7. Crush

15 2 0
                                    

Nagready na ang lahat para manuod ng Batman Vs superman. Lahat kame ay manonood. Ayoko namang iwan si Mama dito sa bahay noh, tsaka gusto rin ng mga bata.

4:30 kame aalis kase alas 5:10 pa naman start ng dalawang Cinema sa mall. At ang lapit lng kaya ng mall sa bahay namen ,pede mo ngang lakarin eh.

Pero siyempre hindi kame mag lalakad noh, ang init eh, tsaka kahit 4:30 na ng hapon,  ang init paren nang sinag ng araw.

At siyempre ako ang tagal kong mag ayos, tagal ko kayang maligo. Dapat laging mabango at laging malinis.

Ganun kase yun, kakambal ng malinis ang maganda o gwapo. Kaya cyempre ako kinareer ko na talaga na maging malinis ako as much as possible.


Tsaka babae ako,  alangan naman mag dungis ako, NAKO AH!

“Ate matagal ka pa ba dyan? 4:30 na eh” boses ni Steve na kumakatok sa kwarto ko.

“Oo wait lng matatapos na ako” sabe ko naman.

Actually nakatapis pa ang aking gorgeous body ng towel pero may undergarments na ako ah, nako!

“Hay nako Ate, kanina pa yang matatapos na ako eh, tagal po!” Boses ni Clint.

Kahit kelan talaga tong mga kapatid ko napakareklamador.

Kasalanan nila at maganda at hygienic ang Ate nila ah, Nako!


“Wait nlng talaga bunso” sabe ko.


Actually wala pa akong napipili na dadamit ko kaya nag suklay suklay na muna ako ng hairlalu ko.

Hay bahala na , lahat naman yan magiging maganda ako pag sinuot haha!

So I pick flowery pink with white dress ko.  Maganda yung pagkakapink ah, carnation pink tapos medyo may katingkaran tapos yung flower eh kulay puti , knee length ko yun.

Cyempre nagcycling muna ako, baka makita pa ng mga tao ang skrupeypey ko. Swerte lng nila Choss.

Ganun naman talaga , tsaka mahangin magmumukha akong model ng Ph care nun.

Tapos tinernohan ko nlng siya ng white doll shoes ata yun basta para siyang casual shoes na bili ko pa sa merrell.

Tapos pabango ng aking pink na Victoria’s Secret na pabango.

Saturday kase kaya Pink. Kada araw iba iba pabango ko noh. Tsaka bili ko naman yun kaya ayos lng
May violet , tapos yung yellowish then pink.

Kala nyo as in araw araw iba iba ako ng pabango noh, Ang yaman ko naman pag ganun.

Nababangohan ako sa Victoria’s secret eh tsaka yung dalawa binigay lng sa akin ng Tita ko.

Sinuot ko pa yung red na Baby G ko na watch. Yan ang ganda ko na. Hindi ako nag memake up , nakakasira ng mukha. Kung Mag make up ako namimili ako at yung mga light lang.


Show you’re natural beauty dapat kahit may mga pimples or kung ano ano pa ang meron sa mukha mo.

Yan konting suklay ng buhok then ang ganda ko talga sa reflection sa salamin. You must love yourself. Hindi pagiging narcissist yun noh, NAKU ah.

Kinuha ko na yung sling bag ko na medyo kalakihan na red na may laman ng panyo, salamin, wallet ofcourse, ID , payong, pamaypay, Tissue, hand sanitizer,wet wipes,  maliit na pabango, rosary , Ballpen at Calculator.

Yeah Calculator. Weird ko noh. Hindi,  kase napakahelpful ng calculator. Tsaka sabe ng teacher ko nung high school ako, dapat bitbit mo lagi ang calcu, para laging handa.

Fly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon