Pangalawang Chapteryo

746 11 0
                                    


Paano mo malalamang pinaasa ka?

• Una, umasa ka.
• At pangalawa siya, isang paasa.

Hindi masamang magbigay ng meaning sa mga bagay, pero hindi ka isang dakilang diksyonaryong responsiblidad na bigyang meaning ang bawat salita niya. Hindi ka martir. Usong maging happy go lucky without love life. Pero kung maharot ka talaga sige lang. Buhay mo nga yan.

Pero alam mo ba, nakakasira ng ulo ang mundo. Oo hindi masamang magbigay ng kahulugan sa lahat ng bagay pero kung binigyan mo ng kahulugan lahat, parang umasa ka naman or assuming ka lang talaga. Pero kapag hindi mo naman binigyang kahulugan, manhid ka naman. At ang hirap namang mamimili ka lang ng mga bibigyan mo ng kahulugan dahil wala namang kasiguraduhan kung mababasura lang o magiging suckses. Ay mali, success pala. Ang labo no'. Parang kayo, malabo talaga.

Malalaman mong umasa ka kung . . .
Naniwala ka sa mga sinabi at pinangako niya na hindi naman natupad. Akala mo totoo feelings niya sayo, pero para sa iba pala ang feelings niya. Akala mo ikaw tinutukoy niya sa mga status niya, pero may girlfriend na pala siya. Akala mo sinusundan ka niya sa pag uwe, pero ang totoo bagong lipat na kapitbahay niyo lang pala siya. Akala mo mangyayari sa buhay mo ang mga nakakakilig na love life sa mga nababasa mong mga stories (gumising ka!). Akala mo crush ka niya kasi lagi siyang tumitingin sayo, pero ang totoo napapangitan siya sayo. Akala mo crush ka niya kasi lahat ng post mo ni-like niya, pero trip niya lang pala mag flood likes, para i-flood mo rin siya. Nakita mo siyang bumili ng flowers and chocolates, akala mo para sayo, pero engot ka lang talaga di mo naalalang mother's day lang pala, at para sa nanay niya yon. At higit sa lahat nasaktan ka.

Nasaktan ka kasi tao ka. Depende na lang kung barbie ka. Lagi ka lang nakangiti and pretending anything is alright.

"No one said you have to be happy"
-Nasaktan ka na nga tatawa ka pa? Ano baliw lang teh? We all humans. And humans can hurt. Pero ibang usapan na kung si bes ang tinutukoy mo, oo minsan mukhang pagong yan, pero nasasaktan din ang mga pagong. Kaya wag mong sasaktan ang mga pagong, mas cute pa sayo yan. Pinapangarap mo na ba maging pagong? Kasi sila hindi umaasa? Kasi sila may protection at may shell? Pero hindi mo lang alam, hindi nga sila umaasa, pero parehas kayong nasasaktan.

Umasa ka nanaman? Umasa kang kapag naging pagong ka magiging masaya ka? Beri no. No. No.

"Tama na, di na kita papaasahin, joke lang!"

...

----x.
This book is originally published by @vanerries

Spread love, kahit di ka niya love


Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon