V1 - Chapter 7: Hikari Atalea (Part 2)

230 8 0
                                        



ACE

I am now here in the hallway of this old building, nag-iisip kung sino ang next target, isang linggo na rin ang lumipas so... Hhhmmm bat nakakarinig ako ng footsteps? I follow the sound created by the footsteps hanggang sa biglang bumukas ang isang pader. Hindi pala ito pader, isa itong pintuang kahoy na nakadisguised bilang pader. Ow interesting isang lagusan.

Nakita ko ang isang pamilyar na babae at ito ay isa sa aking mga classmate. Hhhmmm mukhang ang isda na ngayon ang lumalapit sa mangingisda.

Pagkalabas ng babaeng kaklase ko, what is her name again? Hillary? Tikari? Ow nevermind. Nagmamadali siyang isara ito so may sumusunod sa kanya.

Sinuot ko kaagad ang aking maskara dahil baka makilala niya ako.

Napangisi na lang ako ng tumakbo ung babaeng kaklase ko, someone is following her and I think she is escaping it at di niya namalayan na nakatayo lang ako kaya bumangga siya sa akin at napaupo siya sa lapag.

Bigla namang may sumaksak sa pintuan nang lagusang nakasara at tuluyan na itong nasira, sinipa ng isa pang babaeng nakadyaket na my hawak nung kutsilyo ang pintuan kaya ang kahoy at nahati sa lapag at lumikha ng maingay na tunog sa pagbagsak nito.

Kawawa naman si Hilary wala na siyang kawala. I don't care kun ano tamang pagbanggit ng name niya. I have my own version.

"Oh my Queen ikaw pala yan" sambit ko sa babaeng nakadyaket.

" I am not your Queen " cold na sabi ni Queen at tinanggal niya na ang kanyang jacket. Ang ganda niya talaga.

"I-ikaw? B-bat mo to ginagawa sa mga kaklase natin" natatakot at garalgal na boses na sabi ni Hilary. Di talaga nag iingat tong si Queen ko wala siyang pake kahit Makita pa mukha niya.

"What do you care ba? Next ka na, masyado kasi kayong bida bida, kala mo naman maganda" pagtataray ng reyna ko.

"A-anong kami? K-kayo kaya yung bida bida!" Hhmmmm nagmamatapang pa ang Hilary

Sinabunutan ni Queen si Hilari sa buhok. Nakakatuwa naman, sige hahayaan ko na lang si Queen sa kanya.

Dumiretso na ko sa kwarto ni Amethyst.

"Oh Amethyst, ready ka na ba?" tanong ko sa kanya. Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Nakahanda na ang plano. /smirk;



THIRD PERSON

Kasalukuyang kinakaladkad ni Queen si Hikari gamit ang paghatak sa buhok nito. Si Hikari naman ay napapasigaw sa sakit at pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Queen sa kanyang buhok.

"Ano ba?! Nasasaktan ako. Aaaahhhh!!" pagrereklamo ni Hikari.

"Shut up! Tatahiin ko bunganga mo pag di ka tumahimik" galit na sambit ni Queen bago niya ihampas ang ulo ni Hikari sa pader na nagpawala ng malay ng dalaga.

"Oh tatahimik naman pala eh" sabi ni Queen.

"Ano kaya ang magandang klase ng pagpatay? Uhmm... Laslasan ko kaya siya tapos lalagyan ko ng alcohol? Oh kaya naman bibili ako ng piranha tas ilalagay ko sa batya, wala naman siyang malay di niya un mapapatulan. Ano kaya maganda?" sambit niya..

"Hmmmm bahala na nga si batman" sambit ni Queen.

[Present Time]


Mystery of Quarantine High (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon