/joshuamax/
Happy 700 reads! hahahaha. Yiieeee
"If you decide to just go with the flow, you'll end up where the flow goes, which is usually downhill, often leading to a big pile of sludge and a life of unhappiness. You'll end up doing what everyone else is doing."
THIRD PERSON
Makalipas ang isang araw, nananatili pa ring misteryo ang pagkawala ng pitong estudyante, na sina Amethyst, Ehdneth, Katniss, Mark, Lucian Kiefer, Sebastian at Senise.
Ang mga estudyante ay nagtipon tipon sa meeting hall dahil pinatawag sila ng kanilang punongguro upang mapag- usapan ang mga nangyaring kaguluhan kahapon.
Samantala, sa isang lumang gusali...
"Oh hawak mo na ba si Lucian." tanong ng isang lalaki sa telepono.
"Oo boss, dadalhin ko na siya dyan." tugon naman sa kabilang linya.
"Bilisan mo at nababagot na ako." pagkainip ng lalaki sabay kamot nito sa kanyang ulo.
"Sige po boss." sagot sa kabilang linya at doon natapos ang kanilang pag uusap.
Ibinaba na ng lalaki ang linya kanyang telepono at umupo sa kanyang couch.
Sa kabilang kwarto ng lumang gusali...
Makikita ang nakaupong lasog lasog na katawan ni Ehdneth. Nawawala ang isang balikat hanggang kamay. Labas ang bituka at iba pang lamang loob. Di na mawawari ang pigura ng kanyang mukha dahil tila parang nabalatan na ito. Natuyo na ang dugo sa kanyang katawan at siya ay pinamamahayan na ng mga insekto, tulad ng ipis at daga. Lumuwa na din ang isa sa kanyang mga mata habang ang isa ay sumabog na dahil tinamaan ito ng baseball bat na may nakapaligid na barbwire noong panahon na siya ay pinagpupukpok.
Katapat niya ang mga walang malay na mga kabataan, sina Amethyst, Sebastian at Senise, at may isa pang bakanteng upuan.
Bumukas ang pinto sa silid ng lalaki.
"Boss! Andito na." may hingal na boses na pagkakasabi ng may bitbit kay Lucian.
"Bat antagal mo? Dalhin mo na yan sa kabila at baka magising pa yan, makita pa niya ang mukha ko. Bilis!" medyo inis na pagkakasambit nung lalaki.
Nagmamadali niyang dinala si Lucian sa kabilang kwarto upang itabi sa mga kapwa nitong walang malay na kaklase, bale ito ay nakapwesto sa bakanteng upuang nakalaan sa kanila.
Samantala...
Walang malay na nakasandal sa isa't isa ang magkasintahan. Nagising ng nakatali ang mga kamay at paa nina Mark at Katniss, sila ay magkatalikuran. Sa isang madilim na kwarto.
Habang nakatayo ang isang pigura na tinitignan sila kung paano ang magiging reaskyon nila, sa oras na sila ay magising na.
"Oh! The sleeping couple, they finally wake up, kamusta kayo? Kamusta ang panaginip niyo? Maganda ba? Pwes this will be your worst nightmare." sabi ng pigura na gumagamit ng bagay na makapagbabago ng kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Mystery of Quarantine High (Volume 1)
Misterio / SuspensoIsang paaralan na nababalot ng misteryo, paaralang pinapasukan ng mga estudyanteng may bad records. Sa paaralang ito ay may isang klaseng pinakanatatangi, ang 10 - Zeus. Ang klaseng ito ay puno ng hiwaga at kababalaghan. Maraming misteryo ang nilala...