Ikawalong Chapteryo

203 6 0
                                    


"Bestfriend lang kita diba?"
A spoken poetry by me.

Sa paulit ulit na pag-ikot ng mundo,
Ano nga bang titulo ng isang tulad ko para sayo?
Kailangan ko pa bang ituloy?
O kailangan ko na talagang lumayo.
Tuwing kasama kita, alam kong ako ang kasama mo,
Pero sa tuwing nakikita kita, alam kong iba ang nasa isip mo.
Hindi ko alam bakit ka ba ganyan,
At hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito,
Kapag kachat kita, di ko alam kung may kachat ka bang iba.
Di ko alam kung ano ba talaga tayo.
Yung tayo ba na mahal kita at mahal mo ako,
O yung tayo na ako lang ang nagmamahal at kaibigan mo lang ako.
Masakit kasi yung lagi tayong magkasama, pero parang wala lang,
Yung wala na parang may hangin lang,
Kaibigan mo siya, pero kaibigan mo rin ako.
Pareho kaming kaibigan mo, pero iba ang pagtrato mo.
Bawat luhang pumapatak sa mga mata ko,
Ikaw lang ang dahilan nito.
Ayokong ipagtapat, baka lalong hindi dapat,
Oo, nga pala, bestfriend mo ako,
At hindi kasintahan mo,
Wala naman tayong label,
At kahit kailan hindi tayo nagka-label.
At sana kapag nagmahal ka, wag na ako, iba na lang.
Nakalimot na ko, bestfriend lang kita.

Libro ng Umaasa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon