Ikasiyam na Chapteryo

214 11 0
                                    


"Kapag nagmahal ka, tanga ka"

Katagang lagi mong mababasa o maririnig kung kani-kanino, pero pangkaraniwan sa mga walang buhay pag-ibig. Maraming naniniwala sa mga sabi sabi na tulad nito, dahil nga maraming tao na rin ang nabiktima ng maling pagmamahal na humantong sa pagkawalan ng pag-asang magmahal muli.

"Wala namang mali kung magmahal ka, pero mali ang magmahal ka ng taong di ka naman kayang mahalin."

Maraming naniniwala na ang pagmamahal ay parang isang sugal, maraming tumataya, maraming nakikitaya, natatalo at nananalo, pero may isang layunin na mapalago ang isang bagay na alam nilang ikasasaya nila. Ganyan din ang pag-ibig, itataya mo ang lahat ng meron ka, kahit di mo alam kung mananalo ka ba o hindi, basta alam mo sa sarili mo na kahit isang beses naramdaman mo ang magmahal. At sabi nga nila, sa pag-ibig baliwala kung matalo o manalo, basta ang importante ay nagmahal ka at walang sinuman ang talo sa pagmamahal. Basta kung anong tinitibok ng puso mo sundin mo, pero dapat hinay-hinay lang. Magtira ka kahit konti para sa sarili mo.

"I love you po"

Salitang minsa'y mapanakit ng damdamdamin. Na kung sabihin ay parang "hello" na lang. Salitang minsa'y mahirap panindigan. Kaya kung sasabihin mo ito, dapat sigurado ka kasi maraming pwedeng mangyari o mabago kung hindi ka naman talaga sigurado sa nararamdaman mo. Nanloko ka kung sinabi mo yan ng di ka naman pala sigurado, hindi lang siya yung niloko mo, pati yung sarili mo. Kaya kung may gusto kang sabihin, maging tapat ka at maging seryoso lalo na kapag nagmahal ka, para seryosohin ka rin. At kung di naman pala siya seryoso "wag mahihiyang magtanong, baka umaasa ka lang pala sa wala"

"Ayoko na, tama na"

Mga simpleng letra at salita pero may malalim na kahulugan. Kahulugang kayang itigil ang bawat sandaling hindi kana nagiging masaya. Salitang pwedeng tapusin ang relasyon o koneksyon ng dalawang bagay. Itigil ang nararamdamang sa tingin mo ay bawal. Pag tingin na dapat ay tapusin na, dahil alam mong hindi ka na niya mahal. Na parang pagsakay ng jeep, o mga bus, may hantungan at nakadepende sayo kung ititigil mo na ba, dahil alam mong sukdulan na.

----x.
Malapit na mag 1k reads, maraming salamat sa inyo! And hope na maging close ko yung mga patuloy na nagbabasa nito. Mwaps!

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon