/joshuamax/
Enyere? hehehe. Here I am again, kuya josh at the house! I'll dededicate this chapter sa gumawa ng isa sa book cover nito. DevilishZycho, she is my virtual sister I met in the Q.E.D. Club. Arigato!
#riptypos
Votes and Comments are highly recommended!
"It's hard to wake up from a nightmare if you aren't even asleep"
- J.S.
===== Start =====
THIRD PERSON
Ang dalaga ay patuloy sa paglalakad pauwi mula sa kanyang eskwelahan patungo sa kanilang tahanan, tila ay may napansin siyang nakasunod sa kanya, kaya masbinilisan pa niya ang kanyang paglalakad, dahil na rin sa kanyang pagmamadali ay nalihis na pala ang kanyang dinadaanan at ito ay hindi niya na lubos makilala dahil hindi pa siya nagagawi rito, at dahil dito hindi niya na alam kung saan siya pupunta.
Ngayon siya ay nagtatago sa isang sulok ng isang madalim na eskinita na tila hindi man lang nadadaanan ng mga mamamayang nakatira dito at may umaalingasaw na amoy na nagmumula rito pero dahil sa kanyang kaba at takot ay tila hindi niya na ito napapansin.
Nakarinig siya ng mga yapak ng mga paa, kaya inihanda niya na ang kanyang sarili sa kung anuman ang maaaring mangyari.
" Twinkle... Twinkle... Little Star... How I wonder what you are?" likha ng isang nakakatakot na tinig na nagmumula sa babaeng nakayapak.
Nagulat ang dalaga sa kanyang nakita, nanlaki ang kanyang mata at tinakpan ang kanyang bibig, isang babaeng may hawak ng kutsilyo na nakasuot ng itim na dyaket, may kahabaan ang malakulay pilak nitong buhok na maihahalintulad sa kulay ng kanyang matalas na kutsilyo na pinalilibutan ng pulang likido.
Unti-unting humarap ang babae kung saan nakapwesto ang dalaga, kaya nakita ng dalaga ang mukha nito na mas labis niyang ikinagulat, isang sunog na mukha na tila'y naaagnas na base sa itsura nito.
"Up above the world so high, like a diamond in the sky." pagpapatuloy nito sa kanyang pagkanta habang naglalakad papalapit ng papalapit sa pwesto ni Winter, kaya mas nagsumiksik si Winter sa gilid ng eskinita at tila may naramdaman siyang bagay na nandoon.
"Nasaan ka na? Mahahanap din kita. Masarap, masakit, pero paniguradong magugustuhan ko ang gagawin ko sa'yo, pag nakita na kita." sambit nang babae at biglang tumawa na parang baliw at ito ay malademonyo.
"Kailangan ko lang naman ang kagandahan mo babae, kaya magpakita ka na sa akin at bubuhayin pa naman kita kaso wala ka nang mukha." karagdagang sabi niya matapos tumawa.
Ito ay labis na ikinabahala ng dalaga, nanginginig ang kanyang mga kamay, nangangatog ang mga tuhod dahil sa kaba , siya ay pumikit ng pagkatagal-tagal at dumilat muli, sa kanyang pagdilat nawala na ang imahe ng babaeng sumusunod sa kanya, kaya siya ay nakampante.
Matapos ang ilang minuto napagdesisyunan niya nang tumayo at umalis mula sa kanyang pwesto nang maalala niya ang amoy na umaalingasaw sa kanyang paligid, at nang medyo lumiwanag na ng kaunti ang kanyang paningin dahil nakapag saayos na siya sa dilim, ay halos gusto niya nang humiyaw at humagulgol sa kanyang nasaksihan, isang malamig na bangkay ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Mystery of Quarantine High (Volume 1)
Misterio / SuspensoIsang paaralan na nababalot ng misteryo, paaralang pinapasukan ng mga estudyanteng may bad records. Sa paaralang ito ay may isang klaseng pinakanatatangi, ang 10 - Zeus. Ang klaseng ito ay puno ng hiwaga at kababalaghan. Maraming misteryo ang nilala...