9. Sana

18 2 0
                                    

Kakastress ang araw na to, nakakapagod kase nakatayo na naman ako pauwi.

Higa kaagad ako sa kama ko.
Kanina madami dami naman kameng ginawa. Tinuruan kameng mag test ng mga tapos na wire na panels.

Maraming uri ng connection hindi lng pare-parehas. Depende sa usage at sa pag gagamitan kung anong klase ng wiring connection ang gagamitin.

Pinag trial and error kaagad kame sa pag testing ng panel at talaga na dapat mapauri ka talaga dun.

Mahirap baka masira pa ang gamit, though may trip naman pero pag hindi nasubaybayan mabuti ang pag test ng panel mag cause ng damage.

Naalala ko tuloy yung kagagahan ni Luisa sa akin habang nakain kame.
Kilig na kilig daw siya at nag-uusap kame ni Rendan.

Nako ah, matagal na kameng nag uusap noh pero hindi lng kagaya kanina na parang close na close kame.

Siyempre chinika ko sa kanya na may nagugustuhan si Rendan sa school.

At bigla nlng akong hinampas. Nagulat talga ako dun -_-

Baka daw ako yung tinutukoy.
Nako ah, yan na naman si Luisa.

Mahilig siguro tong umasa at mag assume? Ang hilig kase na mag imagine ng mga bagay bagay eh.

Subaybayan ko daw ang mga kinikilos ni Rendan pag magkatabi kame.
Napaisip ako kung susubaybayan ko, para naman akong engot nun!

Tsaka baka maadik ako sa amoy nya ang bango kase eh hehe ^_^

Anyway 7:30 na ako nakauwi pala, traffic kakaimbyerna!

6:30 actually ang uwian namen so 9 hrs per day kame except sa Friday na hanggan 5:30 lng kame.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. For sure may nagtext or something.

Nakita ko na nagmessage siya sa messenger ko.

“Friend ang gwapo ni Rendan dito oh!”  Basa ko sa message nya.

AT my gad talaga! Oo NGA ANG  POGI.

Nag send siya ng picture ni Rendan na naka topless at nakhaki shorts. Para siyang model dito. Though hindi naman siya naka tingin sa camera at nakaposing .

I think stolen shot nya to.

My gad ang abs @_@

Nako ah, masyadong nakakatemp ang picture na to, though kahit hindi siya mag hubad ramdam ko naman na may abs siya eh heheh.

“Stalker to!” Reply ko sa kanya.

“Gaga! Hindi natingin lng ako kase kilig na kilig ako sayo for sure kilig na kilig ka rin” sabe nya.

Naku ah! Gustong gusto nya na ipartner talaga ako kay Rendan eh.
Kahit naman sino gusto eh kaso may nagugustuhan nga siya eh.  Mas ok na yung cool lng ang pag approach ko sa kanya.

Yung tipong normal na mag kakilala lng. Para kung sakaling ako nga ang gusto nya cyempre mabibigla ako haha.

Joke lng! Mas gusto kong friends muna kame. May  ‘Muna’ talaga eh, pero ano  ba? Basta friends.


Hindi ko kase siyang masyadong nakakausap dati so parang itong pangyayaring ito ay makakatulong para makilala ko siya ng husto.

Hindi ko na nireplayan si Luisa. Baka kase ano pa kaseng masabe nun. Hindi pa naman magpapatalo yun.

“Ate, kakain na “ Rinig kong sabe ni Steve mula sa labas.

“Yes I’m coming, wait lng” sabe ko
Hindi pa kase ako nag papalit at nakakapag hugas ng face. Ganun talaga, to maintain good quality of skin and to prevent pimples or anything.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon