6 Years Later....
Dimples’s POV:
“Maraming nangyari sa loob ng limang taon, ikinasal si Ate at JK, at ngayon hinihintay nila ang pagdating ng first baby nila. Nagpaplano na ring magpakasal ni Jane at Karl. Habang Kyla at Robin inieenjoy ang mga panahong magkasama bago umalis papuntang ibang bansa ni Robie para magtrabaho bilang nurse. Successful din ang mga business nila. Si DJ naman busy rin sa bagong tayo naming restaurant. Sa wakas matapos ang ilang buwan natupad namin ang pangarap naming magkaroon ng sarili naming restaurant, at ako kahit papano masaya dahil nagiging maayos na ang lahat sa barkadahan namin.”
DJ: Anong iniisip mo? Bakit ang lalim?
Naputol ang pagmumuni-muni niya ng biglang magsalita si DJ sa likod niya. Kasalukuyan silang nasa lugar kun saan magaganap ang reception para sa kasal ni Jane at Karl.
Dimples: Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa dyan?
DJ: Oo, ano ba ang iniisip mo?
Dimples: Wala noh.
DJ: Anong wala? Eh halos malunod na nga ako sa lalim eh.
Dimples: (Hinampas sa balikat si DJ) Loko ka talaga.
DJ: Aray!! Ikaw naman hanggang ngayon inaunder mo pa rin ako!
Dimples: Aba! Hoy San Miguel kung makapagsalita ka parang under kita, hindi naman ah! Ikaw talaga gumagawa ka na naman ng kwento.
DJ: (Smile,then Sigh) Naku, mashado ka talagang seryoso. Binibiro lang po kita.
Dimples: Naku, ikaw talaga. Pasalamat ka mahal kita.
DJ: (Smile) Opo, thank you po.
Dimples: (Laugh) SIRA!
Nagkatawanan sila, hindi nila napansin ang paglapit nina JK at Anthea.
Anthea: Oh, anog meron dito at parang ang saya-saya niya?
Dimples: Oh ate nandito na pala kayo ,(Humalik sa kapatid). Kumusta ang check up? Kailan daw lalabas ang pamangkin ko?
DJ: Ito naman, subrang excited?
Dimples: Tumigil ka na diyan, kung ayaw mong masaktan!
JK: (Laughs) Kayong dalawa talaga.
Anthea: (Smile) Tama na nga yan. Okey lang naman, sabi ng doctor healthy naman ang baby. Two months pa bago ako manganak nuh.
Dumating na rin ang iba pa nilang kasama.
Jane: Hi guys!
DJ: Oh, nandito na pala ang ikakasal.
Dimples: Congrats ulit sa inyo, finally magkakaroon na kayo ng sarili niyong pamilya.
Karl: Salamat ulit. Basta ang pagkain libre ‘nyo na.
DJ: Oo naman. Wedding gift na namin ‘yon sa inyo. Para naman natikman ng mga bisita ang menu namin sa resto. Dual purpose kung baga.
Dimples: Wow naman. Finally may maganda kang idea ngayon noh.
DJ: Bess naman, pinapahiya mo nanaman ako eh.
Dimples: Eto naman binibiro lang eh.
Kyla: Kayo ha. Hanggang ngayon “BESTFRIENDS” pa rin kayo? Wala na bang next level yan?
Robie: (Laughs) Oo nga naman bro. Kailan mo ba liligawan ‘yan?
Dimples: Ano ba naman kayo. Alam ‘nyo naman na hindi mangyayari ‘yon diba? At saka natanggap ko na naman na hanggang dito lang talaga kami. Diba bess?
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Heart..
Fiksi PenggemarInlove si Dimples sa Bestfriend niyang si Dexter, ngunit may gusto itong iba. Paano nya ipaparamdam dito ang pagmamahal niya kung biglang pumasok sa eksina ang babaeng mahal nito? masasabi pa kaya nya na mahal niya ito? O tatalikuran na lang ang mga...