Chapter Two: A Birthday Preparation..

726 13 3
                                    

Dumating ang groupo sa palawan at hinanap ang resort ng pinsan nina Dimples. Doon sila magsta-stay. Ilang oras pa ang nakalipas ay nakarating na rin sila.

Anthea: We are here.

DJ: Wow ang ganda naman ng resort nyo bess, daming beautiful view.

Karl: Oo nga eh, nagkalat oh.

Jane: Anong sinabi mo?

Karl: Ang sabi ko, ano..

JK: 'Yan kasi, lumalabas na naman yang pag ka chick boy nyo.

Dimples: Oo nga naman, hello!! DJ, Kyle remember we are here to plan out what we will do two days from now. Tapos uunahin nyo pa 'yan?!

DJ: Bess naman, hindi na mabiro. Kalma ka lang ha. Hindi po ako maghahanap ng chicks!

Jane: Wee di nga Dex? Eh, excited ka nga kasi madami ka na namang makikita eh.

DJ: Ate talaga, I need to Help Dimples naman kasi malapit na 'yong celebration ng alam mo na.

Kyla: Ay, biglang naging helpful si DJ?

Robie: Oo nga, bakit kaya bro? Parang noon wala ka namang interest para dyan ah.

Karl: Kasi may--

Siniko siya ni DJ. Kaya napatahimik na lang siya.

Anthea: Ano 'yon?

Karl: Naku wala noh.

Dimples: DEXTER!!!

DJ: Ano na naman kasalanan ko?

Kyla: (Laughs) masydo ka ng napaparanoid Dex.

DJ: Nakakatakot kasi eh.

JK: (LAughs) Teka guys. Hindi ba tayo papasok? Ang init na oh.

Anthea: Oo nga pala. For sure naghihintay na si Kuya Steph sa loob.

Pumasok sila sa loob, sakto naman ang paglabas ni Stephane sa loby at nakita nila ito kaagad.

Dimples & Anthea: KUYA!!!

Lumingon si Stephane at nakita nag dalawang papunta sa direksyon niya. He smiled at sinalubong ang mga ito. He hugged them.

Stephane: Mabuti at nandito na kayo. How was your flight?

Anthea: Okey lang naman kuya.

Dimples: Ahh kuya eto nga pala ang mga barkada namin. Si JK, boyfriend ni ate. Si Karl, Si Jane Bestfriend ni ate, Si Robie, Si Kyla. At si DJ bestfriend ko.

Stephane: Oh, Kyla. Ang laki mo na ahh.

Kyla: Si kuya talaga, hanggang ngayon hindi pa rin naniniwala na lalaki ako.

Stephane:(Laughs) I'm just joking.

Matapos sabihin ang mga katagang 'yon ay tumingin siya kay DJ.

Stephane: So this is the Famous Dexter San Miguel. Lumaki ka na rin ah. So ano KAyo na ba?

DJ: Kuya talaga, hanggang ngayon ba naman.

Stephane: Bakit kasi hindi mo na aminin na may gusto ka rin dito.

Dimples: Wee? Yan hindi kami talo niyan eh.

Stephane:(Laughs). Remember 'wag magsalita ng tapos. Oh, sha pumunta na kayo sa mga kwarto ninyo. Magkatabi ng 'yong mga cottages ninyo. Ito na 'yong susi.

Anthea: Kuya malapit ba sa dagat?

Stephane: Oo naman, request nyo 'yon diba.

Dimples: Salamat kuya the best ka talaga.

Stephane: (Smile) Sige na at may pupuntahan pa ako. I'll pass by the cottages later.

Kyla: Okey kuya!  Ingat ka.

Umalis si Stephane at pumunta na rin sila sa kanilang mga cottages. Pagdating doon ay inayos na nila ang kanilang mga gamit. Ilang minuto ang lumipas biglang sumulpot si DJ sa pintuan nila.

Anthea: Sis, nandito si DJ. Pasok ka.

Dimples: Oh anong ginagawa mo dito?

DJ: Eh wala kasi akong magawa sa kabila eh.

Dimples: Oh, eh bakit hindi ka magDOTA?

DJ: Wala akong kalaban.

Dimples: Hmm buti pa samahan mo ako sa venue. Di ba sabi mo tutulungan mo ako.

DJ: Kailangan ba talaga ngayon? Maglakad-lakad muna tayo. Sige na.

Dimples: Okey. pero pagkatapos, tutulungan mo na ako ha.

DJ: Oo, promise. Halika na.

Umalis na sila at naglakadlakad sa  dalampasigan.

DJ: Ang ganda dito noh.

Dimples: Oo nga eh, napaka refreshing.

DJ: Alam mo balak kong dalhin dito si April.

Dimples: Sinong April?

DJ: 'Yong nililigawan ko.

Dimples: Ah.. si..siya ba. Ahm.. Kumusta na nga pala ang panliligaw mo?

DJ: Ayon, parang sasagutin na ako. Pagbalik nga natin tatanongin ko na siya.

Dimples: ahh. Mabuti naman kung ganoon. Teka may kukunin lang ako.

Umalis si Dimples na mabigat ang loob. Habang naglalakad siya.

Dimples's POV:

"BAkit ba palagi na lang akong umaasa. Nawala sa isip ko na may nililigawan na pala si Dex. Wala na talaga akong pag-asa na mapapansin niya rin ako. Hanggang bestfriends na lang talaga kami. Ngayon, malapit na siyang sagutin ni April. Sana na man 'wag akong mabaliwala sa buhay niya. Kahit yan na lang."

Unti-unting tumulo ang mga luha niya, alam niya na hindi siya dapat masaktan at umasa, pero masakit na masakit ang damdamin niya. Pakiramdam niya parang tinutusok ng isang kutsilyo ang puso niya. Alam niya na kailangan niyang harapin ang katutuhanan na BESTFRIEND lang talaga ang turin ni Dexter sa kanya.

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon