Bakit kaya ganun? Huh? Anong bakit ganun? Ewan hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatanong eh. CHOSS lng!
Pero Anyway, bakit kaya may magandang katulad ko ?
WOHOHOHOO!
Bakit ba? Ang lakas ko talaga kahit kelan ^_^
Joke lng yung tanong ko noh, I forgot kung ano yung itatanong ko sa sarili ko. IHHH sarili talaga? Contemplate pla dapat .
Nakahiga kase ako sa kama ko at hawak hawak ko yung pang eleven na paper planes na bigay na naman ni Mister RI.
Bakit kaya ang sweet nya? Sweet kaagad? Eh ano ba dapat na word?
NAKU AH! NABALIW NA AKO RITO -_-Sino ba ang may RI na initials sa amin? Wala akong maisip eh. Baka naman word yan na 'Mystery' kaso pinaganda nya lng . Ewan malay ko ba ditto.
Pero may mga names na nagsisimula sa RI ah , I mean sa R. Malay naman naten sa I nagsisimula ang apelyido.
Hmmm... Royce? Pede mukhang cute eh hehehe
Richard?
Rico?
Ralph?
Ano pa ba ang mga R na names?
Abay wala na gud akong maisip. Yan lng yung alam ko eh.
Nako pero ang tyaga nya, tsaka ang galing nya sigurong mag palipad ng airplane. Eh kase sumasakto sa bintana eh.
Hindi ko muna siya binabasa. Baka magulat na naman ako sa mababasa ko.
OA ko naman gulat talaga hehe ^_^
Pero kase nakakabigla kase yung mga sinasabi nya. Naku ah masyadong nakakakilig. Binubuhay nya ung inner spirit ko. INNER SPIRIT? HAHAHA. Lakas maka inner beauty eh lols.
Tinignan ko ulit ung papel. Gusto ko na siyang buksan.
Dahan dahan. Pero Wait!
Nako hindi ka pa nasanay Yna ah. Kekeltokan kita.
Wait? Kekeltokan ko sarili ko? Ano ako engot? Naku ah masakit yun.
Pero nakakaexcite tong sulat na to.Take a deep breath.
Inhale...... then Exhale
Yan ok na ako. Babasahin lng naman naten eh, walang masama kung babasahin lng .
Eto na , IHHHHH. Kaya to
Dahan dahan ko siyang binuksan then binasa ko siya.My gad talaga tong letter na to
Hello again Yna. Wag ka sanang makulitan sa akin ah, nagmahal lng naman ako eh at ikaw yun. Pasensya ka na kung binibigla kita sa mga sulat ko. For sure baka itapon mo lng naman to kase aakalain mong ordinaryong eroplanong papel lng to, pero sana mabasa mo man lang. Alam mo kahit wala akong kasiguraduhan na mababasa mo to, pinapadalhan parin kita.Sayang lng kase late ko nang naisip tong eroplanong papel. Nahihiya kase akong kausapin ka. Ang ganda mo kase eh , hehe. Natotorpe akong kausapin ka, baka kase mautal ako eh. Nakakamesmerize ka kaseng tignan baka mapahiya lng ako pagkaharap na kita. Actually matagal na talaga kitang crush at sa nagdaang araw eh , napapamahal na ako sayo. Ang weird ko noh, mahal na kaagad. Wala naman sigurong masama na mahalin ka ng palihim eh, gustong gusto ko na talagang sabihin na gustong gusto kita pero natatakot ako eh. Torpe na kung torpe pero ganun talaga ako eh. For sure hindi mo ko napapansin. Ok lng basta napapansin naman kita. Sana magawa mo man lng tong basahin. Magpapakita rin ako, don’t worry. Nag iipon lng ako ng lakas na loob. Mahal kita.From:
Mister RI
Shemay naman oh. Bakit ba ganito siya.Mahal na nya ako? Pero paanong nangyari yun?
Baka pag hanga lng ang nararamdaman nya.
Hay nako Yna, nag inarte ka pa . Mahal ka na nga ng tao eh.
Eh Yoko mag assume eh, yokong mangyari yung nangyari kay mama na sinabihan siya ng matatamis na salita na papa tapos iiwan lng pala kame.Masisi mo ba ako kung bakit ganito ako mag isip? -_-
Kakaloka. Tsaka hindi napapansin? Ganun na ba ako kasuplada?
Nako ah, hindi kaya ako suplada sa school. Ang bait bait ko nga eh, pero cyempre defense mechanism ko yung pagiging suplada pag may mga nakakainis sa school noh.
Dapat hindi magpapagapi. Wow ang lalim ng gapi hahah'Wala namang sigurong masama na mahalin ka ng palihim eh’------ Grabe tong mga salita na to.
Pinagmasdan ko siya at paulit ulit ko siyang binasa.
“Wala namang sigurong masama na mahalin ka ng palihim eh” pagkakabigkas ko sa linya.
Hindi ko maiwasan hindi maging emotional. Kase may mga taong kaya pala akong mahalin. Aside sa family ko.
Mahal kaya kame ni Papa? Lagi kong naiisip yan, lagi kong tanong sa sarili ko yan. Kase kung mahal nya kame hindi nya kame iiwan. And it’s been seven years nang iwan nya kame.
Mahirap kase kung iniwan ka ng sarili mong Ama, malamang sa malamang ay iiwan karin ng ibang lalaki na mamahalin mo.Kaya takot na takot ako. Takot na takot ako kase wala akong magiging karamay kung sakalin masaktan ako, kase iba paren yung kalinga ng isang ama eh. Iba paren yun eh.
Pinapaiyak ako ng alaala ng papa ko. Pero nagpapasalamat ako dito kay Mister RI, sa pagmamahal nya kahit palihim. Hindi ko man makita pero unti unti ko siyang nararamdaman the moment na mabasa ko ang unang letter nya.
Natawa ako bigla kase kanina mukhang baliw ako ngayon bigla naman akong naiyak. Likas na baliw nga tlaga ako.
Ano nga ba ibig sabihin ng Torpe? Iba iba kase ung nagiging meaning nyan eh.
May iba naman mahina ka daw pag torpe ka. Ganun ba yun?
May iba naman ay takot ka daw pag torpe ka. Ganun?So pag mahina ka at takot kang sabihin ang nararamdaman mo ng harapan sasabihan kang torpe? Agad Agad?
Hindi ba pedeng mahina at takot kang sabihin ang nararamdaman mo dahil nag hahanap ka ng tamang tyempo?
Hindi naman kase minamadali ang love, tapos tong mga tao pag nakakita ng mahina at duwag torpe kaagad.
Kaya maraming napupunta sa maling relasyon dahil sa peer pressure narin eh. Ewan basta ganun lng siguro ung perspective ko dun.Hay. Nakakabigla ka talga tong sulat na to.
Gayunpaman ay Masaya ako kase may nagmamahal sa akin kahit palihim.
Pero gusto ko siyang makita? Ano kayang itsura nya? Gwapo ba siya?Gwapo talaga yung unang tanong eh. Eh bakit ba curious lng ako.
Matangkad kaya siya?
May Abs ba siya? Choss
Hala! Hala! Hala!
Abs talaga tinanong eh. Malay mo naman.
Nako ah pasimpleng landi ka Yna -_-
Pero sana kung mameet ko siya sana isa siyang mabait at responsableng lalaki . Though may extra points yung mga physical attributes pero more important kase yung ugali eh.
Pero sabe daw pag mahal mo naman ang isang tao tatanggapin mo ung flaws nya. So ganun!Wala namang perfect love eh, kaya nga may mga flaws eh, pero naniniwala ako sa True love!
Bakit ba? Walang masamang maniwala sa true love noh
Masaya kaya at masarap
Lasang Pag ibig.
Dami kong alam eh, pero ganun yun.
BINABASA MO ANG
Fly Love
Ficción GeneralDon't know how it happened Don't know why but you don't really Need a reason when the stars shine Just to fall in love Now I know love is real So when sky high,as the angels try Leaving you and I, fly love. --Fly Love by Jaime Fox "Love is full...