[ 02 ] Hide, Seek, and Die! (Part 3)

451 21 3
                                    





/joshuamax/

Happy 500 reads haha. I did not expect na aabot sa ganyan ang number ng reads kahit na nasa chapter 2 pa lang. I guess its a good start for a beginner like me. I love the scent, the taste of blood. Bampira yata ako. Okay enough with my nonsense entrance. Pero thank you sa all out support! I love you all.



"True love is not a hide and seek game: in true love, both lovers seek each other."



===== Start =====

THIRD PERSON


Dalawang oras na ang nakakalipas mula noong magsimula ang laro. Papabalik na ang ilang mga estudyante sa itinakdang lugar kung saan sila dapat magkita.

Nagugutom na ang dalawang kabataang sina Princess at Lucian kaya imbes na dumiretso sa oditoryum, ay napagpasiyahan nilang magpunta muna sa kantina. Malawak ang kanilang kantina, masasabing ito ay katumbas na ng 4 na silid-aralan kung susukatin.

Sila ay kukuha ng kanilang makakain ngunit wala ang mga nagtatrabaho dito ngayong araw sa hindi alam na dahilan, kaya sila ay kailangang magsariling sikap ngunit kagimbal- gimbal ang kanilang nasaksihan pagkabukas na pagkabukas nila ng pintuan.

Nanlaki ang kanilang mga mata. Nangangatog ang katawan ni Princess at muntik pa itong masuka samantalang si Lucian ay natulala at napaluhod, di makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"KYAAHHH!" matinis na pagkakasigaw ng dalaga.


Samantala...


Halos kalahati palamang ng mga estudyante ng seksiyon ng 10 -Zeus ang nakapunta na sa auditorium, kaya dito sila nagkita- kita dahil ito ay ayon sa  sinabi ng kanilang guro...

" Matatapos na ang laro, matapos ang dalawang oras, kinakailangan niyong pumunta sa auditorium ng ating paaralan upang malaman natin kung sino ang nataya at magaling magtago, mamaya ko na rin sasabihin ang papremyo ng larong ating isinagawa."

"Asan na ba ung iba? They are so so tagal naman." maarteng pagkakasambit ni Summer.

"Bat hindi ka na lang kasi mag intay." bulong ni Samantha sa kanyang sarili na mukhang narinig pa rin ng dalaga.

"Did you saying something?" sabay irap ni Summer kay Samantha, habang si Samantha ay inikot lang ang kanyang mata na parang nagsasabi na "Isn't it obvious?"

"Haist! Asan ka na ba brad? Bat di mo sinasagot mga tawag ko." halong inis at pag aalala ang nararamdaman ni Yves dahil kanina pa niya tinatawagan ang kaniyang matalik na kaibigang si Sebastian sa kanyang selepono, ngunit tila hindi ito sumasagot.

"F*ck! Baka kung ano na ginawa ng Sebastian na yun sa girlfriend ko. Sh*t. Sh*t. Sh*t." puro pagmumura ang lumabas sa bibig ni Sheol dahil tila wala siyang magawa, dahil pinagbawalan sila ng kanilang guro na tumulong sa iba upang makabalik. Nagtataka na ang karamihan dahil tatlumpung minuto na ang lumilipas matapos ang dalawang oras na pakikipaglaro nila sa kanilang mga kaklase.

Mystery of Quarantine High (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon