ang umasa. Na...