Chapter Ten: Sad Farewell.

505 11 0
                                    

Isang linggo nang nakauwi sina Dimples mula sa outing nila. Sa mga oras na ‘yon ay nakatingin si Dimples sa kawalan, nasa club house siya. Hindi natuloy ang pag-alis niya dahil sa natuklasan niya tungkol kay Alex. Gustong-gusto niyang umalis para man lang maiwasan si Dexter. Ngunit hindi niya magawang iwanan si Alex. Bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari, ang sagutan nila ni Dexter at ang pagtatapat ni Alex tungkol sa sakit niya. Hindi siya makapaniwala nuong una, unti-unti siyang dinala ng hangin sa araw ng pagdating nila. Dumiretso siya sa bahay nila Alex para malaman ang totoo. Masaya siyang sinalubong ng mama at papa nito. Hindi niya magawang ngumiti dahil sa bigat na nararamdaman niya.

Jazz: Iha, bakit parang malungkot ka. Halika dito maupo ka muna.

Dimples: Nandito na po ba si Alex tito?

Beatrice: Nasa hospital si Alex, kasi may check up siya.

Dimples: Totoo po ba..

Nagbabadyang pumatak ang mga luha niya.

Jazz: What do you mean iha?

Dimples: Totoo pa bang may sakit si Alex?

Nawala ang ngiti sa mukha ng mga magulang nito at napalitan ng lungkot. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya.

Beatrice: Iha? Paano mo nalaman?

Dimples: Pinagtapat niya po sa akin kagabi. Ayoko pong maniwala tita, tito. Sabihin ‘nyo po sa akin na hindi ‘yon totoo.

Jazz: Iha, noong una ayaw din naming maniwala. Ang totoo nga niyan halos kamatay ng tita mo noong nalaman namin na may sakit siya.

Napatingin siya kay Beatrice. Nakita niyang hilam sa luha ang mga mata nito. Ngumiti ito at ipinagpatuloy ang kwento ng asawa.

Beatrice: Bata pa lang si Alex, masasakitin talaga siya. Noong una, hindi namin pinansin ang mga senyales ng sakit niya, kasi sa isip namin baka napapagod lang sa kakalaro. Hanggang sa nadatnan na lamang namin siya ng Daddy niya na walang malay. Nasa fourth year na kayo noon.

Dimples: Ibig nyo pong sabihin, last year nyo lang nalaman ang tungkol sa sakit niya?

Beatrice: Oo iha, pero siya matagal na niyang alam. Hindi niya pinaalam sa amin ang kondisyon niya, pinagpatuloy niya ang pagbabasket ball, pinaniwala niya kaming okey lang siya. Na wala siyang problema.

Jazz: Aaminin ko sayo iha, sumama ang loob ko sa kanya. Pati na rin ang tita mo. Pero hindi ko siya kayang tiisin. Sinabi niya sa amin na, ginawa niya ‘yon dahil ayaw niya kaming mag-alala.

Dimples: Pero may paraan pa naman po diba? Pwedi naman po siyang magpaopera.

Jazz: Oo iha, we sugested that to him pero isa lang ang palagi niyang sagot sa amin.

Dimples: Ano po ‘yon?

Beatrice: Na ayaw niyang magpaopera.

Dimples: Bakit naman po?

Jazz: Noong huling beses na nagpacheck up siya, ang sinabi ng doctor ay maliit ang chance na makakasurvive siya. At kung magiging matagumpay man daw ang operasyon, hindi pa rin daw maiiwasan ang komplikasyon.

Dimples: Kaya po ba ayaw na niya?

Jazz: Oo iha. Alam mo iha, malaki ang pagpapasalamat naim sayo,kasi nakilala ka ng anak namin. Mula kasi noong palagi kayong magkasama, nakikita na namain siyang masaya, kahit papano ay nababawasan ang pag-aalala namin sa kanya. Sana hanggang sa huli lagi kang nandyan para sa kanya.

Dimples: (Smile) Makakaasa po kayo. Sasamahan ko po siya. Kaibigan ko po siya eh, ayoko po na may mangyaring masama sa kanya. Pero, tanggap ‘nyo na po ba?

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon