[ 04 ] Ang Paghahanda

328 15 3
                                    





/joshuamax/

 Tayo ay magbalik tanaw sa nakaraan hahaha. By the way 840+ reads na, salamat sa pagsuporta sa istorya!



MR. ACE

Kasalukuyan akong nasa labas ng lumang gusali upang makapagisip ng magandang laro, naaalala ko tuloy ung katangahan ni Ehdneth. Kung nagtataka kayo kung sino ako. Edi alamin ninyo.



===FLASHBACK===

Nasa bandang labas ako ng lumang gusali, at papadating na ang sasakyan ni X kasi may iniutos akong ipapatay sa kanya dahil inis na inis na ako sa babaeng iyon.


EHDNETH

Nandito ako, nakasilip sa butas ng pintuan ng isang lumang gusali, nakakatakot naman dito, mukha ngang kinidnap si ma'am, dahil na rin sa curious ako kung anong meron sa loob pumasok na ko, sanay na ko sa ganitong lugar kaya di na masyadong creepy, bakit ako sanay? Eh halos lahat naman ng 10-Zeus napabilang na sa jail.

Nilibot ko ang halos buong gusali at nakarinig ako ng isang matinis na sigaw. Teka! Boses yun ni ma'am ah. Lumapit ako sa lugar kung saan ko narinig ung sigaw. Isang pulang pinto, na may maliit na butas. Mas lumakas ang mga sigaw at tangis ng aking guro.

Sinilip ko ung butas a-at n-n-nakita k-ko a-ang a-aking guro, na nawalan ng m-malay napahawak ako sa aking bibig d-dahil tuwang tuwa ang lalaki sa p-pag saksak sa t-tiyan ni ma'am, nakatali si ma'am halos umagos ang- ang lahat ng dugo niya mula sa tiyan at lumuluwa ang kanyang lamang loob lalo na ung malalongganisang bituka ni ma'am. Muntik pa ko masuka sa pandidiri. kailangan ko na umalis dito. Kailangan 'to malaman ng principal, kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko.

Teka ung lalaking kumuha kay ma'am ay kaparehas na kaparehas ang katawan ni --.

May naramdaman akong matigas na bagay na humampas sa aking ulo hanggang sa mawalan ako ng malay.

" Masyado ka na kasing maraming nalalaman Ehdneth." sabi ng lalaki bago magdilim ang aking paningin.



MR. X


"Boss! Sino ang gusto mong unahin sa dalawang titser na pinakaiinisan mo sa room, si ma'am Jacildo ba o si ma'am Ocampo?" tanong ko kay boss.

"The latter." maiklling sagot niya, grabe ang cool talaga niya este ang lamig niya, teka ano ba English ng lamig di ba cool naman? AIsh bahala na nga.

Pumasok na kami ni boss Ace sa school, syempre di kami sabay para matakpan pa rin namin ang isa't isa, para hindi halata, hindi naman kami close eh.

Pag pasok ko ng room ang tahimik na nila at nakaupo na si Boss Ace sa dulo nakita ko sa bintana.

Kumatok ako sa room at binuksan ang pinto.

" Good morning ma'am, good morning classmates! Im sorry I am late. hehe." sabi ko takte si ma'am Ocampo pa talaga first teacher namin ngayon. Ang malas naman amp.

Mystery of Quarantine High (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon