Ikaapat Na Chapteryo

463 9 0
                                    


Kilala mo na? Ang alin? Ang taong tinutukoy ng librong ito?

Oo, tama ka. Ikaw, ikaw na nagbabasa nito. Ang kwentong ito ay para sayo. Para sayo dahil iba ka at nakakabilib. Pero hindi ko sinabing umasa ka pa. Sige pa umasa ka pa. Mali. Kaya nag eexist ang mga umaasa dahil may mga nagpapaasa. Parang kaya merong magaganda dahil may mga panget. At may magandang dahilan para sa inyo kung bakit kayo ang pinaasa. Blessed pa nga kayo kung tawagin.

Blessed kayo kasi may mga taong paasa na patuloy napapaasa ng mga umaasa at ang mga umaasa ay nasasaktan. Nasaktan na blessed pa? Edi mananakit na rin ako ng iba para blessed din sila? Para lahat na tayo blessed ganon?

—Hinde, ang ibig sabihin na blessed ka dahil kapag nasaktan ang tao, patuloy na naghahanap yan ng paraan para makalimot, bumangon, magsimula at higit sa lahat matuto, matuto para sa sarili at hindi para sa kanya. Matuto ka!

"Learn from your past mistakes" kuno.
Parang pag bumagsak ka sa exams, patuloy kang magpupursigi dahil alam mong may patutunguhang maganda. Kung wala pa rin. Sige go lang because many try is unlimited. Kumbaga sa load sulitin mo lang hangga't magsawa ka, hanggang sa mapagod ka. Hanggang maubos. Para sayo naman yan and you deserve it.

Pero mali din yung sample ko kanina na kapag bumagsak ka sa exam, babawi ka. Nakadepende na rin kasi sa tao o sayo kung anong gusto mo. Ipagpapatuloy mo ba? O titigil kana? Umaasa ka pa ba? Umaasa kang papasa ka kung di ka nagpupurisigi?

Pero back to reality na. Wag magpakasaya. Dahil maraming klase ang mga umasa . . . Pero mas marami pagkakamali niya.

...

----x.
This book is originally published by @vanerries

Spread love, kahit di ka niya love

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon